Alter Ego [ϲοмɪɴɢ ѕοοɴ ♕ ɢ]

33 1 0
                                    

noun

1. a second self; a perfect substitute or deputy:

2. an inseparable friend.

3. another aspect of one's self.

Origin: 

[Latin : alter, other + ego, I, self.]      

Paniwalaan mo pa kaya ang sarili mo kung minsan, pagkagising mo, hindi mo na alam ang nangyari bago pa ang pagtulog mo? Ano nga ba ang nangyari? Sino nga ba ang may gawa? Paano kung lahat ng tao sa paligid mo ay nawalan na ng tiwala sayo dahil sa hindi mo malaman na kadahilanan?

Hahanapin mo ba ang sarili mo't lulutasin ang misteryong nangyayari sa sarili kahit na habang ang isa mo pang katauhan ay nagpupumilit, nagpupumiglas na pakawalan mo siya't nagnanais na palitan ang imaheng matagal mo ng pinnagkakaingat-ingatan na mabahiran ng anumang bahid ng kasalanan?

Lahat ng tao ay may kanikanilang isa pang pagkatao na ayaw natin ipakita sa iba't lihim nating tinatago. Bakit nga ba? Bakit hindi tayo magpakatotoo't harapin ang lahat ng mga bagay ayon sa kagustuhan natin? Bakit pa kaylangan na pilit ibahin ang mga sari-sarili natin upang maki-ayon lamang sa takbo at agos ng mundo?    

Bakit?    

Bakit hindi natin bukas palad na pahintulutan ang tunay nating mga saloobin?    

Bakit?    

Na kahit gustung-gusto mo nang tumawa ay hindi mo pa 'rin ito kayang gawin?     

Bakit?    

Kahit na gusto mo nang umiyak ay hindi mo ito magawa dahil hindi nila ito magugustuhan?      

At bakit kahit gustung-gusto mo na isigaw ang mga sakit at hirap na iyong nararamdaman ay hindi mo ito maisigaw at nananatili ka paring tikom at nagmumukmok sa isang tabi?      

Bakit nga ba? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alter Ego [ϲοмɪɴɢ ѕοοɴ ♕ ɢ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon