Mack POV
"Tomorrow, 9AM at Downtown Mcdo. See you there Mack :')"
Napatalon kaagad ako sa kama nung nakita ko ang reply ni Alexa. Gulat na gulat ako nang sa wakas ay pumayag na din siyang makipagkita sakin. Wahahaha. Halos 2 years na kami magka textmate nito pero ngayon lang siya pumayag na makipagkita sakin. Sa wakas magkikita na din kami sa babaeng gusto ko sa text.
"Wooh xD yah see you there lex :) mwah :*"
Alexa POV
Nakakabadtrip sa bahay. Lecheee. Alam mo yung feeling na pagkagising mo palang rinig na rinig mo ang mala aso't pusa na awayan ng iyong magulang at take note ha! Halos ARAW-ARAW! Alam mo yun? Ako?! Oo! alam ko ang feeling na yun -______-
Mas mabuti pa sigurong dun nalang ako sa labas magaalmusal. Nababadtrip lang ako sa bahay.
*toktoktok*
"Kuya, pahiram nga kotse" Pagkasabi ko nun ay umalis na ako patakbo, halatang nagising ko si Kuya. Ayon nga sa kasabihan "Inisin mo nalang ang lasing wag lang ang bagong gising" Kaya ninja moves kagad si Alexa Haha kahit lalaking tao yun si kuya nangsasambunot parin yun. Ayoko naman masira ang shiny straight black hair ko nuh. Ito pa naman pinakapaboreto kong parte sa katawan ko. *sabay flip hair*
After 30 minutes ay nakarating nako dito sa MCDO. Pagkatapos ko magorder sa counter ay naghanap na ko ng pwesto ko. Mas maganda pag nasa window ka. Nakikita ko ang view. At nakikita din nila ako wahahaha.
Habang naghihintay ako sa order ko ay tinext ko si Lenny.
"Bespleeeeeen ^__^ Pwede ikaw nalang ang pumunta dun? Pagtakpan mo nalang ako sa iba. Hehe"
After 3 minutes ay biglang nag beep ung phone ko. Si Lenny.
"Naku bes. Anong idadahilan ko na naman nito! Hayss ikaw babae ka!"
"Eh bes. Sabihin mo may PMS ako ngayon. Hahaha"
"Loka ka bes! Pasalamat ka malakas ka sakin! OMG! Wait! Text you later"Di nako nagreply. Pinagusapan lang namin ang tungkol sa SSG Meeting namin mamaya. Tamad ako. Saka Muse lang naman ako dun. Kapag meeting utak ang ginagamit at sa kalagayan ko, kagandahan ko lang ang kailangan nila dun. Bwahahaha. *flip ng hair*
Maya-maya ay dumating na din yung order ko. Kakain na sana ako ng MacBurger nang biglang nag ring yung phone ko. Puta! Napapamura tuloy ako sa isip ko sahil sa pagkabigla. Titingnan ko na sana kung sino ung caller nang biglang
"Alexa"
O____o
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With Mr. Stranger
Teen FictionAng storyang ito ay hango lamang sa imahinasyon ng manunulat.