Chapt. 1 : Princess Christina & Lezette

20 1 0
                                    

HAHAHA !!

Nainspire lang ako sa mga pinapanuod kong

mga OTOME GAMES :)

Hileg ko talaga manuod eh xD

Hope you like it guys :)

Maikleng story lang to.

Promise :)

______________________________________________________

*WOOOSH*

*CLANK*

*WOOSH*

*CLANK* 

*WOOSH*

Patuloy lang ang ingay na maririnig sa hardin ng palasyo

dahil dun namin naisipan ni Lezette mag ensayo pampalipas lang ng aming oras para mas mahasa ang aming kakayahan

Ang pagsugod ng kalabang ay hindi nakaplano kundi laging biglaan. Kaya mas mabuti ng laging handa sa anu mang pwedeng mangyare

Magkasama kami lagi ni Lezette simula pa nung bata ako. Matagal na kasing nagsisilbi ang kanilang pamilya sa aming kaharian.

Si Lezette ang naatasan para maging taga-pagbantay at taga-pangalaga ko

Sobrang bait at maalaga saken si Lezette at kahit anong mangyare ay hindi kami mapaghihiwalay.

Simula nung tumuntong ako sa edad labing lima. Umalis na kami ni Lezette sa palasyo dahil sa pinasama kami ang aking inang reyna sa mga digmaan na kinakaharap ng aming kaharian

Ako ang tumatayong nakakataas sa lahat ng gerang aming pinupuntahan. Ito din daw ang magsisilbing ensayo ko pag ako ang namuno sa kaharian ng Alemna.

Madami na akong digmaang ipinanalo at kasama at saksi ko si Lezette kung saan nakilala ako at kinatakutan ng aming mga kalabang demonyo

Sa araw araw na pagdaloy at pagbugso ng dugo sa aking harapan ay hindi nahihiwalay sa akin si Lezette. Siya ang laging nasa likod ko para maging panangga at proteksyon.

Malaki ang tiwala ko sa kanya dahil kaya niya isakripisyo ang kanyang buhay para lang sa sarili kong buhay.

Pero dahil ayaw ko din siyang mawala sa piling ko ay ginagawa ko din ang lahat para protektahan din siya. Malaking parte na siya saken hindi lang dahil sa tagal ng aming pagsasama

Kundi dahil sa tinuring ko na siyang kapatid at matalik na kaibigan.

Ako nga pala si Prinsesa Christina Radaan Roland Alemna  at labing walaong taong gulang sa kasalukuyan. Nag iisang anak ako ng hari at reyna ng kaharian ng Alemna. Namatay daw sa malubhang sakit ang aking ama pagpapaliwanag sa akin ni Ina. Sanggol palang daw ako nung namatay si Ama kaya si Ina na lang ang namumuno sa aming kaharian. 

Nabubuhay ako sa panahon kung saan laging may digmaan sa pagitan ng mga tao at mga demonyo.

at ang aking kasama ngayon na nageensayo ay si Lezette Neil. Matanda lang siya saken ng isang taon at siya ang nag iisa kong tagapagbantay

Kababalik lang namin kahapon ni Lezette sa digmaan sa kanlurang bahagi ng bansa. Pinatawag kasi ako ni Ina dahil may ipapagawa daw siya sa akin. Kaya agad kaming nagtungo pabalik sa palasyo

" Sandali lang Lezette, magpahinga na tayo. Sapat na itong ensayong to para sa araw na ito " sabi ko habang umuupo sa puti at bakal na upuan at pinupunasan ang aking pawis

" Opo, mahal na prinsesa " sabi niya habang nilalagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang kaliwang dibdib at malugod na niyuko ang ulo tanda ng respeto saken

" Lezette, ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo na kailangang yumuko o lumuhod sa harap ko pag tayong dalawa lang " panenermon kong sabe

" Pasensya na mahal na prinsesa, nakasanayan ko lang talaga. hehe " ngiti niyang sabe at umupo sa kabilang upuan malapit sa akin

Ang mga ngiting yun ang nagpapaalala saken na hindi pa huli ang lahat para maging payapa ang bansa.

Alam kong may pag-asa pa basta mapatay ko ang sinasabi sa akin ni Ina. Si Lord Gardis.

" Matagal na din simula nung bumalik tayo sa kaharian, Lezette, halos tatlong taon tayong nawala dahil sa paglalakbay na ating ginawa at pagsabak sa iba't ibang digmaan na ating pinuntahan " sabi ko habang nakangiting tumitingen sa buong paligid

" Opo mahal na prinsesa, ibinigay niyo ang lahat para lang ipagtanggol ang nakakarami" marahang na sabe ni Lezette

Tumingen ako kay Lezette na bahagyang nakayuko ngayon

" at madami na din pong pangyayare na muntik na mawala at masakripisyo ang sarili niyong buhay, prinsesa " malungkot na sabi ni Lezette at dahan dahang tumingen sa akin

Halata sa kanyang mga mata ang kalungkutan at pagkadismaya

Halata lagi sa kanya ang pagaalala sa akin.

Pero ayaw kong maging ganun siya, siya ang minsang ginagawa kong dahilan para tumayo at lumapan pa.

Gusto ko lang manatile ang ngiting laging nakikita ko sa kanya

ngumite ako sa kanya na sadyang kinagulat niya

" Lezette, tungkulin ko na protektahan ang lahat at hindi ako napipilitang gawin yun. Kaya wag ka ng malungkot " sabi ko at patuloy parin sa pag ngiti sa kanya

"pero pa-" hindi na natapos ni Lezette ang kanyang sasabihin nung may babaeng lumapit sa amin

Isa ang babaeng to sa mga magigiting na taga-sunod ni ina

" Mahal na prinsesa, pinapatawag po kayo ng mahal na reyna sa kanyang silid. " sabi nung babae habang nakayuko sa aking harapan

Nung tumayo na ako ay tumayo na din si Lezette sa kanyang pagkakaupo

Ahh ganun ba. Salamat. Maari ka ng umalis " marahan pero ma-awtoridad kong sabe

Nung umalis na yung babae ay agad ko namang hinarap si Lezette

" Wag ka ng sumunod Lezette, kakausapin lang naman ako ni Ina. Bumalik ka na sa iyong kwarto para makapag pahinga ka na" marahan kong sabe

" Pero mahal na pri-" pinutol ko agad ang kanyang pagsasalita

" Lezette, isang utos ito mula sa akin " mawtoridad kong sabe

Kahit kailan ay wala siyang sinusuway na utos mula saken.

" Opo, mahal na prinsesa. Iintayin ko po ang inyong pagbabalik " malungkot niyang sabe

Tumungo lang ako sa kanyang sinabi at umalis na

Ano kaya ang dahilan kung bakit ako pinabalik ni Ina?

Ito na ba ang tinakdang araw para sa gusto niyang mangyare?

Hmmm.

Sa aking paglalakad

Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko ito pinahalata

Mas tinigasan ko ang aking paglalakad at mas inangat ang aking mga balikat

Isa akong magiting na prinsesa

Gagawin ko ang lahat para sa ikakapayapa ng aking kaharian at bansa 

Kahit buhay ko man ang maging kapalit sa aking gagawin

________________________________________________________________

HOPE YOU LIKE IT GUYS !! :D

HAHAHA !! PLease vote and comment :D

The Princess's DestinyWhere stories live. Discover now