MCHC 8[Andrea Larsson's POV]
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Bumangon ako at napahawak sa ulo ko dahil sa sakit.
"Ouch." Daing ko at napahawak sa ulo ko dahil sa sakit.
Teka, ano bang nangyari? Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko na nasa kwarto ko na ako dito sa bahay namin ni Macky. Wait. Paano ako napunta dito? Ang huling naaalala ko ay nasa bar kami. Tumayo ako at pumunta sa cr at ginawa ang morning rituals ko. Paglalabas ko ng c.r ay nakita ko ang sarili ko sa whole body mirror ko dito sa kwarto ko. Teka, iba na damit ko? Sino kaya nagpalit saakin? Haaaay. Matanong nga si Macky.
Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta ng kusina. Buti nalang at sabado ngayon at walang pasok. Pagkadating ko sa kusina ay nadatnan ko si Manang na nagluluto. Dalawa lang ang yaya dito at may dalawang guards at dalawang driver, since dalawa lang din kami ni Macky dito sa bahay or should I say Mansion.
"Manang si Macky po? *yawn*" tanong ko kay manang habang naghahanap ako ng gamot para sa sakit ng ulo ko. Tsk may hangover pa yata ako. Ang sakit pa ng ulo ko eh T^T
"Ay iha, tulog pa." Sagot naman ni Manang.
"Ah sige po manang pupuntahan ko nalang po." sabi ko.
"Sige iha." - Manang.
Damn. Wala akong mahanap na gamot. Baka si Macky meron. Tsk. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at naglasing ako kagabi. Lagot ako nito kay Daddy T^T Sana hindi ako isumbong ni Macky. T^T
Pagdating ko dito sa tapat ng kwarto ni Macky ay kumatok muna ako.
*knock
*knock*No Response
*knock
*knock*No Response
Haaaay. Tulog pa ata 'to. Pasukin ko na nga. -.-
Nakapasok naman ako dahil buti at hindi niya nilock. At tama nga ako tulog pa. Topless pa nga eh. Umakyat ako sa kama niya at nagtatatalon talon.
"Gising na Macky!" Sabi ko habang tumatalon sa kama niya.
"Hmmmm. Andrea, stop that." Inaantok pa na sabi niya ay kinusot kusot ang mata niya. Hindi parin ako tumigil at tumalon talon parin ako.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka pa gumigising dyan." sabi ko habang tumatalon parin.
"You'll regret that." sabi niya sabay hila sakin at napahiga naman ako. At sinimulan na niya akong kilitiin.
"Hahaha!! Ta-ma na Mack-ky! Hahahaha!!" Sabi ko habang tumatawa. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy parin siya sa pag kiliti sakin.
"Hahaha!! Mack-ky ta-ma na! Hahaha!!" Hinihingal ko sabi.
"Sabi ko sayo diba pagsisisihan mo yung ginawa mo. Pfft." sabi niya at patuloy parin sa pag kiliti sakin.
"Hahaha!! Sor-ry na! Hahaha!"
"Ehem," natigilan si Macky sa pagkikiliti sakin ng may magsalita. Pati ako natigilan din. Sabay kaming napatingin sa pintuan kung saan nanggagaling ang boses.
"Okay na po yung breakfast niyo." sabi ni Jean ang pangalawang katulong dito sa mansion.
"Sige susunod kami." sabi ni Macky. Aalis na sana ako para tumakas at lumabas na ng mahuli ako ni Macky.
"Saan ka pupunta?" Sabi niya at binuhat ako na parang sako.
"Waahhh!! Macky!! Ibaba mo nga ako!!" Sigaw ko. Lagi niya nalang akong ginaganito -.- Sweet ng bestfriend ko noh? Hahaha!
"Nah ah." Sabi niya at bumaba na habang buhat buhat parin ako.
"Macky!!" Sigaw ko. Pero parang wala parin siyang narinig.
*ding dong
Eh? Sino kaya yun?
Imbis na dumiretso si Macky sa kusina ay pumunta siya sa pinto.
"Macky!! Ibaba mo kaya muna ako!" Sigaw ko. Ano yun? Hanggang sa pinto buhat buhat niya ako? -.-
Pero again, -_- Para siyang walang narinig at dumiretso lang hanggang pinto. Kaya imbis na sumigaw ay nanahimik nalang ako.
"Do you have a visitor?" Tanong niya. Meron nga ba? Hmmm. Wala naman ah.
"Nah. Ikaw ba?" Tanong ko.
"Same." Aniya. Eh? Sino kaya yun? Nakakapagtaka naman ata.
Nung marinig kong buksan na ni Macky ang pinto ay gusto ko sanang bumaba para makita kung sino kasi naman nakaharap ako dito sa likod ni Macky -.- Buhatin ba naman ako na parang sako? -.-
"What the?! What the hell are you doing here?!" Gulat na sigaw ni Macky.
Hala! Sino kaya yun? Ang daya naman kasi ni Macky eh! 'Di ko tuloy makita! Haaaay!! Aish!
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Crush (ON HOLD)
Teen FictionThis is just a SHORT STORY. So kung mapapansin niyo iilang chapters lang siya. And sa isang chapter maikli lang talaga siya kaya nga short story eh. HEP! Pero kung mag bago ang isip ko, at kung gusto ko ito habaan, edi go! I'll make that chapter a...