Siya lang

147 9 1
                                    

IKAW!

Oo, ikaw ulet! Haha. Gusto kong mag-share ulit sayo. Because life is full of challenges and obstacles at gusto kong malaman mo kung paano ka matutulungan ni daddy Jesus Christ para ma-overcome ang mga iyon! Parang ako...

September 05, 2011 ng ma-hire ako sa 2nd company na inapplyan ko pero nasali ako sa mga natanggal dahil hindi ko daw na-meet yung metrics at effective yun noong December, 10 2011.

Yung feeling na nag-resign ka sa 1st company, kung saan ka nag-work for 1year and 9months, dahil sa mas malapit yung location ng 2nd company tapos bigla kang tatanggalin without giving you a change to prove yourself? Dahil sa sumobra pala na-hire nila kaya minabuting tanggalin ang mga bago? And take note na walang notice yon ha? Basta nalang kaming pina-log out tsaka inalis sa production floor. Imagine?

Nakakalungkot pero hindi ako nagpasira ng loob because I have God which is more than anything in this planet. Inisip ko nalang noon na wala silang ideya sa kung ano ang kaya kong gawin kaya ayun, hindi ako ang nawalan. I know that there's a reason and I believe that God has plans for me.

Tsaka sabi sa Phil. 4:7

"And the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and minds through Christ Jesus."

So I put my heart at rest and believe in Him. Tsaka mas mabuti na yung rest in Jesus kesa yung mamroblema ako, mangunsume at mauwi sa 'rest in piece' dahil sa kakaisip di ba? Haha. Kaya naniwala ako at hindi Nya nga ako pinabayaan.

Nag-apply ako sa Makati and glory to God kasi natanggap ako! See? Hehe. Pinirmahan ko ang contract noong Febuary 13, 2012 pagkapasa ko ng training. Na-reach ko rin ang expectations nila sa akin bilang employee kaya nakapasa ako sa 5th month review. Ang kaso ay pipirmahan ko na dapat yung regularization ko ng may hindi magandang nangyari.

Nagka-Epistaxis ako, yung madalas na pagdugo ng ilong. Hindi sya super internal disorder pero isa syang abnormal behavior sa nose. Natigil nga ako sa pagpo-post ng stories sa wattpad noon eh. Kasi ayaw ni tatay na ma-stress daw ako pero ang hindi nya alam ay stress reliever ko ang paggawa ng stories. Haha.

Anyway, edi ayon nga, ganoon na ang nangyari tapos nawalan pa ako ng wallet. Kaka-widraw ko lang noon ng sahod ko kaya sa isang iglap lang ay naglaho pinagtrabauhan ko. Ang bigat sa pakirandam kasi naman sa apartment nawala e kakilala ko mga kasama ko dun.

Pero sabi nga sa Romans 12:21

"Do not be overcome by evil, but overcome evil with good."

Which is true di ba? Bakit ka pakakain sa sama ng loob na wala namang maidudulot sayo ng maganda. Mamomroblema ka lang, mai-stress, mapupuyat, magkaka-eyebags, papangit at kung anu-ano pa. Why not think about the goodness of God?

And that's what I did. Nag-thank you ako kay daddy Jesus dahil wallet lang ang nakuha sa akin at hindi ang buhay ko. Hindi Nya ako pinabayaan at hindi Nya pababayaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That's why I love Him!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon