"I think, I'm falling to that nerd!" angil ni Nathan na syang ikinagulat nang kanyang barkada "Are you damn serious dude? hahahhaha don't us" pagbibirong sabi ni Froi nagsabayan nang tawa ang lahat
"Ba't kayo tumatawa?" pagalit na sumbat ni Nathan sa kanyang barkada na sya nitong ikinatigil "bro, ang usapan, si Rea dapat ang mainlove sa'yo, hindi ikaw ang mahulog!" seryosong sabi ni James "akala ko ba, pustahan lang 'yon, bat mo naman sineryoso?" natatawang sabi ni Axel
Hindi alam nang lahat na may nakikinig na pala sa usapan nilang magbabarkada, naka focus lang kasi silang lahat kay Nathan dahil nalilito na ito sa oras na 'yon dahil hindi na nya alam ang gagawin pag nalaman ni Rea na isa lang palang pustahan ang lahat, na ang ipinapakita nito ay peke lamang
Pero sa paglipas nang panahon na magkasama sila hindi nito namalayan na nahulog na pala sya sa dalaga ng hindi nya napapansin, nakalimutan na nya ang bagay na "pustahan"
"Oh, ano na dude! Ikaw kasi! Masyado ka naman kasing nagpapadala kay kupido! Ayan tuloy! Nahulog ka sa isang nerd! " natatawa tawa pang sabi ni Tyler
Agad syang kwenilyuhan at akmang susuntukin ni Nathan kung hindi lang sya pinigilan nang mga barkada nito "wala ka kasing alam! Oo! Pustahan nga lang ang lahat pero nabigo ako, minahal ko sya bro eh" maiyak iyak na sabi ni Nathan " yeah! Go! Call me anything you want! Call me 'gay' because I cried over that girl! I dont care as long as I trully love her!" "Go! Laugh at me" gigil na sabi ni Nathan sa kanyang barkada at umalis na nang tuluyan
"Bro, intindihin nalang muna natin si Nathan, nagmahal lang naman kasi sya eh" sabi ni Dan kay Tyler na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala kasi sya ang napagbuntungan nang galit ni Nathan
" Let's give him time to chill at para na rin maka pag isip isip sya kung papaano nya sasabihin ang lahat kay Rea" sabat naman ni Axel "Kawawa naman si nerd" na ang tinutukoy ni Tyler ay si Rea
" so paano na yan? Sasabihin na rin ba natin kay Rose Mae, Aubrey,Alexandra,Keanna at Maylen?" sabat ni Froi na sya ring ikinagulat nang lahat "bro, kawawa naman ang mga nerds na 'yon, kung bakit pa kasi sila ang napili nating paglaruan eh" pagalit na sabi ni Dan
"Kahit ayaw man natin na may masasaktan, sa bandang huli 'yon pa rin ang mangyayari" madramang sabi ni Axel "nakakakonsensya naman,kung kailan naging close tayo sa kanila,tsaka naman tayo magkawanda watak watak" emosyonal na sabi ni Froi at tsaka "I feel you,bro" chorus na sabi nang lahat sabay tapik sa balikat ni Froi at tsaka nag tawanan nalang dahil hindi na nila kinaya ang atmospera na magdrama
"Kahit na pati tayo masasaktan pero kakayanin nalang, keysa naman ipagpapatuloy pa natin tong mga kahibangan natin" malungkot na pahayag ni Froi