Chapter Twelve
Tristan POV
Kinausap ko si Lhanz. Sinabi ko sa kanya na kahit anong mangyari ay hindi ako papatalo kahit sa kanya para kay Dan. Sinigurado ko sa kanya na akin lang si Dan. Gagawin ko lahat – ang lahat-lahat. I will make him feel special all the time and no one can take away Dan from me. Alam ko na naintindihan na ako ni Lhanz kaya hindi na ito sumagot pa sa mga sinabi ko sa kanya.
Takte! Ang lambot ng labi nya! I always longing for his lips since we kissed. Sabi ko two minutes lang pero lumampas kami. Niyakap ko sya para hindi sya makapalag. Ayoko na matapos ang mga oras na iyon. Ang tamis – ang lambot at ang sarap ng labi nya.
Bumalik ako sa tent namin. Alam kong gising pa sya. Nagtutulug-tulugan. Sumiksik ako sa tabi nya. Tinanong ko sya kung magiging masaya ba sya kapag tinigilan ko na sya. Pero sa totoo lang kahit anong isagot nya hindi ko parin sya titigilan. Mahal ko kasi sya.
"Bakit ikaw ba magiging masaya ka kapag tinigilan mo ako?"
Guguho mundo ko kapag nangyari yun. Kahit makipagsuntukan pa ako kay bagyong yolanda gagawin ko – wag lang syang mawala sakin. Niyakap ko sya ng mahigpit. Yung hindi sya makakawala – yung hindi sya makakapalag.
"I love you more than anything else – I can't stand without you. You are my life" sabi ko sa kanya.
Hindi sya sumagot. Hindi sya nagsasalita. Tahimik kaming dalawa. Nalowbat bigla ang cellphone at tumigil ang tugtog.
Nilapitan nya ako – hinalikan nya ako.
Napakasaya ko.
"Dahan-dahan lang – hindi ka mauubusan ng kalsada"
Sabi sakin ni Dan habang nasa byahe kami. Nakakapanibago. Ramdam ko yung saya kapag kasama ko sya MAS lalo ngayon. Tinatanong nya ako kung gutom na ba daw ako o kung napapagod ba ako.
"Hatid mo na ako pauwe. Gusto ko magpahinga, masakit pa kasi mga binti ko"
"Sa bahay tayo didiretso. Nag-aantay sa atin si Tita"
"Ang alam kasi ni Mam – "
"I already talked to your mom. Sinabi ko sa bahay ka magpapahinga til tomorrow and she didn't complain"
(flashback)
Kanina pa akong alasais dito sa bahay nila. Maaga talaga akong gumising para maaga din makapunta sa bahay ng mahal ko. Baka kasi injanin ako nun. Kilala ko ugali nun. Nagdoorbell ako sa bahay nila. Mabilis na may nagbukas ng gate para sakin. Kialala na ako ng mama nya at pinapasok na ako ng diretso sa kanila.
"Naku Tristan natutulog pa si Dan"
"Ayos lang po. Sa totoo lang po ay gusto ko rin po kayo makausap"
Sa totoo lang inagahan ko talaga. Sinadya kong dumating sa kanila na wala pa syang kaalam-alam. Gusto ko na kasi magpropose sa kanyang ina. Yung tipong liligawan ko muna ang magulang bago sya.
"Mukhang seryoso ka iho"
Nagpatimpla ng kape ito sa kanilang katulong. Nagpaluto ng breakfast.
"I know Madam that this thing is really hard to understand – but I really feel it."
Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa mga lumalabas na salita sa bibig ko. Gusto ko na syang puntuhin pero baka magulat sya.
"I have a problem with your son"
Pagpapatuloy ko habang humihigop-higop ng kape.
![](https://img.wattpad.com/cover/9278568-288-k304579.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Beyb (102 pages)
RomanceMinsan may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari - mga bagay na magpapagulo at magpapasakit ng ating ulo. Mga bagay na susubok sa ating kakayahan at ating isipan. Mga bagay na imposibleng mangyari pero pwede pala. Mga bagay na mali sa paningi...