Chapter One - Four

1.7K 19 7
                                    

"Bakit ba lagi ka nalang ganyan! Lahat nalang ng bagay pinagseselosan mo!"

Nanatiling nakatitig lamang si Dan sa taong nasa harapan nya. Pilit nyang sinasalo lahat ng salitang ibinabato sa kanya ng kanyang kausap.

"Hindi lang tayong dalawa ang nasa mundo Dan! Nakakasakal na!"

 Chapter One

Nagising si Dan sa tunog ng kanyang alarm clock. Halos ibato nya ito sa pagkakagulat nya sa bawat kalampag ng parang maliit na martilyo sa magkabilang bell nito.

"five minutes more..." wika nya

Bigla syang napabalikwas na maalala nyang first day of school ngayon at hindi pa nya naayos ang kanyang gamit. Hindi pa ready ang materials nya at ang ibang gamit nya sa pagtuturo.

"hmm.. orientation pa lang naman.." bulong ng kanyang isipan.

Mabilis nitong dinampot ang tuwalya at agad na nagtungo sa banyo. Habang nasa loob ng banyo ay iniisip nya kung anong klaseng mga estudyante naman ang kanyang makakasalamuha.

Matapos maligo ay nag-ayos na agad ito ng sarili. Nagsuot na brief, boxer short at black pants. Kasunod nito ang kanyang bagong uniform na kulay blue na nagpapalabas ng kanyang natural na kulay.

"Pogi na uli" Bulong nya sabay ngiti sa harap ng salamin.

Nilagyan nito ang kamay nya ng fix at inayos ang kanyang buhok. Katulad ng dati mala-koreano ang pagkakaayos ng buhok nito.

"mas pogi na uli" sabay ngiti nito sa salamin.

Agad na bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. Inayos ang hapag kainan at inihain ang niluto ng kanyang ina.

"Ma! Kain na tayo, malelate na ako"

"Una ka na anak. Hindi ko pa tapos plantsahin ang uniform ng kapatid mo"

Mabilisang tinapos ni Dan ang kanyang pagkain at nagpaalam na sa kanyang ina.

"Ma, alis na ho ako. Dalin ko ang kotse dadaan kase ako ng mall mamaya" pagpapaalam nito.

Hindi na sumagot ang kanyang ina senyales ito na pumapayag ito sa sinabi nya.

"Good Morning guys!" Bati nito sa loob ng kanyang klase.

"I'm Mr. Francisco. And I'm your Philosophy subject" pagpapakilala nito sa kanyang bagong estudyante.

Hindi gaanong katangkaran, moreno ang kulay ng balat, mata na nawawala kapag ngumingiti at semi-build na katawan. Yan si Dan. Dahilan narin kung bakit ang daming babaeng gustong mag-take sa kanya ng subject. Pogi na matalino pa.

Isa-isang nagpakilala ang mga estudyante sa unahan at nakapalagayan loob narin ni Dan ang unang section na tinuruan nya.

Dan POV

Lintek na panaginip iyon hindi na ako nilubayan. Gabi-gabi na lang. Napakalamalas ko talaga ngayong araw na ito. May isang mayabang ba naman na estudyante ang nakipag-unahan sa pagpasok sa gate at muntik na ako mapasubsob sa pagmumukha ng lady guard. Akala tuloy ng guard na iyun ee sinasadya ko. Mayabang sya!

Lumipas ang dalawang oras ay panibagong section naman ang hawak nya. Ang panakamagulong course daw. Ang Criminilogy.

"First time ko palang hahawakan ang course na ito. Baka makapatay ako kapag napikon ako" sabi nito sa kanyang sarili.

Habang naglalakad paakyat ng building si Dan, napansin nyang naghaya ang mga pagmumukha ng mga estudyante.

"Mga Criminal siguro. Criminology pala" pagtatama nya.

Sir Beyb (102 pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon