Twenty

549 23 7
                                    

Nasa lobby na sila ng hotel, nagaantay na lang sila ng magaassist sa kanila sa mga kwarto nila.

Si Althea tahimik lang na nakatingin kay jade na iniisip parin kung para kanino talaga yung kanta sa playlist niya. Habang ito naman si Jade ay halatang halata ang paglayo kay Althea.

"Good day mam and sir! I am michelle, I am the manager of this hotel and its my pleasure to serve you, let me assist you to your rooms." Wika ng manager

"Ah guys! 3 rooms lang kinuha ko para makapagbonding tayong lahat. Heheh, Which means pwedeng may 4person sa room at 2 sa isang room. So bahala na kayo sa dalawang room, you know naman samin na yung isa. Hahaha" wika ni batchie

"What??!" Gulat na sagot ni paul,wila and sally.

"Sa akin ok lang basta magkasama kame ni Althea." Sagot ni bella

"Anong magkasama kayo ni Althea? Hindi pwede no. Si Jade at si Althea ang magkasama sa isang room, yung 2 rooms mamili ka kung sino gusto mong kasama kame ni Abby o kila Sally." Pagbabara sa kanya ni Batchie

Biglang sumimangot si Bella dahil sa sinabe ni Batchie.

"Uhmm.. No, Batchie dun na ko kila sally. Si Althea na lang at si Bella sa isang room." Wika ni Jade

Nanlaki ang mga mata ni Althea nung narinig niya yung sinabe ni Jade.

"Ok, sige kung yan gusto niyo. Tara na  Bella, mauna na tayo sa room natin" sagot ni Althea na halata ang pagkainis.

"Ano nangyare dun?" bulong ni Sally kay Jade.

Tanging pagiling lang ang naisagot ni Jade.

"O sya! Tara na magpahinga na muna tayo, dont forget yung lunch natin ok." Wika ni abby sa kanila

"Jade dun kana sa room namin, tayo nila paul magkasama" Wika ni Sally

"Ok." Tanging sagot ni jade



------
Nasa kani kanilang kwarto na sila batchie. Si Althe nakaupo lang sa balcony, nilapitan sya ni Bella.

"Babe tara lets go swimming." Wika ni bella.

"Sige na ikaw na lang, wala akong gana." Sagot niya

"Babe you're so kill joy! Tara na!" Pagpupumilit sa kanya.

"Ayoko nga wala akong gana. Sige na Ikaw na lang."

"Sige pag di ka sumama, hahalikan kita" pangungulit ni bella

"Napaka kulit naman, ayoko nga sabe! Isama mo na lang si sophie. Ayain mo na lang sila batchie. Basta ayoko! Wala akong gana."

"Babe isasama ko si sophie? e tulog! Sige na sumama kana iwan na lang natin si sophie kila Jade"

"Ay nako bahala ka sa buhay mo at pwede ba tigilan mo ko sa kakatawag na babe"

"Bakit masama bang tawagin kita ng babe?"

"Tigilan mo ko bella, pinapaalala ko lang sayo engage kana. Tumigil kana sa kalokohan mo. Baka mamaya pagkamalan pa akong kabit mo."

"Babe alam mo naman kung mapagkakamalan akong may kabit gusto ko sayo ako machismis"

"Nyemas ka bella, sige na umalis kana wag mo na ko guluhin. Lumanggoy kana dun, kausapin mo mga isda." Pagtataboy sa kanya ni Althea.

"Ay grabe ka talaga sakin. Sige na lalabas na ko pero sa isang kundisyon?"

"Ano nanaman yun?"

"Pakiss?"

"Sapak?"

"Eeee... sige na babe! Pakiss lang." Pagpupumilit ni bella sa kanya.

"Ayoko ko.ok,Ayoko!" Sagot ni Althea na mejo napapangiti dahil sa kulit ni bella

Pumasok si Althea sa loob umupo sya sa kama. Sinundan naman sya ni bella at nagpupumilit parin sa kiss ni Althea.

"Napakakulit mo. Kakaltukan na kita"

"Isang kiss lang naman e, di mo pa mabigay. Di ka naman ganyan dati" sagot ni bella sabay upo sa gilid ng kama.

Maya maya pa ay tumahimik na si bella. Hindi sya lumilingon kay Althea.

"Akala ko ba magsiswimming ka?" Tanung ni Althea

Hindi kumikibo si Bella, hindi niya pinansin si Althea.

"Uy hello! Kinakausap kita?" wika ni Althea

"Ay grabe, ang snob niya, marunong na sya magtampo"

"Kiss lang naman hinihingi ko e, di mo na nga ako sasamahan magswimming, nagbago kana talaga" sagot ni bella, na mukang nagpapaawa

"Ok..ok.. sige na matigil ka lang"

"Talaga?"

"Oo na."

"YES!" tuwang tuwang sagot ni bella.

Dali daling tumakbo si bella papunta kay Althea at napahiga sila pareho at sabay halik nito sa labi ni Althea.

Nanlaki ang mga mata ni Althea dahil sa ginawa ni Bella, ang akala niya sa pisngi lang sya hahalikan nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng makita niya yung taong nakatayo sa pintuan.












It was Jade....


Life As We Know It (RaStro LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon