Rose Mae's POV
Pagkapasok na pagkapasok palang naming anim sa cafeteria, agad na kaming pinagtitinginan na syang pinagtaka namin "bakit ganyan sila kung makatingin sa'tin? may nagawa na naman ba tayong mali?" maluha luhang sabi ni Aubrey " sshhh tama na, wala tayong ginawang masama, okay?" Mahinahong paliwanag ni Alexandra kay Aubrey "sarap lang dukutin ng mga mata eh" pagtitimping sagot ni Keanna " eh hindi naman magaganda, mukha na ngang make up kit na ang mga hitsura nila eh" natatawang turan ni Rea
Natatawa nalang ako sa mga 'to, kahit naman kasi ganyan 'yan mukhang mahihina sa panlabas na anyo, pero lahat kami ay may itinatagong ka demonyohan pero hindi namin ipinapalabas kasi nga mababait ang anyo namin, kaya hindi nila mailalabas ang tunay na kami habang nagpapanggap pa kami, si Aubrey lang naman ang halos hindi makabasag pinggan eh, dinidibdib nya lahat nang masasakit na salita pero tandaan nyo, pag ginalit nyo yan, bahala na kayo hahahaahaa secret ko nalang muna, so okay balik na tayo
Malapit na kami sa table namin kung saan makakasabay namin ang anim na Hotties nang school, nakakapagtaka nga eh, bigla bigla nalang silang lahat naging interesado sa amin, noong nakaraang dalawang buwan ay nagsimula silang manligaw, pero ni isa sa amin ay wala pang sinasagot sa kanila, buti nga kasi para naman kasing may mali eh, so heto na...
"Hi" bati nilang anim sa amin kami naman ay tumango lang, natural na na may pagkain na sa table namin, sanay na kami kasi sila naman palagi ang nag oorder para sa amin
Parang may kakaiba sa anim na to ngayon eh, parang may mali, kasi mukhang galing sa pag iyak itong si Nathan
Keanna's POV
"Kumain na kaya tayong lahat kaysa tutunga tunganga tayo, mukha kasi tayong mga tanga eh" pagalit na sabi ni Tyler " 'di ba masamang pinag aantay ang grasya?" mahinahong sabi ni Aubrey pero kanina ko pa ' to napapansin sina Froi at James na nagsisikuhan eh, ano bang problema nang mga 'to
"Anong problema? Kanina ko pa kayo nahahalata ah" pagalit ngunit mahinahon kong pagkakasabi na syang ikinatigil nang dalawa, nagulat kaming lahat nang tumayo at tumuntong pa talaga silang lima sa chair nang table, hindi na mapakali si Nathan sa kanyang kina uupuan, hindi sya sumali sa limang baliw
"Hey guys! Eyes here" sigaw ni James na umalingawngaw talaga ang boses dahil sa laki ba naman nang cafeteria "makinig na rin kayo" dagdag ni Dan akala mo naman mag popropose lang eh, kailangan pa talaga nang audience
Habang ito namang mga sissys ko, hindi na rin mapakali kasi baka nag aasume na naman tong mga to "sis, dba ang usapan natin kahapon, ngayon na natin sila sasagutin?" Kilig na sabi ni Rose Mae " hala oo nga pala sis, malapit ko nang makalimutan" excited na sabi ni Alexandra
Naagaw naman ang aming atensyon kay Tyler na nagsimula nang magsalita " kilala niyo naman siguro tong mga kasama namin?" sigaw ni Tyler na syang ikinagulat namin, akala kasi namin na may surpresa sila sa amin pero " bakit ba kayo nag titiis sa mga bakekang na 'yan Price Tyler! Eh nandito naman kaming mga magaganda, nandyan pa kayo sa mga walang kwenta!" sabat ni stupid 1 na syang ikinainis namin, pero ang sumunod na eksena ang ikinagulat talaga namin "kaya nga tinawag namin ang atensyon ninyo, para malaman nyo na Pwede na kami" hindi namin maintindihan ang gustong ipahiwatig ni Froi " malaya na kayo nerds" sabi ni James na syang ipinagtaka namin " sorry sa panggugulo namin" sabat ni Axel "pero diba sabi nyo nanliligaw kayo sa amin?" Maiyak iyak na sagot ni Aubrey "hahahahahahahahahahahaha" humagalpak nang tawa ang lima samantalang seryoso pa rin si Nathan habang hawak hawak ang kamay ni Rea "ano ba ang ibig sabihin nang mga kaibagan mo Nathan?" tanong ni Rea na kay Nathan ngunit imbes na sagutin nito ang tanong ni Rea ay bigla itong tumayo at "sorry Rea, I'm really really sorry" na halos mabasag na ang boses nito dahil sa kakaiyak nito pero bago umalis ay may ibinulong ito na syang dahilan para umiyak na rin nang tuluyan si Rea
Alexandra's POV
" bat nyo kami tinawanan na parang wala nang bukas?" galit na sabi ni Keanna na syang ikina seryoso nang lima " sorry to tell you this but, We're just playing around, hindi nyo ba nahahalata? Oh sadyang mga tanga lang kayong anim, ah lima lang pala kasi hindi kasali ang amazona" sambit ni Dan na tumingin pa talaga kay Maylen na syang ikinasinghap nang lahat nang tao sa cafeteria pero bago pa kami makasagot *boooggshhh* nabigla kami sa ginawa ni Maylen na pagsuntok kay Dan at dahil sa lakas nito ay pumutok pa talaga ang labi nito pero parang wala lang kay Maylen na dapat susuntukin rin sya ni Dan kung hindi lang ito pinigilan nang barkada
" oh narinig nyo na! Mga assumerang NERDS! NAGLARO LANG NAMAN PALA SILA SA INYO EH" singit nang stupid 2 na mukhang singit rin ang mukha "totoo ba?" sabat ni Rea " oo, pero ikaw ang natatangi, pinagpustahan ka lang naman namin! Ang tatanga nyo naman! Bukod sa ang papangit nyo! Lampa pa!"chill na sabi ni James na syang ikinanganga namin
"Oh, sige na, bye mga Nerds" pagpapaalam nila sa amin
They left us dumbfounded. Hindi namin alam kung saan namin itatago ang hiya naming anim. They're all staring at us right now. Sana lamunin na kami nang lupa. Pagkalipas nang ilang saglit hindi namin namalayan na pinagbabato na pala kaming anim nang mga itlog, mga left overs nila, at tsaka kung ano ano pa, ang baho na namin kaya naman kinaladkad ko nalang sila para matauhan sa mga nangyayari, parang wala pa rin sila sa mundo, pero hindi kami papayag na ganun ganun nalang 'yon
Idineretso ko sila sa rooftop nang school namin, at tsaka doon lang sila nag iyakan, pakiramdam ko rin naman na parang wala na ang mundo ko pero para sa mga kaibigan ko magpapakatatag ako, hindi nila dapat ginawa to sa amin, pero ganyan talaga, mapaglaro si tadhana eh
Hindi pa rin sila tumitigil sa pag iyak hanggang sa " ang sakit lang" nababasag na boses ni Rea " natutunan ko na syang mahalin eh, pero pustahan lang pala lahat, ang sakit lang talaga" nakayuko at lupaypay na ang balikat ni Rea sa kakaiyak "its okay sis, we will show them kung ano ang sinayang nila, but for now we need to chill, magpalamig muna tayo, total bakasyon naman" napangiti ako sa sinabi ni Keanna "bakit di tayo magbakasyon sa States!" at 'yon sumang ayon rin sa kanya ang lahat...
We're all going to US at syempre para makalimutan na rin lahat nang sakit😁