CHAPTER THREE

6.1K 244 20
                                    


"Ano'ng sinabi mo, Bebang? Nahimatay si Ysabelle?"
Si donya Elvira. Bigla itong napabangon mula sa hospital bed nang marinig ang balita ng katulong nila sa mansion na siyang pansamantalang bnagbabantay sa kaniya aa hospital habang wala si Edmund.

"Opo, Señora. Buti nga ho'y nasalo siya ni Señorito Ryder kundi naku! Baka ho kung hindi basag ang bungo, nakunan siya." Bira ng matabil na katulong.

Nanlaki ang mga mata ng señora. Mukhang naniwala agad ito sa kuwentong kuneho ni Bebang.

"Nasaan sina Edmund at Ryder?"

"Eh, umuwi ho saglit si señor sa mansion. Baka po mamaya pa pupunta rito. Si señorito Ryder ho, eh mukhang kasama pa rin si Ysabelle. Aba'y kung hindi... eh bakit wala pa siya rine?" Diniinan pa nito ang salitang'kasama', sabay ismid. Halatang hindi ito boto sa isiping magkasama sina Ryder at Ysa. Palibhasa maka-Ryan din si Bebang. Mas malapit ang loob niya sa isang kambal.

Siya namang bukas ng pintobat iniluwa doon sina Ryder at Edmund. Biglang namutla si Bebang, natutop pa nito ang sariling bibig.

Nakahulugan itong tiningnan ni Ryder. Parang nakahalata ang mga bagong dating sa pinagdadaldal na naman ng kanilang katulong. Magaling maghabi ngga salita. Ang masama ay puro baman kasinungalingan kundi haka-haka lang ang mga iyon.

"Elvira,"

"Ma,"

Lumapit ang mga ito sa Señora at hinalikan sa pisngi.

"Bebang, puwede ka nang umuwi. Ako na ang magbabantay sa Señora mo." Si Edmund nang balingan si Bebang.

"O-oho, Señor. Mauna na ho ako." Mabilis niyang dinampot ang lagayan ng baonan ng pagkain sa maliit na lamesa at madaling lumabas ng silid.

Ryder smells something fishy sa kilos ni Bebang.

"Kumusta si Ysabelle? A-ang baby niya?" sunod-sunod na tanong ni Elvira sa mag-ama.

Nagkatinginan ang dalawa. Pagkuwa'y kapwa kunot-noong bumaling sa Señora.

"What are you talking about, honey? Walang nangyaring masama kay Ysa. She's fine. Nag-collapse lang siya pero hindi..."

"Edmund, ang baby na lang ni Ysa ang alaala natin kay Ryan. Please, dalhin mo ako sa kaniya."

Akmang tatayo ito pero pinigilan ng asawa. "Honey, relax. Baka atakihin ka na naman. Hindi pa lubusang maayos ang kondisyon mo." Nagaalalang si Edmund. Kaninang umaga'y ipinaalam ng doktor nito sa kaniya na tumaas na naman ang blood pressure ng asawa. Hindi maganda ang mapagod ito at bigyan ng alalahanin sa mga oras na iyon.

"No, honey. Gusto kong makita si Ysa. Bibilinin ko siyang laging magiingat para sa baby. Please, Edmund?"

Napabuntong-hininga ang Señor. "Honey ..."

Hindi nito naituloy ang balak sanang sabihin nang sumabat si Ryder.

"I will bring her here tomorrow, Ma. Don't worry, the baby is fine. Kaya magpahinga kang maigi, ok?" May lambing ang tono ng binata habang gagap ang kamay ng ina.
"Salamat, hijo. Salamat. Alam kong mahalaga rin sa iyo ang pamangkin mo. Masaya ako na malamang nagdadalantao si Ysa sa anak ni Ryan--- ng kambal mo." Naluluhang yumakap sa kaniya ang ina.

Parang pinipiga ang puso niya sa sinabi ng mama niya. Hindi naman lingid sa kaniya na mas matimbang sa ina ang kambal niya, pero nasasaktan pa rin siya na sa ganitong kalagayan nito'y puro Ryan pa rin ang bukambibig. Masakit sa loob niya na nawala ang kakambal, masakit mawalan ng kapamilya. Kaya't kung maari ay ayaw niyang nai-stress ang kaniyang mama. Gusto niyang bumalik na ang lakas nito at gumaling na nang tuluyan. At gagawin niya ang lahat, bumalik lang ang sigla nito. Pupunan niya ang pangungulila nito sa kaniyang kakambal. He will be a good son to her. He could be Ryan if she want.

His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon