CHAPTER 2: Antipatikong lalake >.<

11 0 0
                                    

*krrriiiiiing! krrriiiiiiing!*

'Oyyy bell na! Dismiss na!' Sumigaw pa si Marie para namang hindi narinig ng buong eskwelahan yung bell. Baliw talaga.

Hindi pa nga nakakalabas ng pintuan si Ma'am, nakakahiya tong isang to.

Hinila ko yung palda niya para umupo siya.

'Hoy babaita! Umayos ka nga, atat ka ah! May detention ka pa oy! Tutulog tulog kasi, baliw.' Sita ko sa kanya.

Ngumisi lang siya. 'Sorry naman my friend, kulang ako sa Vitamin T eh. Sarap kaya matulog. Haha. Friend, Tom Jones na mga anaconda ko sa tiyan.'

Tumawa kami ng malakas. Parang hindi babae to si Marie kung magsalita. Pagkaganda ganda e parang tambay kung umasta.

Hinila na niya ako patayo para pumunta ng canteen. Tumakbo na kami, mauubusan daw siya ng pagkain e. HAHA

Humihingal kami pagdating sa canteen. Malayo rin kasi ng natakbo namin. Papasok na kami nang mapansin ko na parang naguumpukan yung mga estudyante sa isang mesa sa gilid.

Siniko ko si Marie. 'Oy ano kaya yun?'

Nagkibit-balikat lang siya.'Malay ko dun, busy ako dito.'

'Busy saan?' Lumingon ako sa kanya. Nagulat ako wala na siya sa tabi ko.

'Hala! Baliw na babae iniwan na ako. Tsk.' Pero nakita ko rin naman siya agad. Nauna na pala siya sa may counter.

Gutom na gutom na ata yung mga animals niya sa tiyan niya.

Susundan ko na si Marie sa counter ng biglang may tumalon sa harap ko. 

'Bulaga!' Mwahahahaha!

'Ay palaka!' Napasigaw ako. Muntik ko pang mabitawan yung hawak kong wallet.

Tumawa lang yung palaka sa harap ko, este lalake pala. Si Kevin, kaibigan ko rin.

'May palaka bang ganito ka gwapo?' Nagpose pa siya sa harap ko, yung pang Mr. Pogi.

Naduwal ako. Ano daw? Gwapo? Tss. Asaboy!!

'Hoy palaka, este Kevin! Nangarap ka nanaman ng gising! Gutom lang yan. Sabi ko sayo wag ka magpapalipas ng gutom e.' 

Tumawa lang siya ng malakas tapos inakay ako papunta sa counter. 'Sus deny ka pa. Alam ko namang nagagwapuhan ka sakin.' Kinurot niya pa pisngi ko. Paluin ko nga.

'Kadiri lang ha. Konyatan kita you like?' Hinimas himas ko yung pisngi ko. Masakit ha!

'Amazona ka talaga Ales. O yan pumili ka na ng pagkain, libre kita. Kuha mo na rin si Marie, baka magbigti yun ikaw lang nilibre ko.' Kumindat pa ang loko.

Natuwa naman ako. Naks! Libre, hindi ako umaayaw jan! Hahaha

'Teka nga nasaan si Marie?' Luminga linga ako sa paligid. 'Saan nanaman kaya nagsususuot yung kurimaw na yun?'

'Lumapit yata dun sa nag uumpukan dun sa gilid.' Tinuro niya yung mga nagkakagulong estudyante dun.

Ano kaya meron dun? Isip isip ko.

Kinalabit ko uli si Kevin. 'Bili mo ko ng baked macaroni saka mango juice ha? Lapitan ko lang dun si Marie.'

'Oo sige, punta kayo doon ha?' Tinuro niya yung bakanteng lamesa sa tabi ng counter.

Lumapit ako para makiusyoso dun sa mga estudyanteng nag uumpukan. May pinagkakaguluhan silang mga lalake na nakaupo.

'Girl, ang gwapo talaga ni Ryouji. Kinikilig ako.' Parang bulate na nagkikisay yung nasa gilid ko.

Hot and ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon