FINDING MY TRUELOVE 1
Ewan ko ba kung bakit ang malas - malas ng buhay ko. Una na lang ng mapahiya ako sa kaibigan ni boss. Ano ba naman kasing pumasok sa kokote ko at ginawa ko yun sa boss ko. Nasanay na kasi ako na palagi ko na lang ginagawa yun kay boss tapos hindi naman ako pinapagalitan ni Sir kapag ginagawa ko yun kaya okay lang. Pero ang masama nito kung titingnan mo sa malayo parang naghahalikan kami ni Sir na pabor naman sa akin (Huwang masyadong manyak Shanai) sigaw ng utak ko. Pangalawa naman muntikan na akong mabangga ng jeep dahil sa lutang ang isip ko. Napagalitan pa tuloy ako ni manong ang malala pa nito sinigawan pa niya ako ng wag daw akong tatanga - tanga sa daan. Pangatlo naman heto ako ngayon nasa mall dahil inutusan ako ng magaling kong Sir na mag - grocery. Nasaan ang hustisya sa pagkakaalam ko secretary niya ko at hindi katulong para utusan niya kong mamamili dito sa mall. Pasalamat siya mabait akong tao dahil kung hindi kanina ko pa siyang ginahasa este kanina ko pa siyang binigwasan.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot nag - text kasi si Sir na susunduin daw ako ng driver niya. Aba dapat lang nag - taxi na nga ako kanina para madaling makarating sa mall nabawasan tuloy ang pambayad ko sa renta sa bahay. Nakita ko ang isang matandang babae na may kasama na batang lalaki na tila ba parehas silang nagmamadali sa paglalakad ang weird naman nila. Matapos kong mailagay sa sasakyan ang mga pinamili ko sasakay na sana ako ng makita kong natumba yung matandang babae kaya pinauna ko na ang driver ni Sir at sinabing may pupuntahan lang ako saglit buti na lang at pumayag si kuyang driver. Nang makaalis na ang sasakyan ni Sir kaagad kong dinaluhan ang matanda at dali - daling itinayo. Kawawa naman kasi mukhang mayaman kasi ang mga ito dahil nababakas dito suot niyang magagarang damit.
Bang. Bang. Bang.
Nagulat na lang ako ng may mga armadong lalaki na nagpaputok sa gawi naman. At ng tiningnan ko ang ginang na ito bakas sa mukha niya ang takot hindi para sa sarili ngunit para sa batang lalaki na kasa - kasama niya. Dahil sa takot na maabutan nila kami kaagad kong binuhat ang batang lalaki at dali - daling tinanong ang ginang kung nasaan ang sasakyan nila. Nagulat ako ng makita ko na wala ng buhay ang driver nila.
Dala siguro ng taranta ko kaagad kong pinasakay ang ginang sa unahan ng sasakyan habang inalis ko naman ang lalaking wala ng buhay at palihim kong kinuha ang baril nito sa tagiliran. Kaagad kong pinaandar ang sasakyan para hindi kami maaabutan ng mga humahabol sa amin. Habang ang batang lalaki ay unti - unti ng umiiyak dala siguro ng takot muntik pa nga akong mapatawa paano ba naman tawagin ba naman akong mommy.
A - Ahmm Maam?
You can call me lola Charlote. Habang panay ang haplos niya ulo ng batang lalaki na nakatulog na sa tindi ng pag - iyak.
At kung minamalas ka nga naman talagang walang tigil ang kahahabol nila sa amin habang nagpapaputok sila kaya kaagad kong pinayuko ang ginang este si lola pala. Ngayon ko lang naisip pwede na pala ako makasali sa movie ng Fast and Furious sa tindi ng bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. Dahil sa inis ko binuksan ko ang bintana ng sasakyan at kaagad na nagpaputok sa gawin nila at bulls eye natamaan ko ang isa sa kanila. Dahil sa walang gaanong dumadaan malaya akong nakakapagpaputok sa gawi nila. Hanggang sa nagpalitan kami ng mga putok ng baril. Hindi pa ko nakontento at nilakihan ko na ang bukas ng bintana ng sasakyan at nilawit ko ang kalahati ng katawan ko at umupo dito sa may bintana habang ng papaputok sa gawi nila.
And after ng pakikipabarilan sa kanila nakita ko na lang sumabog na ang sasakyan nilang humahabol sa amin at hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sapagkat natalo namin sila. Matapos ang karumal - dumal na nangyari sa amin nina lola na daw kasi ang itawag ko sa kaniya ngayon lang pumasok sa kokote na gabi na pala dahil hinatid ko na sina lola sa bahay este mansyon nila para siguradong ligtas sila. Isa lang din ang naisip ko lagot ako nito kay Sir dahil hindi na ako nakabalik sabi ko pa naman madali lang ako. And what the fudge ngayon ko lang din napansin na kanina pa palang dumudugo ang balikat ko mukhang hindi ko napansin na nadaplisan pala ako ng bala.
~ ~ ~
What the eff. Ano bang problema ng secretary kong yun at hindi na bumalik. Pasalamat siya at naaawa ako sa kaniya kaya hindi ko siya tinatanggal sa trabaho niya isa pa magaling naman siyang secretary kahit papaano. Hanggang sa narinig ko na lang na tumutunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong sinagot.
Iho kailan ka ba pupunta dito sa mansyon nagtata-----------------
Tsk. Sorry po pero hanggang nandiyan ang salot hindi ako babalik diyan.
Pero iho hindi ka ba naaawa sa kaniya gusto kana ni--------------------
Hindi ko na siya pinatapos dahil alam kong tuluyan masisira ang araw ko kapag patuloy ko pa siyang pinakinggan. Useless rin naman ang pakikinig ko sa sasabihin niya dahil pipilitin niya lang akong bumalik sa impyernong lugar na iyon. Kaya kahit anong gawin niyang pagpapansin sa akin hinding - hindi ako babalik doon siya ang may kasalanan kung bakit w--------------------
FLASH REPORT ! ! !
Isang sikat na Business Tycoon hinabol ng mga hindi kilala lalaki. Pero ayun sa kuha ng CCTV tila may isang babaeng tumulong sa kanila at batay rin sa nakakita dito tila ba sanay na sanay sa ganoong uring bagay ang tumulong sa nasabing Business Tycoon. Sa ngayon ay hindi pa kilala kung sino ang tumulong sa kanila at hindi rin pumayag ang naturang Bus---------------------------------
Dahil walang kwenta lang naman ang binabalita nila kaagad kong pinatay ang tv at pinagpatuloy ang ginagawa kong presentation para sa bago naming investor. Humanda talaga sa akin ang magaling kong sekretarya siguraduhin niya lang na valid ang irarason niya sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na tanggalin siya sa trabaho.
______________________________________________________________________________________________________________________________
AN: Finish with the first chapter. Hope you like it guys :)
Feel free to read. comment. vote.
Thanks guys :)

BINABASA MO ANG
Finding My Truelove (Under Revision)
RomanceBang. Bang. Bang. (Putok ng Baril) Nagulat na lang ako ng may mga armadong lalaki na nagpaputok sa gawi naman. At ng tiningnan ko ang ginang na ito bakas sa mukha niya ang takot hindi para sa sarili ngunit para sa batang lalaki na kasa - kasama niya...