Chapter 6

19 0 1
                                    





Sandy's POV





"NATHAN?!?!" Ang tagal kong naka-nganga dito na parang ewan. Nakakagulat kasi!! Sino bang mag-aakala na may barkada pala 'tong cassanova na 'to?!?!



"Sandy! Baka may pumasok pang langaw. Close mo na yan." Sinara ni Dani ang bibig kong naka-nganga.



"Bakit? Nagwapuhan ka sakin no?" Aba't kinindatan pa ako ng loko. Hinampas ko tuloy siya.



"Nako! Diyan nagkatuluyan parents ko." Biglang sabi ni Matt at nagtawanan silang lahat.



"Seryoso? Sa hampas ka nabuo?" Tanong ni Cindy.



"Shh. Para lang kiligin sila." Bulong ni Matt sakanila pero narinig ko parin. Psh, as if naman no!



"Excuse me. Hinding-hindi ako maiinlove, maski kikiligin sa mga cassanovang tulad ng taong 'to." Pagdepensa ko sa sarili ko. Totoo naman. We all learn from our mistakes.



Hinampas ko din si Matt para matchy-matchy sila ni Nathan hehehe. Mga echosera sa buhay ko.



"Oh basta start na tayo!" Singit ni Nathan. Nacurious ako bigla sa gagawin.



"Ano ba gagawin?" Tanong ni Trisha.



"Spin the bottle!" Napa-grin si Devon sa sagot niya. What? Spin the bottle? Bakit yun?



"Bakit spin the bottle?" Tanong ko.



"Medyo kakaiba nga pala ang spin the bottle namin." Sabi ni Patrick, "Sa Spin-the-bottle Quailords version, ang unang matapatan ng bote ay yung magtatanong. Then yung pangalawa, siya yung sasagot nito. This game is about honesty because honesty is a very important thing sa barkada. Kailangan mong sagutin ang anumang tanong na maibato sayo." Wow. Ang complicated pero ang cool. Wala talagang tinatagong sikreto ang mga 'to sa isa't-isa no? They're super honest with each other.



Nacurious tuloy ako bigla kay Nathan. From now on, nasa iisang barkada na kami. Maybe it wouldn't hurt if I erase the barrier in between kahit na konti lang?



No, Sandy. What the hell are you thinking? He's a cassanova, C-A-S-S-A-N-O-V-A, cASSanova. Kahit na baliktarin mo pa ang mundo, ganyan siya!

I Fell Inlove With A CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon