Maris~
So yes, magkasama kami nung lunch kahapon. Sayang, 1oras lang yung lunch. Kung mas matagal sana, mas madami pa kaming mapapag kwentuhan. Pero, mauulit pa naman siguro na magkasama kami sa lunch, tutal magkaklase kami. Talagang nagkaka-conflict lang kami, kase nga diba, varsity siya! Tas ako nga-nga. Wala nga akong magawa, niyayaya niya nga ako na manood daw ng practice game nila, pero, baka ako lang babae dun, kaya no nalang. Tsaka, if sasama ako, magka-issue pa. Alam niyo naman ang tao! Nakakasura. Duh! Lahat nalang ay big deal. Now, Wala talaga akong magawa. Magku-kwento nalang ako. At ang iku-kwento ko ay ang nang yari kahapon. Hahahaha.
Simple lang naman kase yung nangyari! Yas. Simple, baka di kayo maniwala. Hahahaa. Dejk. Pero yung nangyari ay, may pinakilala siya sakin, mga friends niya. Uhm, 3boys yun! Hindi na ako magsisinungaling, pero lahat sila gwapo. Ang names nung barkada niya ay Paulo Angeles, Ryle Santiago at Ronnie Alonte. Lahat sila basketball player, silang apat, magkakasabay lumaki.. Ang pinaka matanda si McCoy, pero halos magkaka-age lang sila kung pano nila itrato ang isa't isa, nakakatuwa silang panoodin! Parang mga bata. 7 years old mga ganon. Hahaha. Tas dun sa resto na pinuntahan namin, pinagtitinginan kami? Anla ewan kung kasama ako dun sa pinagtitinginan kase naman, ang ingay! Sobrang nakakahiya! Pero masaya naman kahit ganon. Tas ang tatakaw nila. Walanjo. Lalo na si Paulo! Tas si Ryle naman, di masyadong matakaw, siya yung maingay. Tapos si Ronnie, 2in1 ang galing! Haha. Kase siya na nga yung maingay, siya din ay matakaw. Kay McCoy naman ang masasabi ko, siya yung nalamon ng sistema. Lahat nalang ng ginawa at mga joke na narinig niya ay posted sa Twitter niya, tas lahat din nasa snapchat. Ay walanjo! Daig pa akong babae. Sobra niyang techy.! Pero, hindi pa dun nagtatapos ang nangyari kahapon, kase sa gitna ng kwentuhan namin, dumating ang bestfriends ko!! Ewan ko nga kung paano nila nalaman kung nasaan ako. Tsaka na surprise din ako, kase sabi nila, magkakahiwalay kami ng school, pero magkakasama pa din pala. Tinitrip ako. Crazy bestfriends. LOL. So yun, pakikilala ko sila sainyo, Si Loisa Andalio, Barbie Imperial, Sammie Rimando at Riva Quenery. Si Riva, may ka-kambal siyang lalaki, na lagi niyang kasama, si Robert.
Si Loisa, to describe her, she's the most crazy bestfriend I have! Aba, siya lang naman kase ang ang may courage kahapon dun sa resto ng "Nasaan si Maris Racal!?" Oh diba, ang ingay. Ang sakit sa tenga! Kala mo'y di kami nagkita ng 1 year, eh samantalang, magkasama lang kami last week. To describe Barbie, mukha talaga siyang Barbie, maganda siya eh! Tas ang hin hin. Pero pag kami-kami lang magkakasama, she's very different. Hahaha. Opposite talaga ang kakalabasan. Tsaka, siya din ang pinaka matakaw samin, pero lahat kami matakaw, ang nakakapag-taka, di kami tumataba :3 Huhuhu. Kaiyak. Si Sammie, siya yung parang nainom lagi ng isang gallon na enervon, lakas lagi ng energy. Siya yung kalog samin. Tsaka siya din ang pinakamalupet pumorma. Kahit payat ang cool ng taste sa Fashion. And lastly, ang kambal. Uunahin ko muna si Riva, siya yung pinagsamang Barbie at Loisa, but, siya yung dancer samin. Malupet kase sumayaw yun. Kungbaga, pag siya nag peperform, sa kanya lahat nakatingin, as in. To describe Robert, para lang siyang si Ronnie, pero si Robert, mas masalaw lang ng onti. Si Robert, habulin ng chicks, pero walang nililigawan. Cool kid kase. Pero, di ko alam kung ako lang nakakapansin, pero, parang may gusto yun kay Sammie, ang ano ng tingin niya lagi kay Sammie eh. May something.
