CHAPTER 1: MIRAEHYA ELLE TOMLINSON

852 32 5
                                    

"Ehya. Ehya. Sigurado ka ba na sa Korea muna tayo? Paano yung company?" Sabi ni Kristelle. Tumango lang ako.

"Ehya. Paano ang company?" Sabi nya ulit. Tumingin ako sa kanya.

"Kaya natin imanage kahit nandoon tayo." Simpleng sabi ko.

"Ehya." Tumabi sya saakin. "Alam kong hirap ka parin hanggang ngayon.Pero please...kalimutan mo na SYA.....namimiss ko na ikaw.....yung DATING ikaw...." Sabi nya. Bigla na namang tumulo ang mga luha ko. Kailan ba ako titigil kakaiyak dahil sa KANYA?

"Stelle, ang sakit eh. Sobarang sakit. Sa dinami dami ng tao....si Amee pa.......ang MABUBUNTIS nya....." Sabi ko.

"Sshh... tahan na Ehya... He's not worth your tears. Stop crying. I-impake mo na gamit mo. Tomorrow ang flight. Please. Promise me na babalik ang ngiti mo sa Korea." Sabi nya. 

"Okay. I promise." Sabi ko. Tumayo na sya at lumabas ng room ko. Kaya ko nga ba ngumiti ulit pagkatapos ng nangyari?

-Flashback-

"Happy 5th Anniversary Baby ko." Sabi nya.

"Happy 5th Anniversary din Baby ko." Sabi ko. He hugged me. I hug him back.

"I miss you Baby ko. Sorry ah...super dami kasi ginagawa sa company eh." Sabi ko.

"Baby ko...okay lang yon...Pero miss na miss kita..." Sabi nya.

"Ayiee~tama na landian...gorabels na tayo!!!" Sabi ni Amee. Kahit kelan talaga panira moment to...But still love ko parin yang babaeng yan.

Kung alam nyo lang.... Super duper swerte ko sa boy friend ko. He got the looks, talent, super bait, napakasweet, maalalahanin, mayaman, super caring, basta...lahat meron sya. Pero sa totoo lang...Si Amee ang dahilan kung bakit naging kami ni Baby ko...

After a week simula nung 5th anniversary namin, nagplan ako pumunta sa condo unit ni Baby ko. Nagdala ako ng lunch. Masarap kasi ako magluto at favorite nya lahat ng linuluto ko.

Nasa may pinto na ako. Whoah...bukas? Eh di naman nya gawain magiwan ng bukas na pinto ah...Baka nakalimutan nya lang. 

Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad sya sa salas...Wait. Si Amee? Bat andito sya? Ano naman kaya ginagawa nyan dito? Magsasalita na sana ako kaso---

"Kailan natin sasabihin kay Miraehya na buntis ako?" Sabi ni Amee. What?!? Buntis si Amee??? Aba! Itong babaeng 'to...talagang kay Baby ko este Edmound ko pa sinabi...nakakatampo ah...-pout-

Nagulat ako nang biglang akbayan ni Edmound si Amee.

"Maiintindihan naman siguro ni Ehya 'to eh. Isa pa... mahal tayo pareho noon." Sabi ni Edmound. Anong pinagsasabi nila? Wala akong maintindihan...

"Basta ah...Nangako ka sakin na pananagutan mo ako." Sabi ni Amee.

"Opo." Sabi ni Edmound. Biglang tumulo luha ko.

"Edmound." Sabi ko.Lumingon silang dalawa. Tumayo si Edmound.

"Baby ko...Please. Let me explain." Sabi ni Edmound.

"Explain what?!? After all these years...g-ganito l-lang g-gagawin nyo s-skin?" Sabi ko. I slap Edmound.

"You deserve that." Sabi ko. Tumingin ako kay Amee.

"I'm sorry Eya. I'm sorry. It's all my fault...Walang kasalanan si Edmound. Ako nalang saktan mo." Sabi ni Amee.

"No. I won't. Ayokong makapatay ng tao." Sabi ko. Tumingin ako kay Edmound.

"It's over." Sabi ko atsaka tumalikod sa kanila. I heard him calling my name. Biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko si Edmound...umiiyak.

"Please. Ehya. Give me another chance..." Sabi nya.

"Another chance for what? Another chance para lokohin ako ulit? Ayoko na Ed...Ayoko na... Please... Pagod na akong umiyak..." Sabi ko. Umalis na ako. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko...pagod na akong umiyak...nang magisa...

-End of Flashback-

nakakatawa isipin noh... Kasangga mo nang limang taon nabuntis kaibigan mo na halos kapapanganak palang sayo kasama mo na.

I'm Miraehya Elle Tomlinson. 22 years old. I am the present owner/CEO ng MET Airlines at Elle Hotels. Actually, ayoko talaga sa business. Gusto ko maging singer or engineer but 2 years ago, my parents died because of a car accident habang nasa business trip sila. Wala akong kapatid. Ayaw naman imanage ng kapatid ni Dad ang company, Idon't know why....Di ko pa nga din yon nakikita eh. Nasa ibang bansa daw sya pero andito na ulit sa Pinas. 

Kung tutuusin...parang ako nalang mag-isa ngayon eh...but may 4 na hindi ako inwan...Si Kristelle, Leanne, Kael and God. Best friend ko si Leanne at Kristelle since grade school then si Kael naman ay since 3020 pa...hehehe...

Kahit maraming problema na dumadating sakin...basta may faith ako kay God...Hindi nya ako papabayaan...I know that there's a better plan why these things are happened and i know also that the better plan is coming now...

Siguro tinatakasan ko ang problema ko...pero alam kong mahaharap ko iyon sa right time...Going to Korea is my decision...Alam kong makakatulong yon sakin para maharap ko ang problema ko...At alam ko rin na maraming magandang mangyayari doon...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello po.....

Salamat po sa mga nagbabasa ng story ko...

Pasensya po sa mga errors...

Hirap po kasi mag type eeh...

Thanks po talaga sa mga nagbabasa nito...

Salamat.....

Pwede po kayo mag comment ng kahit ano...

Pwede din po kayong makipag friends sa akin....Di po ako snob...

Paki vote na din po...

Salamat po~~~

                                                                                                                          kathpop

My 12 PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon