Joana

1 0 1
                                    

"Happy anniversary, Girl!" Maligayang bati sa akin ng boyfriend ko, si Leo.

"Happy anniversary din, Boy!" Bati ko pabalik. Pagtapos nun ay inabot namin ang regalo namin sa isa't-isa.

Ang regalo ko sakaniya ay dalawang bagong casing ng iPhone niya na pina-customize ko at ako ang personal na nag design.

Siya naman, napaka gandang canvass na may portrait ko, na syempre, siya mismo ang may gawa. Sa isa square na canvass, apat na picture ko ang andon, at pop art ang theme ng bawat picture. Wow, talk about effort.

"Boy, sorry ganyan lang regalo ko ha. Walang panama sa effort mo." Sabi ko sakanya. Kasi totoo naman eh. Nakakahiya. Lima na yung portraits ko sa bahay tas sya padami nang padami casing ng iPhone niya.

"Ano ka ba naman, wala yun. It's the thought that counts." Sabi niya in a very sincere way. "Tsaka mas mahal yung gastos mo sakin, kasi mahal magpagawa ng customized casing ng phone. Eh ako may mga gamit na ako sa bahay. So mas waley yung gift ko." Pag hihimok nya sa akin.

"Ano ka ba, it's the thought that counts!" I said, mimicking his voice kanina. Natawa lang kaming dalawa at saka nag holding hands papunta sa sala ng bahay ko.

Nag luto na si mama ng pagkain namin: French fries with 3 diff home-made dips ni mama, popcorn, 3L ng mango juice, at hotdog-on-stick. Oo, prepared si mama. RS goals nya daw kasi kami ni Leo. Feeling bagets si mama sa part na yun, ha.

Um-order na din si Leo ng apat na box ng pizza. Dalawang Hawaiian, dalawang Peperonni. Yung isa, kay mama. Pa thank you niya. Sipsip din tong isang to kay mama eh.

Nag salang na si Leo ng movie sa DVD Player namin at naupo na sa tabi ko. Kahit na limang taon na kami, may personal space padin kami. Hindi dahil nasa bahay kami at andon ang mama ko. Hindi ko alam, basta pa-balagbag kami pareho kung umupo pag nag mu-movie marathon.

Ayaw din namin sa sinehan dahil malamig at masyadong magastos. Ewan ko ba, ang praktikal naming dalawa.

***

"So, happy ba si Girl?" Tanong niya sa akin habang nag lalakad kami sa park. 3pm na. Tatlong movie lang ang napanuod namin dahil dumating ang mga kaklase ng kapatid ko.

"Oo naman, Boy. Tara dun tayo sa swing." Yaya ko sakaniya at nagtungo na kami doon habang HHWW padin.

Nag kwentuhan lang kami tungkol sa iba-ibang mga bagay, at nag biruan.

Nag hahabulan kami ni Leo nang muntik na akong ma bunggo ng isang Matte Pink na BMW.

"Hoy! Bastos ka ah. Alam mo nang may tatawid, binilisan mo pa takbo ng sasakyan mo?!" Singhal ni Leo at hinampas ang hood ng sasakyan.

"Uy Leo, ok lang ako. Tara na. Mukang mayaman yan baka araruhin tayo." Sabi ko habang hinihili siya palayo sa magarang sasakyan.

"Joanna, hindi pwedeng nasasanay tong mga matapobreng to sa ganyan!" Galit na galit na sya dahil humarap na siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Uy ang OA na natin ha. Makikipag areglo nalang ako don sa may ari ng kotse." Sabi ko, being the pacifier sa aming dalawa. Bumuntong hininga muna siya bago siya tumango.

Lalapit na sana ako sa sasakyan upang sumilip sa bintana at katukin yon pero biglang binuksan ito ng may ari. Nauntog ako doon at nahilo nang bahagya.

"Ay sorry, sinasadya." Sabi ng magandang babae pagka labas nya sa sasakyan niya.

Aba!!! Sumusobra na tong babaeng to!

"Uuhm, makikipag areglo sana ako kaso wag nalang, hindi worth it. Tara na nga Leo," sabi ko at hinila na si Leo paalis.

Hindi ko mahila si Leo dahil para siyang naka-glue sa kinatatayuan niya.

"Long time no see, L." Sabi ng babae na parang gulat din kagaya ni Leo.

Kinabahan ako...

"Leo, sino yun?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot...

"Joanna, siya si Nicole." Sabi niya with hesitation.

"Y-yung ex mo?" Tanong ko uli kahit na alam ko yung sagot.

Tumango siya at parang tumigil ang ikot ng mundo.

///

Sino si Nicole at bakit parang bothered padin si J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAY SINGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon