Nakatingin lang sa kawalan si Patricia. Nag iisip kung anong buhay ang haharap sa kanya. Andami nyang hindi maalala na nangyari mula noon. Ang tanging naaalala lang nya ay ang kasama ang pamilya na nagtaguyod sa kanya hanggang sa paglaki nya,
" claire. " malumanay na boses mula sa likuran.
Isang banner ang nakita nya na nasa tapat ng isang malaking bahay at may nakalagay na "Come in my palace my princess "
*Patricia's Pov
Ang ganda naman ng bahay na yan , napakalaki. Nakakaakit pasukin para makita ang loob.( humakbang palakad papasok ng gate. )
" Tao po! " parang wala namang tao dito , anlaking bahay pa naman.,
May lalaking sumilip pero tumalikod din agad , tinatawag nya ito pero hindi pa rin lumingon at dirediretso sa pagpasok.
"Kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang ? " boses ng lalaki mula sa likod.
Sino kaya sya ? Kanina pa daw nya ko hinihintay ? huh ?
" PATTTTTTTTTTTYYYYYYYY !! GISING NA DAY!! "
ugh ugh ugh .. punas ng kamay sa mata sabay hikab ..
" ano ba yan bakla .. antok pa ko eh ! -_- "
" naku teh! di porke yung feslak mo ay mala fairy, di ka pwedeng manatili sa fairytale no bangon na at si papa brandon andyan na .. aiyeiiii !"
" babangon na -_- "
haaay nakuu naman.. kelan ko kaya makikia ang mukha nya.. kelan ko kaya sya makikilala.. oh panaginip lang talaga ang lahat.. makakilos na nga..
" chris tara na, asan na si brandon? andun sa labas naghihintay sa mga dyosa."
" labas na tayo.."
himala wala sila ka'tasiong antahimik ng umaga ..
" patty . " pagtawag ni brandon sa akin..
" oh bakit brandon. "
" uhmm.. may itatanong sana ako .. "
" ano yun ? '
" alam kong alam mo na may gusto ako sayo , kung sakali ba na manligaw ako may pag asa ba? "
" brandon.. "
" joke lang! hahaha. tulala ka kasi mukhang may iniisip ka ,kaya nag isip ako ng itatanong."
" loko ka. hahaha. antok lang to. "
" lika nga dito pakutos nga para magising ka." aba't.. waaaaaaa.. kinutusan nga ako huhu..
" wag mo na isipin yun.. smile na .. yung ganito :D " haha sila talaga ni chris kumukumpleto ng araw ko..
" asan nga pala si chris.." nang iwan ata si bakla..