We are one (chapter 9)

795 19 0
                                    

CHAPTER 9

Betrayal


Umaga na naman at nagmamadaling pumasok kasi text ng text si Sedrick kesho nasaan na daw ako, bakit ang tagal ko raw, ano raw ang ginagawa ko, gusto ko nga syang sagutin na malamang kakagising ko lang alanganamang kung saan-saan ako nagpupunta, pero hindi ko na iyon ginawa at sa halip ay humingi nalang ako ng pasensya at nagpalusot lang na nalate gumising eh sa tutuo naman ay nag-day dream pa 'ko at nagpasalamat sa Diyos dahil binigay nya sa akin ang poging-pogi kong minamahal.

As usual pa takbo na naman akong pumasok para hindi ito magalit sa akin, kasi yun ang pinaka ayoko, ang magalit sya, naiiyak nga ako 'pag nagagalit ito, lalo na nung minsan na hindi ako nakapanuod ng liga nila noong isang buwan galit na galit ito at hindi ako kinausap ng dalawang araw, at pinariringgan pa ako ng masasakit na salita na tumatagos sa pinaka sagad ng puso ko at ayun umiyak ako sa harap nya syempre teary eye lang at 'pag kumurap ka tyak bagsak ang luhang yan, sabihan ba naman akong walang kwentang syota hindi sasakit ang loob mo? Kaya ayon pagkurap ko dumaloy ang masaganang luha sa aking mata, doon siya naawa sa akin at ako naman ang nagalit sa kanya, makikipag hiwalay nanga dapat ako sa kanya kasi kung gaano sya ka gwapo ganon kagaspang ang ugali ni Sedrick 'pag nagagalit at 'pag naglalambing naman ay tila nasa langit ka at para kang haring pinag sisilbihan nya, ewan ko ba moody si mahal ko, pero kahit ganoon sya mahal na mahal ko sya.

Sa pagkausap ko sa aking sarili ay hindi ko napansing nakarating na'ko sa iskwelahan at nakita kong naghihintay si Sedrick sa may canteen at kumakain.

"oi! Ang takaw mo!" ang sabi ko rito at tinabihan ito sa bandang kaliwa nya.

"ewan ko sayo ba't ang tagal mo?" ang tanong nyang nagtatampo tampuhan.

"ah eh kasi ano-"   hindi nya ako pinatapos magpaliwanag.

"o kumain kana? Nag-almusal kana ba?" ang mag kasunod nitong tanong.

"ah eh.. kasi pinag mamadali mo ko kaya hindi na ako nakapag almusal" ang sagot ko rito at napakamot ang ulo.

"nako iresponsable ka talagang bata ka" at tumingin ito sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti, kala ko magagalit nanaman ang abnormal.

"o bkit ganyan ka makatingin" ang tanong ko.

"ahhh wala ganyan talaga 'pag nakikita kita nagliliwanag ang aking buhay" at may pakumpas-kumpas pang nalalaman.

"talaga lang? nako baka nga nambababae ka na nyan eh, hindi ko lang alam." Ang biro ko rito.

"ganyan ba ang tingin mo sa akin mahal, manloloko?" pa babytalk nyang sinabi at sumimangot na parang bata.

"oh kawawa naman ang bata parang inagawan ng candy, sige hindi na, faithful kana sige"ang tugon ko rito at binigyan sya ng matinding ngiti.
 At sabay kaming nagtawanan ng malakas, nagulat nalang ako ng halikan nya ako sa may labi sa harap ng maraming tao, syempre may nakakita at nagbulunga.

"uy! Ano kaba may tao, may nakakakita" ang tugon ko rito sabay lingon para magmasid sa reaksyong ng mga nakakita.

"hayaan mo nga sila, inggit lang yan" ang tugon nito at sabay subo sa natitirang burger
"male-late na tayo mahal" at tumayo na kami at umalis

Namawis ako sa ginawa ni Sedrick parang nanikip ang dibdib ko sa ginawa nyang yo'n, sa tuwa ba o sa hiya, hindi ako makapag focus sa teacher ko kahit magaling itong mag turo.

"sir!" at nagtaas ako ng kamay.

"yes Prince?" ang tanong nito.

"pwede pong mag banyo?" ang tanong ko at tumawa ang mga classmates ko kala siguro nila magtatanong ako about sa lesson.
 
At tumungo ako sa banyo para umihi at nasusuka ako, ewan ko ba, sa sobrang kabog nang dibdib ko kaya pumasok ako sa isa na mga cubicle ng c.r

We are One by Xtino/apollo (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon