Everytime na naaalala ko yun. Napapangiti na lang ako. Kahit na nasa harapan ng mga tao, napapangiti parin ako. He came and myyy, I was shook. Who knew someone like him could change my life?
Tomorrow. He said. I dont know but when the bell rang tumakbo agad ako papasok ng C.R and checked how I looked.
"What the what am I doing?!" Wala pa din namang pagbabago sa mukha ko eh, hindi naman ako naglalagay ng make up o pulbo. Nakatali din yung short hair ko. Kaya lumabas nalang ako.
"UYYY FREN!" Nagulat ako sa pagsulpot netong mga loka loka kong kaibigan "Himala ata at pumasok ka jan! UYYYY nagpapaganda na si Ara-bebe! May pinapagandahan na sya!"
"H-HAAAAAAA??? Tumigil nga kayo jan! Hindi ba pwedeng umihi lang?"
"WEHHH?? DI NAMIN NARINIG YUNG FLUSH BEBE! ANG GANDA GANDA NYA!" Umakto silang parang si Tasya Fantasya ata yun ng TV5 naks
"Tumigil nga kayo jan! Makakain na nga!"
"HAHAHAHA! Joke lang yun bebe! Basta ba ipakilala mo sya samin sa tamang panahon!"
"CHE!"
"HAHAHA SIGE NA BEBE! HUMAYO KAT MAGMAHAL! NANG SA GAYO'Y MAY SUSUNOD NA SA YAPAK NG JADINE!!" Ewan ko jan, sobrang baliw ng mga yan talaga. 10 minutes na pala after tumunog nung bell. Nakuuuu talaga, pag niloko lang ako ng lalaking yun! NAKU! Tatapon ko talaga sya sa Bermuda Triangle! HAHA!
"Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng may biglang lumitaw sa harapan ko.
"Punyets! Nanggugulat ka naman!"
"Haha! Sorry. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Gusto mo ishare?"
"Wala naman akong iniisip eh. Bat mo ba ko pinapunta dito pala?" Namula sya tsaka yumuko ng konti
"W-wala, I-I just wanna know you better"
"Yun lang?" Pwede naman kaming mag get to know each other better kahit saan eh, talagang may specific na lugar at time pa huh. Arti arti ni koya
"Hay nako koya! Pwede mo naman akong kilalanin anytime anywhere!"
"I told you hindi ako kuya. And I like this place better it's more... special" This time, turn ko namang mamula.
"Youre so cute." Mas lalo pa akong namula sa sinabe nya. I dont know how to react
"M-mag tethank you na ba 'ko?" Tumawa sya
"Haha nagsasabe lang ako ng totoo. How's your class?"
"Che. Ganun padin, wala namang pinagbago, masaya. Kayo ba? Seryoso nyo siguro no?"
"Hindi naman, masaya din naman yung class namin. Ganun naman talaga siguro pag kilala nyo na talaga yung isa't isa."
"Shempre joke lang yun no may ka close din kami dun. Seryoso mo" Napansin ko na lang na tinititigan nya 'ko "B-bakit?"
"Ahh I wonder how you'll look without your braces and with your hair untied"
"Ganun parin naman, hindi naman kasi maganda yung ngipin kayo ganito tsaka sobrang naiinitan ako pag nakalugay yung buhok ko."
"You're still pretty with those though" Agad naman akong namula sa sinabe nya. BOLERO.
"O-ok"
"Gusto mong kumain? Punta tayong cafeteria? Or do you want to stay here nalang and I'll buy?"
"W-wag na. May dala naman ako eh hehehe girl scout ako eh pag nagutom sa kalagitnaan ng klase eh kinakain ko to *JAAAANNNN*"
"Cookies? Biscuits? Sandwich? Oh wow may bread pa parang ang dami naman ata nyan hahaha"
"Gusto mo ng kanin? At ulam? Meron ako!" At nilabas ko yung lunchbox ko
"Hahahaha mukhang mahilig ka atang kumain"
"Mejoo x2 lang talaga tong pagkain na dinala ko kasi andito ka"
"So inisip mo talaga ako? Thank you" He said while smiling
"Ah eh kumain ka na lang!"
"Haha let's eat then yung kanin at ulam nalang kainin naten baka magutom ka sa kalagitnaan ng class mo mamaya"
"Huh? Nakuuu nakalimutan kong magdala ng extra spoon and fork! Pano yan? Isa lang yung spoon tsaka fork"
"Hmmmm... Feed me then"
"ANO?!"
"Subuan mo nalang ako"
"HAAA?!"
"Ok fine I'll use the fork, you use the spoon" I said ok then we started eating. Napansin kong nahihirapan syang kumuha ng kanin gamit ang tinidor
"OH"
"Huh?" Gulat na sabi nya
"Ayaw mo? OK"
"Deh sige na ok na" At ayon sinubuan ko sya. Napansin din nya siguro na nahihirapan akong kumuha ng pansit kaya
"Oh ikaw naman susubuan ko. Say ahhh" Binuka ko na agad ang bibig ko kasi nahihirapan naman talaga ako. Pahihirapan ko pa ba sarili ko? May nagmamagandang loob na nga.
"Ang cute mo" bigla nyang sabe, muntik na kong mabulunan
"A-ano bang sinasabe mo jan kumain ka na nga lang! Mabibilaukan ako sa ginagawa mo eh!" Mabibilaukan naman talaga ako kung basta basta syang magsasabi ng ganun pero mej nagsisisi ako na sinabi ko yun
"Bat ka naman mabibilaukan? Kilig ka?" uminit na naman ang pisngi ko
"H-hindi ah! Kumain ka nalang kasi jan! Di na kita susubuan ah!"
"Hahahaha ang cute cute mo talaga" Ngumiwi ako. Wala na bang ibang sasabihin tong lalakeng to kundi cute hmp
"Maganda ka rin naman hindi lang cute" WHAT THE! Nasabi ko ata kung anong nasa isip ko, NAKAKAHIYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Dahil sa sobrang hiya ko eh sinubuan ko sya ng sinubuan hanggang sa
"*cough* *cough* d-*cough* dahan * cough* naman *cough*" Nabilaukan na sya kaya dali dali kong kinuha yung tumbler ko na may lamang juice
"E-eto inumin mo dali" Ininom naman nya yun pagkatapos eh nahimasmasan na "Sorry ah di ko na napansin"
"Ayos lang, I teased you eh hahaha alam kong nahiya ka lang"
"Sabi ko na kumain ka na lang kasi hmp"
"Hahaha next time di na kita kukulitin habang kumakain hahaha"
"May next time pa?"
"Ayaw mo na ba?" Ngumiti ako.
"HUY GURL!" Nagulat ako. Nabalik ako sa reyalidad.
YOU ARE READING
Ever Enough
FanfictionA ThomAra fanfiction. (credits nga pala sa owner ng photo na ginawa kong cover lolz)