First day of class tapos late ako. Wala namang bago eh..
Pagkapasok ko sa room, nagsusulat na ang prof namin. Hindi ko sya pinansin at umupo ako sa bakanteng upuan sa likod.
"1/8 index card and then introduce yourself" sabi ng prof ko na mukha pang binata sa tantsa ko. Nakasuot ito ng makapal na salamin na nakakadagdag sa kagwapuhan nito.
Pagkapasa ko ng index card ay tumayo na ko at nagpakilala.
"Hi, my name is Lorraine Santos. 18 years old.." pagkatapos kong magpakilala ay umupo na ko at nagsulat na ulit sa board ang prof ko. Psychology pala ang subject namin ngayon.
Habang nagsusulat ako ay nalaglag ang ballpen ng katabi ko na nahulog banda sa paanan ko. Ayoko naman syang mahirapan kaya ako na lang ang kumuha. Pagkaangat ko ay nagulat ako ng makita ko si chinito guy.. Si chinito guy na nakatabi ko sa bus kanina.
"Hi, classmate pala kita." ngiti nyang sabi sakin. Hindi parin nagsink-in sakin na classmate ko sya. Hays ewan ko ba pero pag tinititigan ko ang mga mata nya, na sa-stun ako..
"K-kasabay kita kanina ah, bakit mas nauna ka pa sakin?" tanong ko.
"Ang bagal mo kaya maglakad. Tapos tinatawag kita kanina, naka earphones ka parin pala. Para kang lutang na ewan" biro nya na kinainis ko. Hmp.
"Ah okay" pagsusungit ko sa kanya.
"Sungit naman" hindi ko nalang sya pinansin at nagfocus ako sa sinusulat namin.
Natapos na ang klase at dumeretso ako sa paborito kong tambayan. Ang library. Pagkapasok ko sa library ay agad kong nakita ang best friend ko na si Natalie Ortega.
As usual, she's reading her novels again hayyy. Nandito sya hindi para mag advance reading kundi magbasa lang ng mga romantic chuchu na gusto nya. Well.. Ako? Eto magbabasa para may masagot sa mga recitations. Napansin ako ni Nathalie pero dedma lang, siguro maganda yung chapter na binabasa nya ngayon kaya hindi nya pinapansin yung bespren nya. Tsk.
I was quietly turning the page of the book when I saw a human figure towards our direction which is familiar to me. Wait.......
Sya na naman? Arghhh!
BINABASA MO ANG
Sucker For Love
Teen FictionLahat tayo gustong sumaya. Ngunit may mga taong gustong sumaya pero hindi nila alam kung paano. Tila ba'y nakalimutan nila kung ano ang pakiramdam na sumaya... Hanggang dito nalang ba? Paano na..