Mantrade

29 1 1
                                    

Nagmamadaling bumaba ng jeep si Kath papuntang sakayan ng bus sa Mantrade. Ito ang naging routine nya sa inaraw araw na kailangan nyang pumasok sa trabaho. Hindi kailanman sumagi sa isip nyang magkakaroon pala ng ibang tagpo sa araw na iyon.

Habang naglalakad si Kath papunta sa sakayan ng bus sa Mantrade, nakasalubong naman nya ang kanyang dating kaklase at kaibigan na si DJ.

Kath - Uy!

Nabigla naman si DJ sa kanyang nakasalubong. Sya rin ay papunta sa Magallanes mula sa babaan ng MRT.

DJ- Uy! Kath ikaw pala yan.
Kath - Musta na? Saan punta mo?
Dj - Sa Magallanes, dun kasi yung shuttle namin.
Kath- Ah! Ok. Ingat ha!

Nagpatuloy si Kath sa paglalakad ng mapansin nyang nakasunod o sumasabay sa kanya maglakad si DJ.

Kath - Akala ko ba sa Magallanes ka?
DJ - Hindi na, late na rin naman ako. Baka di ko na maabutan yung shuttle kaya mag bus nalang din ako.
Kath - Ah, ok. FTI din ba sasakyan mo?
DJ - Oo, pero mas mauuna pa akong bababa sa iyo.

Nakakita na sila ng bus at sumakay na. Kasamaang palad wala ng bakanteng upuan kaya napilitan sila pareho na tumayo sa byahe. Si DJ na ang nagbayad ng pamasahe nila. Nagkwentuhan lang silang dalawa hanggang kunin ni DJ ang cellphone number ni Kath bago bumaba. Bago pa bumaba ang binata, pareho pa silang nagpaalam na dalawa.

DJ - Kath, iyon pa rin ba ang number mo?
Kath - Naku, iba na. Ito na... pakilala ka ha! Pag di ko kasi kilala yung nagtext dine deadma ko lang.

At binigay nga ng dalaga ang new phone number nya. Na agad naman inencode ni DJ sa phone nya na may halong ngiti.

DJ - Sige Kath, baba na ko. Ingat na lang.
Kath - Ikaw din DJ, ingat! Nice to see you again. With matching smile pa.

Parang ordinaryong araw lang iyon Kath. Pumasok na sya ng opisina, nagtrabaho at umuwi ng bahay. Habang nanonood ng tv, bigla nalang tumunog ang kanyang phone.

Unregistered yung number pero nakita nyang ito pala ay galing kay DJ.

DJ - Hi Kath, si DJ ito. Alam mo bang ang saya saya ng araw ko. Nakasabay kasi ulit kita. Salamat at di mo ako sinungitan. Sana maulit uli ang pagkikita natin.

Natawa si Kath sa text ni DJ. Si DJ ay nanligaw kay Kath dati. Nung 5th yr college sila nagpahiwatig na si DJ ng pagkagusto kay Kath pero di iyon sineryoso ni Kath. Isa pa, ayaw nya pansinin si DJ noon kasi ayaw nya saktan ang damdamin ng isa nyang kaibigan. Last year ng tuluyang bastedin ni Kath si DJ at simula noon hindi na ulit sila nagkita. Ngayon na lang ulit sila nagkita kaya ganun nalang siguro ang tuwa ni DJ. Tutal naman mas handa na si Kath na makipag friendly date sa mga lalaki, may nabuo syang plano.

Collect then select.

Iyan ang gagawin nya. Basta may magyayang kaibigan basta single at not committed ay papayag syang makipagdate. Nasubukan na naman nya iyon sa isang kaibigang lalaki kaya sigurado syang magiging ok din if makikipagdate pa sya sa iba.

Nag beep ang phone ni DJ. Kinabahan ang lalaki dahil baka ito na ang hinihintay nyang text mula kay Kath.

Pagkatapos nyang basahin ang laman ng text, di na maikubli ang saya sa mukha nya. Ang laki ng ngiti at parang kinilig. Ang kanyang nabasa.

Kath - Masaya rin akong nagkita ulit tayo kaya gusto sana kitang yayain manood ng sine sa Sunday kung ok lang sa iyo?

End

MantradeWhere stories live. Discover now