sam ship-yuk.

243 24 13
                                        

Hirai Momo

3:15 na ng hapon.. it means UWIAN NAAA!! okae wala lang happiness lang ako kase naman makakatulog na rin ako ng matiwasay ahehehe~

Bago ako umuwi pupunta muna ako sa starbucks, yiz yaman ng bespren niyo, medyo nag dadalawang isip pa ako kasi maraming tao sa tawiran pero sa ngalan ng strawberries and cream at smores susulungin ko ang lahat ng unos para lang makapunta sa starbucks.

Inintay naming mag green bago tumawid, naambon na rin hanggang sa lumakas ito paunti unti. Nag taka kung bakit may anino sa ulo ko, lumingon ako sa likod at nakita ko si Wonwoo tinatakpan ang ulo ko gamit ang kamay niya. Luh? Bobo papayungan na nga lang ako kamay pa ginamit, edi nabasa parin ako. Sasabihin ko na sana na kaya ko naman ng lumapit siya sa tenga ko.

"Just walk baka mas lalo pang lumakas ang ulan kung titigil tayo dito sa gitna." namula ako ng mapansin kong nasa gitna nga kami ng kalsada!

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin at nag diridiretso na lang sa starbucks.

Nang akmang pipila na ako sa counter hinila niya ako sa sulok at pinaupo.

"Anong order mo?" kalmado niyang tanong, hindi ko ulit siya sinagot at tumayo pero hinila niya ulit ako paupo.

"Kaya ko nam--"

Nagulat ako ng linagay niya ang kamay niya sa table at sa pader kaya nacorner ako, linapit niya rin ang mukha niya sakin, naninigas na ako sa kaba kasi sobrang lapit talaga!! mga bes reyp!!

"Ano ulit?" ngumisi siya.

"S-strawberries and cream tapos blueberry cake or smores.." sabi ko, ngumisi ulit siya saka tumango.

"Alright.." linagay niya yung bag niya sa mesa.

Sandali lang ako nag antay at bumalik na rin siya. Linagay niya ang order ko sa lamesa.

"Asan yung iyo?" tanong ko, umiling lang siya saka ngumiti. JAJNSUAHDJDJS KALMA. HINDI KO SIYA CRUSH OKAY?! SADYANG EWAN!

May nakasulat dun sa baso ko, nakalagay.. "I'm sorry Momo >.< ♡"

Tumingin ako sa kanya, nakanguso siya habang nag c'cellphone pero bumalik ulit sa poker face.

candy • wonwooWhere stories live. Discover now