Sandy's POV
"Sandyyyyy! Gising!" Unti-unti, nagising na ako. Si Trisha pala gumising sakin. Haaay, eto talagang sir na to -.- Palagi akong nakakatulog sa klase niya dahil nakakaantok talaga boses niya, as in.
"Tara, break time na. Gutom na ako." Pagyaya ni Matt. Minsan nagtataka talaga ako eh, kung bakit walang tropang lalake 'to. Napapaisip din ako kung beki ba 'to HAHAHAHAHAHA joke lang.
Tumayo na ako at dumeretso na kami sa canteen.
September na. 3 months na ang nakalipas simula nung lumipat kami dito. 3 freaking months, 3 months of suffering dahil sa katabi ko ; - ; Hindi niya ako tinantanan na kakasabi sakin na gusto niya ako.
Ang resulta? Ayun, puno ng pasa yung braso niya dahil sa kakahampas ko hehe maloloka na ako sa school na 'to.
"About nga pala dun sa project sa Econ, kamusta na ang grupo niyo?" Tanong ni Trisha. Ha? Group? Project? Anong sinasabi nito?!
"Anong pinagsasabi mo?"
"Hay nakooo. Tulog kasi ng tulog, ayan tuloy." Pang-aasar pa ni Matt. Hahampasin ko na 'to eh.
"Kaseeee, sabi ni sir yung rowmates mo ang kagrupo mo tapos gagawa daw tayo ng booth sa parating na school fair." Excited na sabi ni Trish. Wow, ang bongga nung school fair ha. Pero wtf, bakit hindi ko alam na may sinabi siyang ganto T-T
"Tapos kayo bahala sa theme ng booth niyo." Dagdag pa ni Matt.
Wait, rowmates? So ibig sabihin kagrupo ko si Nathan?!?! Paking tape naman ; - : Bakit ba hindi sumasang-ayon sakin ang kapalaran?!?!?!?!
Nagring yung phone ni Matt tapos sinagot niya, naiwan kami ni Trish na nag-uusap kung ano kaya meron sa school fair next week. Bigla akong naexcite hihi. Hindi sa project ha -.- Yuck yun. Naeexcite ako sa concept mismo ng school fair. Wala kasi kaming ganun sa dati naming school :c
"Speaking of project, Trisha!!!" Tawag ni Matt, "Tumawag si Devon. Meeting daw tayong groupmates."
"So iiwan niyo ako dito ganon?" Ang daya, magkagrupo sila! Bakit ang malas ko sa school na 'to?!?! Huhu, ako sana kasama nila kung hindi lang nagpalipat ng upuan 'tong si Devon na 'to eh.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With A Cassanova
RomanceAng love, minsan ay biglaang dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan. Nakakainis pero totoo. Pero paano na kung ang love na iyon ay siya mismong kukuha sa buhay mo? Paninindigan mo ba? O kaya naman biglaan mo naring bibitawan?