NBSB [ONESHOT]

158 1 0
                                    

No part of this story may be reproduce, stored in a retrieval system or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without prior permission of the author, unless recognized by law. 

--------------------------------------------------------

“Minahal lang naman kita eh…”

“pero hindi kita mahal.”

Huhuhuhu namamaga na tong mga mata ko sa movie na pinapanood namin ngayon dito sa classroom. Nagmo-movie marathon kami.

“Awww” reaction nila.

Pati mga lalaki ay nagdadala rin sa movie pero cute nilang tingnan pwera nalang kay Charles na normal pa rin ang reaction. Grabe!! Hindi man lang nadala sa movie, MANHID! Manhid ka talaga! -____-

“Hoy Cathy!” sabay nguso kay Charles ni Beth, bestfriend ko.

“Bakit?”  sarcastic kong tanong sa kanya  -__-

“relate na relate ka sa movie noh? Ang maga-maga ng mata teh? Recover na, movie lang yan.”

Eh sa nakakarelate ako eh -____-

Haaaaay naku! Bakit ba kasi single pa ako at take note NBSB as in since birth pa tong pagkasingle ko. Loveless nga ang tawag sa akin ni Jea, kabarkada ko. Paano ba naman kasi sa walo naming magbabarkada ay ako nalang ang hindi pa pinagpalaan  ng boyfriend ni Mr. Kupido. May nanliligaw pero di ko sila type. Tsaka may pagka-choosy nga raw ako kaya hanggang ngayon ay wala  pa. Paano ba naman si Charles lang naman ang gusto ko. Yung gwapo, matalino, maputi, cute pumorma, heartthrob, basketball player, mabait (minsan) pero kadalasan masungit siya. Dami na nga niyang napaiyak na babae buti hindi pa ako umamin sa kanya kahit lantan naman na gusto ko siya. Ayaw ko rin kasing masaktan. Ito ngang sitwasyon ko ngayon, masakit na nga paano pa kaya kong inamin at sabihin rin niyang, “di kita gusto” ayyy malamang mamatay ako.

Nandito nga pala ako ngayon sa soccer field ng campus, nag-iisa. Kailan kaya ako magkakaboyfriend? Maging boyfriend si Charles?

Suko na siguro ang tadhana para sa amin. Ubos na lahat ng bulaklak dito kaka HE LOVES ME OR NOT at ang ending HE LOVES ME NOT pa rin. Pati shooting star di ko pinapalampas, wishing well, 11:11 at ibayong pananalangin kay God na sana may milagrong mangyari na magkagusto rin siya sa akin. Haaaaaay konti na lang siguro ay susuko na ako.

Ang hirap talagang maging single. Feeling mo walang nagmamahal sayo, yung forever alone ka. -__-

Di ko namamalayan ay dumarami na pala ang tao dito sa field. Nakakainis pa ay maraming magsyota ang naghaharutan dito. Pampa-bwesit lang? Naku ang P-PDA pa.

"I love you babe.."

"I love you more babe"

Rinig na rinig ko ang paglalambingan ng magsyota. Haaay maka-uwi na nga nakakastress!

Pagdating ko sa bahay ay naglog-in ako sa FB ko, kainis kasi makapagpost nga ng status.

KUNG MAGHAHARUTAN KAYO WAG NAMAN SA HARAP KO! MAAWA NAMAN KAYO SA SINGLE NA TULAD KO -____-

Ang bilis agad ng likes. May nagcomment rin sa mga friends ko.

JEA: BITTER :P

MAUI: maghanap ka na rin kasi ng bf noh! :)))

KEAN: Catherine alam mo, wag kang mawalan ng pag-asa dadating rin yang MR. RIGHT mo. Tiwala lang magkakaboyfriend ka rin.

Oh hayan na naman ang mga comment na ganyan. Tiwala lang magkakaboyfriend ka rin.

NBSB [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon