one

3 0 2
                                    

Nasaan ako? Kanina pa ako paikot-ikot dito pero wala pa din eh. Puro mga puno at bato ang nandito. At ang huli kong natatandaan ay kasama ko si Kuya para sa isang outing. At pag-gising ko nandito na ako at di ko alam paano ako naka punta sa lugar na ganito. Hindi ko talaga alam. Miss ko na si Kuya...

"Germaine... Pst. . ." May narinig akong boses sa may di kalayuan.

"Pst... Ger...Mai. ..ne..." lumingon ako dulot ng kuryosidad. May nakita akong lalaki na nasa taas ng puno. Teka?  Kanina pa ako pabalik balik dito pero di ko naman siya nakita.

Tumingin ako sa taas na para bang sabik na makita ko ano ang kaniyang mukha.

"Kamusta Binibining Germaine. Ikaw ata ay naliligaw. Ako'y napukaw ng iyong kagandahan kaya ika'y aking tinawag. Mula kanina ikaw paikot ikot nawari mo na ba kung nasaan ka?"

Tanong ng lalaki. Pero tanging iling ang sagot ko sa kanya.

"Alam mo ba kung nasaan ka?" Tanong uli niya .

Umiling uli ako.

"Ikaw lang ang makakasagot binibini kung nasaan ka ngayon." Yung ang sinabi niya saka tumalon mula sa puno.

"Sino Ka ba? " Tanong ko sa kanya..

"Ako si Kayel Blue" inayos niya ung suot niya saka muling tumingin sa akin

"Ikaw Binibining Germaine Celestino ano ginagawa sa gubat na ito? Na pawang kathang isip lang. . . At walang hanggan kung ito'y iyong lilibutin"

"Nasaan ba ako kase?!" Naiirita kong tanong sa kanya

"Tayo ay nasa walang pangalang lugar. Tayo ay nandito. Sa... Walang pangalang lugar... kaya kung gusto mo ng umalis. Umalis ka na. Pero kung ako sayo... mag iingat ka."

"Samahan mo ko Ginoong Kayel" Di ko alam saan ko napulot iyon pero kasi kailangan ko ng kasama. Kailangan ko ng makakaramay.  Di ako sanay mag isa. Gusto ko ng umuwi. . .

Miss ko na si Kuya Gerald.

(305 words is enough for this chapter)

Where Am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon