NAGPASYA si Ysa na sa labas na lamang niya hintayin si Ryan sa lobby habang hindi pa ito tapos sa isinasagawang board meeting.Tapos na ang pictorial at tulad ng nakagawian, tumatambay siya sa Reception desk kung saan naka-puwesto si Rina. Receptionist ang kaibigan niya sa Hermanos Clothing Line kung saan siya nakapasok bilang Fit Model. Katatapos ng pictorial nang tawagan siya ng nobyo na huwag muna siyang umuwi pagkatapos ng trabaho dahil kakain sila ng dinner sa labas.
"Uuwi ka na ba, Ysa?"
Nilingon niya ang si Rina na abala sa pagbuklat ng phone directory sa desk."Hindi pa. Dito muna ako. Hihintayin ko si Ryan." tugon niya.
"Ayee! Ang umiibig nga naman oh, kayang maghintay kapag busy si mahal."
Tudyo ni Rina.
Napangiti naman siya."Ikaw talaga, Rina. Humanap ka na rin kaya."
"Naku, no way!" agap nito. "Ayaw ko pang magka-boyfriend noh. Sakit lang sa ulo."
Sumimangot pa ito. Halatang may masamang karanasan sa pag-ibig.Napailing si Ysa. Kilala niya si Rina, magkababata sila at matalik na magkaibigan.
Dating may nobyo ang kaibigan pero ipinagpalit lamang siya ng katipan sa babaeng may edad at mapera. Simula noon, hindi na muling nakipagrelasyon sa iba si Rina. Na-trauma yata ito sa sinapit ng unang relasyon.
Bitter man si Rina tungkol sa pag-ibig, napaka-supportive naman ito sa kaniya at sa nobyo.
Mabait ito at tunay na kaibigan. Napatunayan niya iyon nang hindi siya nito iniwan sa gitna ng matinding pangangailangan. Ito nga ang nagpasok sa kaniya bilang Fit model sa Hermanos Clothing Line nang sumama siya rito sa Davao. Mas mainam daw na iwan niya ang probinsya para hindi siya mabaon sa lungkot dala ng pagyao ng ulirang ina. Malaki ang naitulong ni Rina sa pagpapalibing sa ina; pinansyal at moral support. Lahat kasi ng ipon kinikita niya bilang Pre-school teacher ay napunta sa medication ng ina no'ng nabubuhay pa ito. Pero hindi pa rin nadugtungan nang mahaba-haba ang buhay nito, tatlong buwan matapos masuri ng doktor na may kanser ito sa atay ay tuluyan na itong pumanaw. Wala na rin ang maliit na taniman ng gulay at ang loteng tinitirikan ng barung-barong nila, naipagbili niya iyon nang ma-confine ang ina sa ospital ng tatlong buwan. Sa isang salita, wala na siyang ari-arian sa Isabella. Kung may babalikan man siya roon, iyon ay ang puntod ng ina."Hindi naman lahat Rina. Tingnan mo si Ryan, hindi naman siya naging sakit ng ulo ko, ah." dipensa niya.
"Hay naku Ysa, pagkatapos lang nilang makuha ang gusto nila... lalayuan ka na nila. Gano'n ang mga lalaki, kaya nag iingat ako noh. Mahirap na."
Hindi niya masisi ang kaibigan kung bakit ganoon ang pananaw nito sa pag-ibig, kung bakit ganoon na lamang ang inis niya sa mga lalaki. Hindi naman biro ang pinagdaanan nito sa kamay ng walanghiyang Ex nito.
"Sabagay may punto ka Rina. Pero iba si Ryan sa 'kin. Siya na yata yung the best na boyfriend. Nasa kanya na lahat ng katangiang hanap ko sa isang lalaki." Nangingiting ani Ysa habang nakalarawan sa isip ang mukha nobyong si Ryan.
"Masuwerte ka, Ysa. Kaya nga huwag mo na siyang pakawalan pa. Bihira na ang lalaking katulad ni Ryan. Kaya kung tukain ka niya huwag ka ng magpakipot, ha. Kagatin mo agad." ani Rina sabay kindat kay Ysa.
Napabungisngis si Ysa sa kalokohan ni Rina."Akala ko ba galit ka sa mga lalaki?"
"Hindi kay Ryan. Dahil nakikita ko namang alaga ka sa kanya. He loves you, e, di approve siya sa akin."
"Alam mo ikaw, Rina huwag mo ang sulsulan at baka mapahamak pa ako."
"Sus! Hindi kita sinulsulan, ah. Advice lang po, dahil alam natin na guwapo at mayaman ang nobyo mo. Maraming mga babaeng nakapaligid sa kanya." Makahulugan siya nitong tiningnan.
Pagkuwa'y nangingiti habang nanunukso siyang sinipat.
BINABASA MO ANG
His Cold Heart
RomanceBook cover by: @jedimustadddd "I don't know what I'm doing, Ysa but I want you. I need you and I don't want to lose you." SA PAG-AAKALANG buntis si Ysabelle sa yumaong si Ryan, hiniling ni Donya Elvira na pakasalan ni Ryder ang fiancee ng namayapan...