McCoy~
Masaya naman kahapon, I met new friends which is sila Loisa, Barbie, Riva and Robert. Kung magkakasama lagi sila, sila talaga yung masasabihan mo ng "Squad Goals" ang cool! Ewan ko, kung ako lang nakapansin. Pero parang nag-usap pa sila ng kung ano ang isusuot nila. Matchy sila. Ang cute. Hehehe. Pero, may ikukwento din ako, Nyahahaha. About sa mga kasama ko. Si Ronnie, tingin ng tingin kay Loisa!! At wag kayo, nagkakasundo pa yung dalawa, pede nga silang loveteam eh. Ang cute nila parehas, sayang, di ko napicturan, may pang IG na sana. Tas si Ryle! Binata na ang totoy! Kinikilig nung kausap si Barbie. Ay inang! Hokage nga, nakipag selfie pa. Tas sabi pa sakin, post niya sa IG niya, itatag pa nga daw si Barbie. Magaling kung alam niya ang acct.
Kay Paulo, ay nako! Hokage din, aba'y nakuha agad ang number ni Riva. Tas nagselfie pa sila. Aba aba, di lang yan. Winallpaper pa! Hmm. May something. Kaso, si Robert, yung kakambal ni Riva, sumama ang tingin kay Pau. Hahaha. Parang kinikilatis na. Patay ka diyan Pau!
Hindi ko alam, kung napansin din ni Maris, pero parang ang gusto nung kakambal ni Riva na si Robert ay si Sammie. Kase, kung mapapansin niyo, yung boys na kasama ko, nakipag-salawan sa mga kasama si Maris.Oh teka, ano nga bang nangyari, kase puro sa kasama namin yung kinukwento ko, yung amin hindi. Edi eto nga, nagkukwentuhan lang kami, Sa mga bagay-bagay, tas natutuwa kami dun sa mga kasama namin. Ang cute kase, tsaka, pinag-tripan ko yung pisnge niya, ang taba kase. Nang-gigil ako! Ang cuuuute talaga. Tsaka, nagpalit muna kami ng phone case. Parehas kase kami ng phone, IPhone 6plus. Ang cute din kase ng case niya, tas payag siya na palit kami, kaya yun. Nag selfie pati ako dun sa phone niya, ganun din ginawa niya sa phone ko, mas malala pa siya, hinack niya IG ko. Hmmm. Pag may chance, ako naman mang hahack. Kala niya ha. Sisirain ko feed niya. HA HA HA HA.
A/N:
Nakilala niyo na po yung ibang characters, ang cool nila, no? Pag sila nagsama-sama, pede na silang squad goals. What do you think? Tsaka, sa tingin niyo, nagiging maganda na ba ang storya? Pag hindi, ititigil ko na 'to. Kase, baka wala din namang nagbabasa. Pero, kung may nagbabasa pa! Thank you pa din!! ☺ Pinasasaya niyo ako! ❤ Tsaka gagawan ko ng special chapters yung ibang characters. Para lumawak yung story, and diba na dun sa description Mananatili, kung may nagtataka, bat dipa din nagiging ganon, wait lang po tayo! :) And lastly, sorry po!! Ngayon lang uli naka-update. Lowbat po phone ko kahapon, tas naglaba pa ako. Sorry po!
Chapter Dedication is to VinceMendoza4 kase lagi siyang nag-aabang ng story update! Hehehee. Tsaka next chapter, baka short update lang, may pasok eh. Thanks again sa nagbabasa, Lovelots! 💕😘

BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionShould we still be best of friends or should I confess that I have feelings for you. All I know is that, you're my bestfriend, and you're the one who makes me complete.