Pakipot pa

16 1 1
                                    

Kung gaano kabilis gumalaw ang oras, ganoon naman kabagal maglakad ang nasa harapan ko. Kahit nga naman gaano ka kabilis, kung mabagal ang nasa unahan mo at makitid ang daan wala kang magagawa kundi bagalan ang iyong lakad o di kaya maghintay. Lunes ngayon at 8 a.m. ang pasok ko sa unang subject ko pero mga kinse minutos nalang mag a-alas nuebe na kaya di naman ako masyadong nagmamadali. Ang sarap itulak ng babaeng ito nasa harap ko, kung sagad na talaga ang kapangitan ng ugali ko malamang kanina ko pa siya nilampaso. Harsh, ganyan talaga 'pag walang tulog.

Ako nga pala si Cyril, also known as Cyril Jane K. Gaviola. And when I say that, hindi po ako nagbibiro dahil ganyan ang trip ng mga kaibigan ko sa pinapasukan kong university. Full blooded Filipina, long wavy hair which I always tie in a pony tail. Height? Maybe next time. I'm your typical girl with an average beauty of a filipina. Isa akong Architecture student, first year college, 17. Hindi ko alam kung bakit ito ang kinuha kong kurso dahil wala naman akong hilig sa pagdedesenyo ng mga pisikal na bagay.

“Cyril Jane K. Gaviolaaaaaaaaaa~” Bawal sumigaw sa hallway at walang paki-alam ang dalawa kong kaibagang kadarating lang din. Maraming studyante ang nasa harapan ng mga lockers nila subalit mabuti nalang at wala din silang paki-alam kung sino man si Cyril Jane K. Gaviola.

“Yes?” Tanong ko sa kanila. Mukhang may kailangan ang dalawang 'to.

“Good morning,” Bati ni Max habang naglalakad kaming tatlo. “Tapos ka na?”

“Teka, teka, bago mo sagutin yan huhulaan ko.” Sambat ni Gabby. “Hindi pa, di ba?”

“Hindi pa.” Sagot ko habang huminto kaming tatlo sa harap ng locker ko. “Kayo rin naman eh, di ba?”

“Yun nga ang point.” Sagot ni Gabby pagkatapos niyang sumandal sa katabing locker paharap sa akin. “Mag sleep over tayo sa bahay nina Max mamaya.”

“Sure,” Sabi ko habang kinukuha ko sa locker ang mga techpens, scale, triangles and the list goes on.

“Heppp, libre dinner. Midnight snacks hindi.” Mabilis na paalala ni Max. “At hindi naman tayo matutulog dahil gagawa tayo ng research papers and plates so tanggalin ang “sleep” sa “Sleep over”. At Ms. Cyril Jane K. Gaviola paki pulot ng kalat mo sa sahig.”

“Hindi akin yan.” Depensa ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa bag. “Wala akong naaalalang ganyang papel.”

“Oh, ang linis pa ng papel kunin mo nalang.” Pilit na binibigay ni Gabby sa akin ang nakatuping malinis na berdeng papel na pinulot nalang niya. “Total sa harap naman ng locker mo 'to.”

“Ayoko,” Matigas kong sabi habang sinasara ang bag ko.

“Akin na nga lang yan!” Pasigaw na awat ni Max. “Ang ganda ganda ng papel pinagkakaitan niyo ng karapatan na magamit. Sayang ang puno!”

“Ah, ayoko ng green.” Alam naman naming lahat na ayaw ni Gabby ng green because it reminds her of her ex. Choss, biro lang. It reminds her daw of sipon.

“Green is good for the eyes.” Pinaglalaban ni Max ang green kahit di naman din niya gaanong nagugustuhan ang nasabing kulay.

“Kaya siguro an labo ng mata mo.” Sambit ko kay Gabby. “Asan si Josh?”

Wala pa ang instructor namin nang dumating kami sa classroom at hindi na kami nagtataka kung late man dumating o hindi na dumating ang instructor namin sa mga major na subjects. Konti palang kami sa classroom, less than twenty people. Di na rin kami nagtataka kung bakit konti lang ang naroon. Ilang minuto after 9 dumating si Joshua, ang natatanging “lalaki” sa amin.

Nine Thirty ng dumating ang instructor namin. Design 112 ang subject code, four hours straight, masaklap. I was never a fan of studying. But I bet college will change that. Lalo na pag kasama mo tong tatlo: sina Max at Gabby walang araw na walang “trivia” ang dalawa; Si Joshua naman scholar kaya may dapat i-maintain na grade.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Design 112Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon