" PAAAAAAATTTTTTYYYY !! bumangon ka na dyan day ! para makapag tinda na tayo sa palengke anong oras na oh. "
" ano ka ba naman bakla ang aga mong mambulabog "
" bumangon ka na kasi dyan day para makaalis na tayo ang kupad mo pa naman kumilos "
" ito naman alam mo naman na pag napasarap ako sa tulog eh kasama ko si Prince Charming. hahaha "
" Ayan nanaman si Prince Charming mo , ano na ? nahalikan ka na ba nya ? aiyeeeeeei !! "
" hindi pa nga eh, andun na eh ! palapit na ! alam mo yun ! kaso ginising mo ko eh. "
" Ayyyy.. wawa naman .. belat :P "
" CHE ! o sya sige na bumaba ka na. maliligo na ko "
Haaay nakooo ansarap sarap ng tulog ko kasama si Prince Charming ko eh.. haha Kahit kailan to si bakla panira eh .. Si Chris ang bestfriend ko na pagka kulit kulit at love na love ko.. Maharot na bakla pero supeeer bait.. Sya na lang ang katuwang ko sa buhay simula nung namatay ang mga magulang ko sa sunog dito sa tondo .. Wala na rin syang magulang namayapa na rin sila matagal na kaya inampon sya ng mga magulang ko kaso sa kasawiang palad namayapa na rin sila..Sya din ang nakakakwentuhan ko sa mga pangarap ko pati na rin sa lovelife ko .. Pero simula nung nananaginip na ko sa prince charming ko.. Ewan ko ba hinihintay ko sya na dumating kaya wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko.. Kahit walang assrance na may Prince Charming nga ako .. takot na din kasi ako masaktan dahil ilang beses na ko naloko..
Kailan ko kaya sya makikilala ? Kaso mukhang malabo na magkatuluyan kami nun mahirap lang ako eh, hanggang fairytale lang yung nagkakatuluyan na mahirap at mayaman .. hayst.. Pero sana mahalikan ko sya :"> yeeeeii .. hahaha makakilos na nga masyado akong kinikilig eh.. haha
" Oy! bakla tara na "
" Oh kunin mo na tong basket "
*knock knock knock
" uy bakla buksan mo yun tignan mo kung sino yun . "
" baka si papa brandon nanaman :"> ayeeii , ako na magbubukas para maganda umaga kooo.."
" Landi mo talaga .. " ang landi ng kaibigan ko nu ? hahaha ..
Si Brandon ang kababata ko na kasama namin lagi ni Chris .. Napunta sya dito sa bahay tuwing umaga para tulungan kami sa mga dala namin sa palengke.. Gwapo , Matipuno , Masipag at maaasahan. Swerte ng magiging GF nya .. Kung pwedeng ako na lang sana kaso hindi ko sya tipo.. At hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya ..
" Tara na alis na tayo .. " pag aaya ni brandon habang buhat ang basket ..
" Isara mo na pinto Bakla "
" tapos na day .. "
" Good Morning Miss Beautiful ,, walang pagbabago ang ganda mo pa rin hanggang ngayon buti lagi kita nasisilayan sa umaga kaya nabubuo ang araw ko .. " pabati ni ka'tasiong na lasinggero sa tapat ng bahay namin..
" Ka'tasiong naman wala ka rin naman hong pag babago bolero pa rin kayo haha , ito na ko yung lambanog nyo alam ko naman na inaantay nyo to eh "
" hahaha alam mo naman .. pero maganda ka talaga sa paningin ko .. *heeek* " aba't lasing na sinisinok na haha..
" lasing lang ho kayo ka tasiong sige ho mauna na kami .. "
" Ka'tasiong ako din ho diba maganda ? " singit ni Chris sabay nag beautiful eyes ..
" aba'y oo naman , yung beauty mo pang dagat .. " sabi ni ka'tasiong
" bakit ho ? pang SIIREEENAA baa.. ? " tanong ni Chris ..
" Hindi , mukha ka kasi Shokoy HAHAHAHAH" nagtawanan kaming lahat inirapan lang ni Chris si ka"tasion..
" HMP. Che! tara na nga patty .. nauna na si brandon oh "
*PALENGKE*
'magkano ho rito'
'bili ka na pogi murang mura lang ang isda ko'
'ayoko ng isda mo bilasa na yan e'
'Pano mo naman nasabing bilasa ang paninda ko! eh kakagaling lang nyan sa ref!'
'eh talo pa nyan nagSHABU sa pula ng mata oh!'
'leche ka lumayas ka dito kung ayaw mo bumili!'
" Tingnan mo Patty walang gustong bumili sa paninda ni manay gurang ang sungit kasi hmp! " pasabi sakin ni Chris .
" narinig ka ata ni manay ansama ng tingin sayo oh at nakapamewang na.. lagot ka bakla.. "
" OOOOOYy!! anong MANANG GURANG ka dyan! narinig ko ang sinabi mo! hindi ako bingi aa! "
" MANAY GURANG ANG SINABI KO HINDI MANANG GURANG ! ayan ba ang hindi BINGI ! ang CHAKA mo ! kaya walang nabili sayo pareho kayo ng isda mo BILASA ! "
" aba't sumasagot ka pa aah " sinabunutan ni manay si Chris..ay ! ay ! naku ! yung paninda namin! dito pa nag awaayyyy huhuhu :'(
" tama na ! tama na ! yung mga paninda ! " patuloy pa rin sila sa pag sasabunutan..
'akala mo di kita papatulang bakla ka a!'
'che! lalaban ako sayo gurang! tanda tanda tanda! aaay yung muka ko wag mo siraan ang beauty ko GURAAANG!!'
Nagtatakbuhan ang mga tindero't tindera dala dala ang mga paninda nila. Nahinto ang dalawa sa pagsasabunutan at kinuha ang mga paninda..
" PAATTTTY !! ang ibang paninda ang mga macho papa palarga na ditey !! aaaah!! " nagtititili na si bakla.. nagmadali na din akong ligpitin ang ibang paninda sabay takbo. pinauna ko na syang tumakbo para masalba ang ilang paninda ..
Waaaaaaaaa hawak na nila ko .. " bitawan mo ko !! ump " sigaw ko sa mmda na may hawak sakin sabay hampas sa kamay nya at tapak sa paa kaya nakatakas ako .. takbo lang patty takbo .. takbo pa.. hah hah hah hinihingal na ko .. tago .. patty ayun may truck..