Chapter 3

4.4K 136 15
                                    

AN: May good news pala ako sa inyo. Na-approved na ang Amara's Tale. Tapos ay hinahanap din itong story ni Randall- na naipasa ko na din kahapon sa PHR, yehey! Pagdasal natin na sana ay pumasa din si Randall para may kasama si Radius. Anyway, sandali ko lmg ipo-post ang kwento ni Randall at bubuharin ko din after so, mga nag-aabang lang talaga ang makakabasa nito. 'Yon lang salamat saka sana ay makakuha kayo ng mga kopya ng mga libro ko kapag na-release na :) Add me pala sa facebook, Serenity Zulliega Phr ang name ko. :)

Chapter 3

NAPAPIKIT na lang si Erin habang hawak ang kamay ng kanyang anak na nakahiga ngayon sa hospital bed. Sa ngayon ay nasa charity ward sila kasama ang ilang mga pasyente din.

Ngayon ay problemado si Erin kung paano babayaran ang hospital bills ni Ezekiel. Naka-budget na kasi ang pera niya ngayong buong kinsenas. Meron siyang extra na pera para sa mga ganitong pagkakataon pero kulang pa rin iyon at hindi na magkakasya pa dahil ang kalahati niyon ay ginamit niya nang i-enroll niya si Ezekiel nitong pasukan.

"Mars, pasensya na, ha? Wala din akong maipahiram sa 'yo. Kapos din kasi kami." Mula sa kanyang likod ay nagsalita si Emily, tumabi pa ito mula sa kinauupuan niyang monoblock.

Napabuntong hininga naman si Erin. "Okay lang, Mars. Naintindihan ko. Babale na lang ako sa trabaho ko para may maipambayad," sabi niya pero kukulangin pa rin ang pa-advance na sweldo na gagawin niya. Paano ay ibinilin pa ng doktor na magpa-CT scan si Ezekiel para mas makasiguro na walang pinsala sa loob ng utak nito, idagdag pa ang mga gamot na iinumin ng anak para mas mabilis na gumaling ito.

"E, paano 'yan? Hindi ba at kakabale mo lang nitong nakaraang buwan?"

Napakurap siya. Oo nga pala. Nakabale na siya kaya baka hindi na siya makapag-advance. Urgh! Parang mas lalong sumakit ang ulo niya.

"Mars?" untag nito sa kanya.

"Bahala na, Mars. Gagawa na lang ako ng paraan." Pilit siyang ngumiti. Diyos ko! Saan naman kaya siya kukuha ng pera kung sakali na hindi siya makapag-advance sa accounting office ng Le Beau hotel? Napailing siya. Dapat maging positive lang siya. Makakakuha siya ng pera at gagaling ang anak niya. Gagawin niya ang lahat para kay Ezekiel.

Ngayon, ang gusto niyang malaman ay kung bakit nakipag-away ito. Hindi naman kasi palaaway ang anak niya. Sigurado na may dahilan ito at iyon ang dapat niyang malaman.

Ilang sandali pa ay umalis na siya ng ospital. Pinabantayan muna niya kay Emily ang anak at nagpaalam na sasaglit lang sa hotel para magpaalam ng personal sa supervisor ng housekeeping na aabsent muna ngayon at para na rin makapag-advance ng sweldo sa accounting.

Pagkarating niya sa hotel ay swerte na nakita niya ang supervisor niya. Mabilis siyang nagpaalam dito at pinayagan naman siya. Pinahiram pa nga siya nito ng pera para sa kanyang anak pero kulang pa rin iyon kaya naman nagtungo na siya sa accounting office. Pero bigo siyang makapag-advance ngayon dahil bawal sa policy ang mag-advance pa ulit kung nakapag-advance ka na.
Bigo siyang umuwi sa bahay niya upang kumuha ng ilang damit na gagamitin ni Ezekiel sa ospital. Napabuntong hininga na lang siya pagkuway naupo saglit at hinilot ang kanyang sintido. Mas lalong sumasakit ang ulo niya dahil sa patong-patong na problema na ito.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at lumabas na ng bahay niya. Tinungo na niya ang ospital na kinaroonan ng anak at swerte niya dahil naabutan na niyang gising si Ezekiel. Buong pananabik na sinugod niya ng yakap ang anak.

"Diyos ko! Mabuti na gising ka na. Alam mo ba na pinag-alala mo ako ng sobra? Bakit ka ba kasi nakipag-away? 'Yan ba ang tinuturo sa 'yo sa school? Pinalaki ba kitang palaaway? Ha?" Para ng armalite ang bibig niya dahil hindi niya mapigilan ang magsalita.

Sweet Surrender (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon