CHANGE for the BETTER

52 0 2
                                    

Aubrey's POV

Pagkalabas naming anim sa Airport ay agad naming hinanap ang limousine kung saan kami sasakay at ayon, naka abang na pala, salamat naman at wala na masyadong hassle. Sa iisang bahay lang kami titira, nasanay na kasi kaming anim eh, pati nga pala sa Philippines ganun din, sa iisang bahay rin

" Let's go shopping for today?" tanong agad ni Alexandra pagkalapat palang nang aming mga katawan sa kama "but let's just take a nap" I know we're all tired, gusto ko lang wala tayong sinasayang na oras dito" dagdag sabi nito

Pagkatapos nang maikling chichats namin ay umidlip  na kaming lahat

Maylen's POV

hindi ko lubos maisip kung bakit nila kami pinaglaruan, oo kahit na sa ganung kaikling panahon na nanligaw si Dan sa akin pero nahulog na agad ang loob ko sa kanya, sa kanya ko lang kasi naipapakita ang tunay na ako, samantalang hindi ko halos mailabas ang dila ko kapag kaharap ko ay ibang tao

Nung suntukin ko si Dan kanina, para bang may mali, para  bang nakikiusap ang mata nya, humihingi nang patawad, pero  hindi ko talaga maintindihan kung bakit, okay na rin yon kesa naman umiyak rin ako sa harap nila, kami lang ata ni Alexandra ang matatag kanina eh, ang pinaka ayaw ko kasi ay ang pag iyak, iiyak lang ako pag nasaktan talaga ako nang todo...

Rea's POV

Habang tulog silang lahat, bumaba na ako para maghanda nang makakain, pero habang nagluluto ako , hindi pa rin maalis alis sa sistema ko si Nathan, kung ba't nya nagawa sa akin ito, minahal ko sya eh, hahahaa sorry naman po, nagmahal lang yung tao✌ pero yung narinig ko sa cafeteria, hindi naman siguro ako bingi at hindi naman siguro ako ganung kalaking tanga para hindi maintindihan ang pinagsasabi nila

Ang pagmamahal na sanay ibibigay ko kay Nathan ay napalitan nang pout at galit, kung hindi lang pala sa walanghiyang pustahan na yan kesyo isipin ko yun, magluluto nlang ako para sa mga beautiful sissys ko..

   Pagkatapos kong magluto ay dumiretso na agad ako sa kwarto namin para gisingin na itong mga prinsesa, alas siete na rin naman nang gabi, hindi na yata namalayan ang oras dahil sa pagod, hindi pa nman to kumain nang lunch

"Oy, gising na, gabi na oh, kakain na tayo ng dinner, pakigising nlang nang iba ha?" gumising naman agad itong si Aubrey na hindi pa  halos maibuka ang mata☺ hmmm ang cute kaya nya kasi chinita yung mata nya☺

Aubrey's POV

Nakaramdam akong may yumugyog sa akin kaya napabangon na rin ako, hindi naman na ganun ka pagod ang katawan ko kaya bumangon nalang ako kahit pupungay pungay pa ang aking beatiful eyes hahahahaah eh sa totoo naman eh (may kausap ka iha? Para kang baliw) ehhhhh author naman eh!!! (Tsk)

kaya ako ang unang ginising kasi ang iba, tulog mantika, hindi kasi magising ang mga to pag ordinaryong gising lang kay ang ginawa ko; kumuha ako nang microphone at sabay sigaw " may sunoooggggg!!" Hahahahaaha epic ang mga mukha

Dali daling bumangon ang mga bruha at ang sasama nang tingin sa akin hahahaha sorry naman po✌

At tsaka sinabayan ko nalang nang takbo😂😂😂

Alexandra's POV

Heto kaming lima sa dining area, naghahabulan parang tanga! Eh ikaw ba naman ang hindi mapabangon salakas nang at tinis na boses ni Aubrey, walangya lang eh nuh

Pagkatapos namin maghabulan at kilitiin si Aubrey ay kumain na kami, nakakahiya naman sa grasya eh, pinaghintay pa talaga namin.

