•Chapter22:Park•

76 6 5
                                    

"Nagseselos ako kase ikaw yung first love niya at ikaw pa din yung mahal niya hanggang ngayon!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nagseselos ako kase ikaw yung first love niya at ikaw pa din yung mahal niya hanggang ngayon!"

A-anong_ hindi ko maintindihan.

"Anong sinasabi mo Jimin? Hindi kita maintindihan."

"Kasalanan mo kung bakit laging umiiyak si Irene. Bakit mo ba kase siya iniwan?!"

Iniwan?

Naguguluhan na talaga ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pagkatapos mo siyang iwan nung mga bata pa kayo ngayon babalik ka ng hindi mo siya kilala?!"

"Jimin hindi ko alam yang mga pinagsasabi mo."

"Yun nga eh! Bakit wala kang maalala?!"

Anong ibig niyang sabihin?

Matagal ko ng kilala si Irene?

Bigla na namang sumakit yung ulo ko. Napaupo na lang ako bigla.

"Anong nangyayari sayo?!"

May nag-flashback na naman sa utak ko.

"Mommy saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang pilit naman akong pinapapasok ni Daddy sa kotse

"Anak,listen to me." sambit ni Mommy habang inihaharap niya ako sa kanya

"Kailangan nating umalis. This is for your own good." sagot niya

"Malalaman mo din kung bakit,anak." sambit ni Daddy

"Paano na po si Irene? Hindi pa po ako nakakapag-paalam sa kanya." tanong ko kaya naman bigla silang tumigil sa paglagay ng mga malalaking maleta sa kotse

Napa-buntong hininga muna si Mommy bago niya sagutin yung tanong ko.

"Sulatan mo siya." sagot ni Mommy at inabot sakin ang isang papel at lapis

Habang nagsusulat ako hindi ko mapigilang hindi maluha.

Para sa pinaka-mamahal kong kaibigan,

Unang-una sa lahat. Ikaw ang pinaka-panget na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Sobrang panget mo. Nung una pa lang kitang nakita... ang sarap mong umbagin. Mukha kang batang yagit nang una kitang nakita. Naglalaro ka ng luksong baka kasama yung mga tropa mong lalaki na mga mukhang gusgusin parehas sayo. Mukha kang bruha nun. Kase parang hindi ka nag-susuklay. Dapat binigyan pala kita ng walis tingting noon para malaya ka ng lumipad. Naalala mo pa nung ikaw na yung mag-luluksong baka tapos nakita mo ako kaya nasubsob ka sa lupa? Sobrang nakakatawa ka nun. Wala eh pogi talaga ako. Sinulat ko ito   para mabasa mo syempre. Sana mabasa mo nga. Kung binabasa mo ito ngayon. Dapat ka ng ikulong dahil tresspassing ka sa bahay namen. Okay seryoso na to. May dahilan kung bakit ako umalis. Lahat naman ng narito sa mundo may dahilan kung bakit sila nandito. Parang ako,ginawa ni Lord para pasayahin ka. Kinikilig ka ngayon diba?  Hindi ko maipapangako sayo na babalik ako. Pero babalik ako para sayo. Irene isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko. Kaya alagaan mo yung sarili mo habang wala ako. Sorry nga pala kung hindi ako nakapunta sa bahay niyo para maglaro at kumain ng spaghetti. Kailangan lang talaga naming umalis ngayon. Hindi ko din alam kung bakit,pero kailangan. Sana kahit anong mangyari hindi mo ako makalimutan. Ako pa din ang pinaka-pogi mong bespren ha? Ipinapangako ko sayo na babalik ako. Hinding-hindi kita makakalimutan Irene. Mahal na mahal kita Panget. Lagi mong tatandaan yan kahit tumanda ka na kakatanda na mahal na mahal kita. Salamat sa lahat Irene. Mamimiss kita ng sobra sobra. Basta kiss mo lagi yung baby picture ko ha? Hanggang dito na lang.

Annyeong My Puppy Love ↠ k.th + b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon