ako to!

6.8K 119 3
                                    


"Briana's PoV"

"Ni rape mo ko!" sigaw ko salalaking kanila lang ay katabi ko sa kama

"Ako to babe!" sagot nya sakin

i look around the room at may isang Picture ang naka pukaw ng pansin ko picture namin?

"Teka! pano!" sigaw ko habang hawak ang ulo kong kumikirot

niyakap ako nung lalaking tumawag sakin ng babe

"Di ba sabi ko sayo mamahalin parin kita" umiiyak nyang sabi habang naka yakap sakin

hinatak ako ng lalaking to papunta ng sala

*Photo Album*

"Babe eto tayo nung kinasal tayo tingnan mo nasa highway pa tayo nito" tinuturo nya ang bawat larawan naming dalawa habang umiiyal

pinipilit nyang ipaalala sakin kung sino sya at kung anong meron kami

"Eto pa babe kasama natin si Bryan dito anak natin" turo nya ulit sa larawan

hindi sya naka tingin sakin pero bumubuhos ang luha mula sa mga mata nya

Panong ang tulad nyang lalake naggawang umiyak ng ganto sa harap ng isang babae

"Para ka namang bakla wag ka ngang umiyak" sabi ko ng mahina sakanya

Niyakap nya ko ng mahipit at sinabing

"Babe naalala mo ba nung bata tayo nung natapunan mo ko ng ice cream? ako ung batang lalaking iyak ng iyak tapos sonabihan mo rin ako ng bakla" natatawang sabi nya pero ramdam ko ang pag hikbi nya, nararamdaman ko ang bilis ng tibok na puso nya

hindi na ko nag tanong

nakatulog sya sa mga hita kong umiiyak

_________________

Warren's PoV

"Babe?" gising sakin ni Briana

"Babe? ok kana ba? ano naalala mo na ba ko?" tanong ko sakanya ng sunod sunod

tumungo lang sya at marahang umagos ang luha sa mga mata "Babe salamat kahit ganto na may sakit ako *sob hindi mo ko iniwan" sabi nya sabay yakap sakin

"Sinabi ko na sayo, kahit anong mangyare hinding hindi kita iiwan, hindibka bumalik sa buhay ko para lang pakawalan kita ulit" sagot ko sakanya habang pinapatahan sya

"salamat"

_______________

May ilang buwan naring bigla bigla nakakalimutan ni Briana kung sino ako?, si Bryan at lahat kami

Masakit na minsan pag gising nya sa kama bigla ka nyang sisipain para itanong kung sino ka

masakit na isang araw gigising kang stranger ka para sa taong mahal mo

yung gabing minsan na hindi ka nya papasukin sa kwarto dahil ang naalala nya palang ay kababata ako

sobrang hirap pala

pero kakayanin ko Briana, alam kong habang buhay tayong ganto pero hindi ako mag sasawang ipa kilala sayo kung sino kami sa buhay mo

mahal na mahal kita

to be continue

Stranger In My Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon