First Arrow: Nang Tinamaan ng Pana ni Kupido ang Puso Ko <3

58 0 0
                                    

Wow!

It's been a while since I opened my Facebook account.

Hindi naman kasi talaga ako mahilig mag-online eh. Kung magiinternet man ako puro manga, anime at dramas lang ang pinagkakaabalahan ko. Sa totoo lang gumawa lang naman ako ng FB account kasi sabi nung prof ko dun daw siya magpopost ng articles na kailangan naming basahin. Alangan naman na hindi ako magbasa diba? Edi bumagsak ako!

Pero siyempre minsan masaya din magFB kasi nakikita mo ang updates sa buhay ng mga taong matagal mo nang hindi nakikita nang personal.

At ayan na nga... hindi mo inaasahan, may magpopost nalang ng kung anong bigla na lang magpapangiti sa iyo. 

(o^-^o)

***

"ANG INIT!!! Grabe! Talo pa nito ang pila sa lotto na may jackpot na 300 million ah!"

"Ganyan talaga. Friday ngayon eh. Pati mga dormers nagsisiuwian. Achaka 5:30PM na kaya. Rush hour na. Uwian na ng lahat ng tao!"

"Grabe naman kasi bakit onti ang bus na pa-Cavite?!?! 4PM pa lang naka-pila na tayo!!!"

(((p(>o<)q)))

Andito kami ngayon ng friend kong si Maria Joya Alcala or Majo sa terminal ng bus pa-Cavite. Ako si Sarafina Salome Suarez Santillan at isa akong proud Cavitena! Ngayon ngalang, sa mga panahong ito na na ang hirap mag-abang ng sasakyan pauwi, parang gusto ko na mag-alsabalutan at lumipat na lang sa Maynila.

Pareho kaming kumukuha ng kursong Political Science sa UP Manila (as in University of Peace Manila - akala niyo University of the Philippines no? haha! Wish ko lang!). Pareho rin kaming taga-Cavite kaya nag-click kami agad first day pa lang.

Isang litrong C2, dalawang slice ng pizza at 2 burger na ang nakain ko nung makasakay kami ng bus. Buti na lang at nakaupo kami. Sobrang tagal naman kasi ng byahe tapos ang traffic pa kasi nga rush hour. Ang hirap kaya tumayo sa bus na siksikan nang dalawang oras! Pero dahil sa may Bacoor lang naman kami nakatira, dun na kami sa may unahan umupo, sa dalawahan. Kawawa nga yung iba eh... Sobrang nagmamadali siguro sila kaya kahit na tayuan na, sumakay na rin sila.

Nung mga panahong nakaupo na ako at nag-aayos na ng gamit sa loob ng bus, noon ko siya unang nakita.

Ang unang bagay na nakapukaw ng pansin ko ay ang maputi at makinis niyang balat. As in MAPUTI at MAKINIS! Mas maputi at makinis pa kaysa sa akin. Literal na mayroon siyang baby skin. Ewan ko ba pero mahilig talaga ako sa mapuputing lalaki. Parang nagglow kasi sila. Minsan nga kahit hindi naman pogi basta maputi parang ang pogi na rin eh.

Isa pang nakapukaw  ng atensyon ko ay ang kulot niyang buhok. Yung ibang lalaki, kapag kulot ang buhok parang ang dumi tingnan. Pero sa kanya bagay na bagay ang buhok niya.

Hindi naman siya katangkaran. Feeling ko nga magka-height lang kami eh. Mapapansin mo naman kasi ang height ng isang tao kapag nakatayo siya sa bus. Alam mo kung sobrang tangkad kasi halos aabot ang ulo nila sa kisame ng bus. Kapag maliit naman pwedeng halos pantay niya lang ng height yung sandalan ng mga upuan sa loob.

Siyempre dahil may nakita akong lalaki na type ko, hindi ko mapigilan na ngumiti. Sino ba naman ang hindi mangingiti pag may nakitang pogi diba? Smile galore lang ako. Nung makita ko siya, naisip ko: Wow! Mukhang hindi magiging boring ang byahe na to ah. Kahit gano katagal pa ang traffic, ok lang! Andito naman si kuya pogi eh. Hehe!

(ღ˘⌣˘ღ)

Ilang saglit pa ay umandar na ang bus. Siyempre, habang bumabyahe, nagsasakay pa rin sila ng pasahero. Ayan tuloy, si kuya pogi andun na sa may gitna ng bus. Ang hirap niya nang tanawin! Unti-unti na kasing sumisikip ang bus eh. Kanina pumapasimple pa ako ng lingon. Kunware titingin sa may likod kung puno na ba ang bus or kung may matatayuan pa ba. Sa totoo may gusto lang talaga tanawin. Hihihi!  (#^.^#)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello Kerubin!Where stories live. Discover now