12.2

550 25 12
                                    


a/n: guys, dahil hindi ako marunong magkorean... tagalog na lang din yung wika ng mga korean at bangtan dito :)


**


Ilang oras rin ang lumipas at nakarating na kami sa NAIA, this is it mga bes oh yas. Bumaba kami ng kotse para pumunta sa may Terminal 3.


"Bilisan n'yo ma, nagmessage na yung kbs staff sa akin. Kanina pa daw sila dun." pagmamadali ko habang naglalakad kami.


"Wait lang kasi. Nag-aayos pa ako eh, baka mamaya may makita akong pogi dun ahehe." sagot ni Kristine habang naglilipstick, natawa na lang ako.


"Jusme Kristine, alam ba 'yan ng mommy mo?" biro ni mader, ay nako ma walang alam magulang n'yan sa mga kalokohan n'yan.


"Ay nako tita, s'yempre naman haha! ako pa ba?" sagot naman ni Kristine sabay balik sa paglilipstick.



Baliw talaga 'tong si Kristine haha - sabi ko sa isip ko sabay iling


Sa wakas, nasa harap na rin kami ng terminal 3. Hindi pwedeng pumasok sina Kristine sa loob dahil wala naman silang kakilala na nagtatrabaho sa NAIA kaya nandito lang kami sa labas, mamaya pa ko papasok kase hindi pa ko ready mga bes. Kinakabahan ako ng sobra, ang lakas ng tibok ng puso ko! 




This is it pancit, my goodness! Nananaginip ba ako? Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, hindi ako makapaniwala na makakapunta na ko ng Sokor, everything feel so unreal. Huminga ako ng malalim at humarap kayna Kristine at mader para kausapin sila.



"Ma, kurutin n'yo ko bili." request ko kaya naman kinurot ako ni Kristine, napa-aray naman ako sa sakit kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.


"Baket? di ba sabi mo kurutin kita? tsaka nukaba! you're not dreaming my friend, totoo to!" sabi ni Kristine kaya naman nagyakapan kami sabay tili kase naman the feels mga bruh! umaapaw na yung feels ko. How to handle?



Napatigil kami ni Kristine sa kabaliwan namin when we heard someone sobbing behind us.



"Ma?" I said trying my best not to cry, I just can't stand seeing someone in tears because of me. Jusko ma, don't cry. Alam mo namang sakit ko to eh, madali akong mahawahan ng umiiyak.



"Jusko tita, wag ka nga." reklamo ni Kristine, naiiyak na rin kase s'ya.


"Ano ba kayo haha, hindi pa ko mamamatay no."
pagbibiro ko kaya naman binatukan nila akong dalawa, very nice. AJU NICE!



"Puro ka talaga kalokohan, sige na! Pumasok ka na sa loob, mag-iingat ka ah." sabi ni mama.


"Oy ikaw ah, yung request ko sa'yo! Yung picture ni Namu kung sakaling makita mo s'ya tsaka oy, suotin mo yang niregalo ko sa'yo at oy! Ipost mo sa fb yung mga picture mo sa South Korea okay?" walang prenong habilin ni Kristine kaya naman tango lang ako ng tango.



"Sige, papasok na ako sa loob. Ingat kayo dito ha? Message n'yo na lang ako sa messenger or fb." sabi ko kaya naman nag-group hug kaming tatlo at yun, pumasok na ko sa loob ng terminal 3.


"Anak, yung mga sinabi ko sa'yo ha? tandaan mo." pahabol ni mama, kaya naman lumingon ako sa  kanila sabay ngiti.



"Yes, yes mader! Wag makikipagkita sa kanya." bulong ko habang naglalakad papasok ng terminal 3.

wrecked :: btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon