ALEXA POV
"Good Morning Alexa :) Eat your breakfast na. Jeje" Pucha! Napabangon kagad ako sa higaan ko ng makita ko yung ‘jeje' sa text! I hate Jejemons! Teka? Sino ba 'to? Lanyaa naman ganito na ba ako kasikat at pati number ko kinukuha na ng walang paalam? Tsk. Ang ganda ko talaga. *flip hair*
Binalewala ko nalang yung text na yun at kaagad na akong bumaba para mag-almusal.
"Ang aga aga nakakita na kaagad ako ng mangkukulam dito sa bahay."
Sinamaan ko nalang ng tingin si Kuya. Trip ako nito ngayon.
At parang may napansin ako.
"Asan sila Kuya?" Tanong ko sa Kuya ko na nasa harapan ko at busy sa paglamon.
"Nasa business trip sila. Gusto mong humabol?" Sabay tawa
"Ikaw nalang humabol Kuya total mukha ka namang kabayong humahabol." At inirapan ko nalang siya. Tumawa lang siya.
Hindi ko nalang pinansin si Kuya at nagsimula nang kumain. Syempre light breakfast lang kasi gusto kong i-maintain yung sexy body ko. Mwahaha.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kaagad kami sa sala para manood ng tv.
"Kuya Xander, pahiram ulit ng car. Hehe." Kainis naman eh. Wala akong car. 18 years old na ako pero wala pang balak si Daddy na bilhan ako ng car."At san ka na naman maglalakwatsa?"
"Shopping. Please?" Pagmamakaawa ko.
"No. Sumama ka sakin."
"Asan tayo?"
"Basta. Wear something nice." At nagsmirk siya. At dahil sa inis ko dun sa huling sinabi niya ay hinagisan ko nalang siya ng unan.Kahit naman di niya sabihin. Maganda parin naman akong manamit. Tsk.
No choice ako kundi sumama. Atsaka di naman ako magsisi pag sumama ako sa kanya, alam ko na naman at kilala na ko ng mga barkada nila kuya. May nagtangka ng manligaw sakin pero hindi natutuloy dahil kang Kuya. Takot sila. Hahaha.
-----
Pagkapasok namin sa bar kung saan nagtatrabaho sila kuya at ang kanyang mga barkada bilang band ay narinig ko kaagad ang mga tugtog.May ilan na din akong kakilala dito. Nginingitian lang nila ako ang iba naman ay nakikipag-kumustahan.
"Hi little girl!" Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko at si Kuya Max pala. Leader ng banda nila Kuya.
"Hey, I'm not little girl anymore." Sabay pout ko. Narinig ko siyang tumawa at bigla niya akong hinila sa isang table at nakita ko sila kuya dun at iba pang barkada niya.
"How's life Alexa?" Si Zack. Drummer nila at kung naalala niyo pa siya din yung Prince Charming namin sa SSG.
"Good." At nginitian ko lang lamang siya.
"Xander, I think it's time for your little sis to entertain his suitors. Saka dalaga na si Alexa oh. Balita ko nanligaw daw tong si Zack kang Alexa."
Nagulat nalang ako sa narinig ko at tiningnan ko si Zack. The last time I saw, he was blushing. Teka? Totoo ba 'to?
Oo, nangligaw yang si Zack sakin kasi gandang ganda siya sakin pero binaliwala ko lang. Kasi naman diba? Ayaw pa ni Kuya. Kang kuya lang ako sumusunod. Kuya's girl kaya ako kahit bitch ako. Hahaha.
So, ayon nga binasted ko si Zack. Sa totoo niyan eh matalik kami magkaibigan niyan. Bale siya bad boy ako naman ang side kick niyang bitch kaya nga ang daming nagtaka kasi bigla nalang nagiba ang turingan sa isa't-isa. Well, i miss him but i think kailangan niya lang ng space. Nirerespeto ko din naman yun.
Usap-usap lang sila Kuya kung anong bagay-bagay na di ko naman marelate. Siguro tungkol sa banda nila ata.
"ALEXA!" Nagulat nalang ako nang may biglang sumigaw sa pangalan ko galing sa stage. At mas nakakagulat ng makita ko yung lalakeng baliw kahapon sa MCDO.
"H-ha?" Narinig ko sila Kuya na parang nagtataka. Napatigil din lahat ng mga tao sa loob ng bar.
"YOUR NOT REPLYING TO MY TEXT!" At mas nakakagulat ang sinabi niya.
"Oww" narinig ko lahat ng mga tao. At ako naman ay hiyang-hiya sa sinabi ni Ma-Mack ata ang name nito. Feeling ko namumula ako sa hiya.
Bat ba lage nalang ako napapahiya pag malapit sakin tong lalakeng ito. Nakakabawas ng ganda. Tsk.
Nakita ko siyang kumaripas ng baba galing sa stage at bago paman siya makalapit sa table namin ay agad na kagad siyang hinarangan nila Kuya.
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Kuya.
"What are you doin, Mack?"
Te-teka? Magkakakilala sila ni Kuya?
"It's none of your business." At nakita kong napasmirk si Mack.
"Well, sorry to interfere in your monkey business but my sister is my business." Pagkasabi nun ay kaagad tinulak ni Kuya si Mack at agad na akong hinila ni Kuya papalabas sa bar.
Napalingon ako kang Mack at halatang naiinis siya at the same time parang nabibigla sa mga pangyayari. Ako din ay nabigla.
THIRD PERSON's POV
Nakita ng isang babae ang papalabas na magkapatid. Agad niyang tinakpan ang kanyang mukha gamit ang mask at sunglasses niya.
"Sorry Alexa." Pagkasabi niya nun ay agad na siyang tumakbo papaalis sa bar.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With Mr. Stranger
Teen FictionAng storyang ito ay hango lamang sa imahinasyon ng manunulat.