Hindi pa rin ako makamove on sa binalita ni Mom at Dad. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kakaisip doon e.
Yan, mukhang Zombie akong pumasok sa school. Parang planggana na eyebags ko. :((
Tumabi sa akin si Marie, wala pa naman yung Prof namin kaya chismisan muna. :DD
'Hoy friend anong problema mo?'
Nagpout ako. *3*
'Friend, engagement party ko na next week.' :(((((( Malungkot kong chika sa kanya.
Napanganga naman si Marie tapos biglang tumawa ng malakas. Sapukin ko nga.
*Pak!*
'Aray naman friend, makabatok ka naman wagas. Naalog utak ko ah!' Angal nito.
'Ikaw kasi e! Kita mo na ngang stressed ako, tatawa tawa ka pa jan.' :(
'Akala ko kasi nag jojoke ka no.'
'Ako mag jojoke? Katapusan na yata ng mundo. Huhuhu.'
'Sino naman ang malas na lalakeng yun?' Tanong niya.
Kinurot ko nga siya sa tagiliran.
'Gaga ka malas pa siya ha! Ako yata malas sa kanya.' Nang-aasar pa tong mongoloid na to.
Tumawa lang ng malakas si Marie. 'Sino nga kasi?'
I shrugged. 'Malay ko hindi ko nga kilala kung sino. Pero may nabanggit sila Mom sakin na name.'
'Ow sino daw?'
'Err... Ryouji Watanabe daw.' *sigh* Mababaliw na ko friend! Yumuko nalang ako sa desk ko.
Bigla naman akong pinalo ni Marie. 'Araaaaay! Ang sakit ha! Abnormal kang babae ka!'
Nagniningning yung mata ni Marie, parang kinikilig na ewan. Tinapik ko yung pisngi niya.
'Hoy Ale! Anong nangyari sayo?'
'Frieeeeeeeeend!!' Inalog alog niya pa ako. Anong problema nito?
'Si Ryouji Watanabe!!! Transferee yun! Yung nasa canteen kahapon!!' Excited pa siyang pumapalakpak.
0_0
o_0
0_o
>_<
'Sigurado ka Marie?' o_0
'Oo nga friend! Ang swerte moooooooooo!' Kinikilig na pinalo ako ni Marie.
Swerte daw? Adik na babae. Tskk. Antipatiko kaya yun. x . x
[[ Ryouji's POV ]]
Inend ko na yung call. Kakatawag lang ni Mom sa akin.
Heck! Hindi pa pala nauubos yang mga arranged marriage na yan! Badtrip = .=
Kung kailan naman may nagugustuhan na akong iba. Tsk. Panira naman!
Alesandra Aia Punzalan. Yun daw yung name ng future-wife ko.
Aack! Pweh! Future-wife my ass. No way! I won't marry that girl. Kung sino man siya.
Nag ring yung phone ko. Napangiti naman ako nung makita ko kung sino yung tumatawag. Si Soo-jin, nililigawan ko.
'Moshi moshi, Soo-jin. Daijoubo desu ka?'
'Yeoboseo Ryouji-ya. I'm fine. How about you?'
Ang ganda talaga ng boses niya. Mahinhin, nakakarelax.
'I'm good, lalo na't tumawag ka.'
Tumawa siya sa kabilang linya. 'Ikaw talaga, binobola mo ako. Bogoshipeo Ryouji-ya.'
Sabi niya namimiss niya na daw ako. Nakikiliti ako. Haha parang timang ba? So gay!
'I miss you too, Soo-jin. Let's meet up?'
'Eung. Fetch me?'
'I will, see you later after class.'
'Eung. Bye!' Binaba na nito yung tawag.
Ang lapad ng ngiti ko. Kahit minsan hindi ko maintindihan si Soo-jin, ang saya ko pag nakikita ko siya kahit nakakausap lang.
Korean siya, medyo nakakaintindi naman ako kasi Half Japanese and Half Korean din ako.
Nakilala ko siya sa isang Comicon event. Mahilig kasi ako sa mga anime. Dun ko siya unang nakita.
Nagandahan ako agad sa kanya, kaya nilapitan ko siya para makipagkilala.
Pagkatapos nun, yun! The rest is history. Ngayon, nililigawan ko na siya.
Bigla naman dumating yung isang kaibigan ko, si Seito Tsukushi.
Tinext ko kasi siya para tulungan akong hanapin tong lintek na Alesandra na to.
'Bro. You're lucky.'
'Nazai? You found her already?' Tanong ko.
Tumango ito. 'Yeah, and guess what?'
'Nani?' meaning what.
'She's studying here in SCU.'
'NANI?! Are you sure? What Department? What course? What section?' Sunod sunod kong tanong. Akalain mo ba naman, schoolmate ko lang pala tong babaeng to.
Sabagay, mabuti na rin yun nang magkakilala kami para masabi ko sa kanyang hindi ako magpapakasal sa kanya. Hah!
Tinapik naman ako ni Seito sa balikat. 'Hey calm down. Isa isa lang. Haha.'
Upakan ko kaya to si Seito. Kung siya kaya nasa kalagayan ko, kakalma kaya siya?
'Sabi ng isang chicks na napagtanungan ko, Nursing student si Alesandra. 2nd year section A. Wala pa naman daw klase ngayon. Bat di mo puntahan muna?' Suggest nito.
Napatango ako. 'Yeah. I will talk to her now. Arigatou tomodachi.'
'Dou itashimasta.' Welcome daw.
Dali dali akong pumunta sa department na tinuro ni Seito. Salamat sa chicks nito na kompleto magbigay ng impormasyon.
Nahanap ko naman agad yung classroom ng section A. Dumungaw ako sa pinto. Natulala naman yung ibang students nung makita ako, tapos bigla nila akong dinumog.
Wala e, popular kasi. Tsk >:)
'Ryouji ako ba hinahanap mo?' kumapit sa akin itong isang babae. Anamae daw pangalan niya. Paki ko ba. Tsk.
Pilit kong inalis yung pagkakakapit niya sakin. Kinilabutan ako e, parang sawa kung makalingkis. Nakakatakot.
'Sino dito si Alesandra Aia Punzalan? Labas!' Sumigaw ako.
Dali dali namang itinuro ng mga students yung babae na nakaupo sa bandang likuran. Mukhang nagulat yung Alesandra pati yung kasama nito.
I smirked. Tsk. Look who we got here. Annoying girl.
************************************************************************************************************
A/N:
Huehuehue. Kung napapansin nyo, another "arrange-marriage-couple" 'tong peg nila Ryouji at Ales. Masyadong common at mainstream diba? Pero wag kayo mag alala. Meron akong magandang niluluto para sa kanila. Yum yum yummy. Haha
This is not your typical arranged marriage love story, maraming twists and turns ito. Soo sana support this story! Okaaaaay ba? Thaaaanks! <3
xoxo
HS<3
P.S.
Thank you sa gumawa ng cover ko. Thanks to myself. Hahaha
/wrist
/foreveralone