" shopping tayo bukas ah, hwag nalang ngayon kasi gabi na" paninimula ni Rose Mae " ah guys by the way, lets change our looks na ha?" Dagdag pasabi ni Rea "hay salamat naman at naisip mo yan" sambit ni Keanna na syang ikinasang ayunan nang lahat

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan na namin ang aming mga pinagkainan at tsaka natulog na pagkatapos

Keanna's  POV

Maaga kaming nagising lahat, masyado yata silang excited
"Maylen, pakitawagan nga si Lovely, sabihin mo pumunta dito"  sabi ni Rose Mae na syang pinaka excited sa lahat. Ang pamilya kasi ni Lovely ay nagmamay ari nang nagtatayugang mga Malls dito sa States kaya nga masyadong atat tong si Rose Mae kasi libre naman mamaya lahat ni Lovely

'Calling sissy Lovely' pagkatapos nang apat na rings ay sumagot na ito "hello" sabi ni Lovely sa kabilang linya "sis, punta ka raw rito sa condo namin" sabi ko at pinutol agad nito ang tawag haahaaha hindi pa rin sya nagbabago

Pagkaraan nang limang minuto ay 'screech then break' (effects ko yan, hwag magulo) natural nganga na naman kami sa pinsan naming ito, pambihira racer kasi kaya- "what are you waiting there, hop in sissys *wink" cool na sabi ni Lovely may pinagmanahan talaga, drag racer rin kasi ang mom nya, si Tita Emily Louiseville

Sumakay nalang kami, hindi naman kasi kami choosy hahaahaha . Nung dumating na kami sa mall nina Lovely 'L.C MALL' ang pinaka sikat na mall sa buong Asya (gawa gawa ko lang yan) ay nag sitakbuhan na agad kami sa aming mga destinasyon at ayon tinulungan pa talaga kami ni Lovely na pumili, sya kasi ang pinaka fashionista sa aming lahat, hindi nman sa pagmamayabang pero kaming lahat ay may taste *lip bite

Pagkatapos at pagkalabas namin nang mall ay iba na ang mga hitsura namin, halos hindi nga namin makilala ang isa't isa dahil sa kagandahan naming lubos nang nalantad *wink

"So paano ba 'yan, dba sabi nyo 'change for the better'? Eh bakit change for the best natong sa atin"? Taas kilay na sabi ni Aubrey. Nagtawanan naman kaming lahat kasi tama nga naman sya

"So let's go guys, kain muna tayo, eh sa maghapon ba naman nating pagsusukat at pamimili hahaaha " natatawang sabi ni Rea. Eh paano ba naman, sya kaya ang pinaka matakaw sa amin😉

Rea's POV

Grabe, ang saya nang araw nato at the same time ang pagod pero at least worth it.

Sisiguraduhin naming lahat na hindi namin masasayang lahat nang eforte na ginawa namin dito

Maylen's POV

Hindi lang pag fa fashion ang ginawa namin dito sa States kundi natuto kami nang martial arts, nag aral din kaming makipag barilan, drag race at iba pa, naging bitch na rin kami, hindi na kami kasing lampa gaya nung fourth year high school pa kami ngayon kasing pasukan eh mag fi 1st year college  na kaming lahat  . We're all 17 years old at ngayon na ang balik namin sa Pilipinas kasi after 2 days eh pasukan na

At balak namin sa school nina Rea mag aral, the elite school of all elites, The Ratchford Academy, ito ang pinakasikat na skwelahan sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa, hindi ka kasi nakakapasok pag hindi ka matalino, ang iba nakakapasok lang naman nang dahil sa pera

Free kasi kaming lahat sa tuition dito sa school nila,alam naman kasi nila na matatalino kami at mag pipinsan lang kami kaya okay lang kay tito (dad ni Rea)

Ratchford AcademyWhere stories live. Discover now