Kalabit... Penge?

737 11 16
                                    

”Naaalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalim ng kalawakan

Naaalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan”

Yan ang kanta sa ipod ko ngayon.

Nandito ako sa park, nakatitig sa kawalan habang pinakikinggan si Yael at may hawak na piattos.

”Haay Annika. Kailan ba kita makakalimutan?”

Hanggang ngayon, yan pa rin ang tanong ko. Tatlong taong naging kami nung babaeng yun at mag-iisang taon na rin simula nung iwan nya ko. Bigla na lang sinabi nya nun na di nya na ko mahal at aalis na sya...

[FB]

"Sana maintindihan mo ang desisyon ko. Mahal naman kita e, kaso hindi na sapat yun para manatili pa ko dito."

Hindi ko alam ang sasabihin. Nakatanga lang ako sa harapan.

"Sorry kung nangyari 'to. Hindi ko naman alam na darating tayo dito e. Mag-ingat ka okay? H'wag mong pababayaan ang sarili mo."

Niyakap nya ako.

"Mahal kita, Annika. H'wag mo naman ako iwan. I don't know how to make it through, babe."

Nangingilid na ang luha ko sa mata. Alam ko sya rin naiiyak na.

Kumalas na sya ng yakap sa akin.

"I'm so sorry. I have to do this. Hindi na kita mahal Lester."

Then she walked away.

[End]

”Babalik ka pa ba? Mahal pa rin kita o. Mukhang tanga na nga ko dito. Hinihintay ka pa rin kahit na alam kong di ka na talaga dadating.”

Dito sa park na 'to nya ko iniwan nun. Palagi pa rin akong bumabalik dito. Nagbabakasakaling makita sya ulit.

*poke*

”Subalit ngayo'y wala na

Ikaw ay lumayo na...”

*poke*

May naramdaman akong kumakalabit.

Akmang kakalabitin nya ulit ako nang nilingon ko sya...

"Anong kailangan mo miss?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya nang malapad sabay sabing...

"Pahingi akong piattos? ^_____________^V"

Inaamin kong cute ang babaeng 'to, pero para namang may saltik at humihingi pa sa'kin ng piattos.

"Bakit naman kita bibigyan, aber?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hmm. Kasi mabait ka at maawa ka sa akin dahil gutom na ko at favorite ko yang dala mo. Hihihi ^_____^v"

"Eh bakit di ka bumili ng sa'yo? Hindi ako mabait, di ako naaawa sa'yo." Diretso kong sabi sa kanya.

"Eeeeeh. Dali na kuya, ang layo pa nang tindahan dito at tsaka tignan mo, (pinakita nya sa'kin laman ng bulsa nya) pamasahe na lang 'to e. Sige na kuya, pahingi na 'ko ng piattos mo. ^3^"

Hindi ko alam kung bakit pero binuksan ko yung piattos at binigyan sya.

"Oh. Ito na, hati na tayo."

"Hihihi. Salamat kuya, pag nakita ulit kita dito ako naman mamimigay. Promise ^________^"

Umupo lang kami ng babaeng yun sa bench, habang kinakain ang piattos ko. Nakatingin ako sa malayo pero nakikita ko ang mga ngiti nya tuwing isusubo ang piraso ng piattos. Kitang-kita na masaya sya.

Kalabit... Penge?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon