We are One (chapter2)

1.1K 28 0
                                    

                                                                                   CHAPTER 2

                                                                          The Fight

Dahil nakita ko syang lumabas sa isa sa mga cubicle sa banyo namin, hindi ko alam ang gagawin ko kung mamamatay na talaga ako o mag mamakaawa para hindi nya ako saktan.

Nakangisi syang lumapit sa akin.
"Tignan mo nga naman kung sino ang kaharap ko ngayon hehe" ang sabi nya habang papalapit sa akin.

Lumapit talaga sya sakin ang tinukod nya ang kamay nya sa pader na right side ng ulo ko at pumukit ako sa pag-aakalang susuntukin na nya pero nagulat ako ng pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko na at ginulo ang buhok ko.

"Ganun na ba ako nakakatakot sayo? Sa pogi kong 'to natatakot ka? Ahaha" ang inis nya sa akin.

"Ahh ehh.. Sorry nga pala sa pag tawa ko kanina ng malakas ahh? Hindi ko sinasadya" Ang paghingi ko ng pumanhin sa kanya.

"Yun lang ba? Apology accepted, ikaw pa lang ang nag patawa sa akin ng ganon sa loob ng cubicle habang nag dadrama ka sa labas, baby ka pa nga hehe" pang iinis nya sakin sabay gulo sa buhok ko.

Nag taka naman ako kasi mag kaedad lang naman kami tapos baby pako ko o sadyang iniinis lang ako ng mayabang na yun.

Nakangiti syang lumabas ng banyo at pa sipol sipol pa, ako naman ay parang nabunutan ng tinik ng balyena sa lalamuna at sobrang nakahinga na maluwang.

Lumipas ang mga araw na iniisip ko parin ang mga nangyari sa C.R at satuwing binabalikan ko ay bumibils ang tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, lagi kong nakikita ang mga mata nya sa mga oras nayon pati ang mapula nyang labi ayaw kong isipin yon pero kusang bumabalik.

Habang nasa room ay kinakausap ko parin ang sarili ko

Tumigil kanga ano kaba gusto mo naba si Sedrick ?? lalake kayo parehas diba?? O  bakit mu sya laging iniisip? Ang pagtataka kong sa bi sa loob loob ko

 
Hindi ko nalang pinansin ang mga nanggugulo sa loob loob ko bagkus ay nag pokus ako sa pag aaral pero pumangatlo lang ako sa klase nuong unang markahan satisfied narin ako dun kahit papano kasi nga gumugulo saking isipan si Sedrick.
Ano ba ang pinakain sakin ng mayabang na yon at ginugulo nya ang pagka tao ko
Inis kong sabi sa sarili

Nagsimula na ang pangalawang markahan at gusto kong masungkit ang ikalawang pwesto kaya gusto kung pagbutihan ang aking pag aaral.  Kaya naman nang mag bigay ang guro naming ng isang project sa math, physics, Filipino at English, oo sa lahat ng subject na yon nag bigay ang mga guro naming baka pinag usap usapan nila ito para pahirapan kami, kaya naman  hindi ako mag kanda ugaga sa pag isip ng gagawin ko sa project ko.

"ok class,  dahil lahat kami na mga guro ninyo ay nag bigay ng mahihirap na projects ay minabuti naming mag usap usap at napag desisyonan naming isa itong group project" ang sabi ng guro ko sa Filipino

Nagulat ako sa aking narinig kasi akala ko ay one by one project pero ngayon naman ay naging group project pero naisip kong ok narin yun para hindi ako mag rush pag dating ng submission ganon kasi ako ehh kung next week na ang submission ay ngayon palang ako nag sisimula, eh ang dami pa naman non kaya pumanatag na ang loob ko sa narinig.

"ok class mag count down na kayo 1 to 5" sabi ng guro ko
 
"1 2 3 4 5 .." ang bilang ng klase

"tumayo lahat ng number1.. number2. number3 number 4............."

We are One by Xtino/apollo (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon