Part 1B

24 1 1
                                    

"Ano pong laman nyan Ate?" habang tinutulungan ako ni Tere na ilabas yung pulang sako sa mini cabinet

"Hindi ko na matandaan e, malalaman natin kapag nakalkal natin."

Nailabas na namin yung sako pero hindi ko muna binuksan at inalam ang mga laman, pinagpatuloy na lang muna namin ni Tere ang paglilinis.

Hapon na nang matapos kami ni Tere sa paglilinis, pati ibang floors, nalinis na namin. Dumeretso na ko sa kwarto ko at naligo. Since wala na akong gagawin, pumunta na ko sa veranda para kainin yung hinandang merienda sakin ni Ate Gina, inaya ko na din si Tere, para makapagkwentuhan kami.

"Nakakapagod maglinis no? Buti na lang natapos na natin lahat."

"Oo nga po e, ay Ate, pinapatanong nga po pala ni Nanay Glo, itatapon na daw po ba yung pulang sako?"

"Ha? Teka, di pa natin nalalaman kung ano mga laman nun e. Pwede bang pakikuha yung sako?"

"Ay sige po Ate, kunin ko lang po."

"Sige, thanks!"

Maya maya pa ay dumating na si Tere buhat buhat yung sako. Kinuha ko naman yun at binuksan, tumambad sa amin ang pagkarami raming gamit.

"Sa inyo po ba 'to lahat Ate?"

"Nope."

"E kanino po ito? Mukhang puro mga pangbabae yung gamit at puro red. Ayos lang po ba kayo Ate?

"Ha? Yup! Bakit mo naman yan nasabi?" saka ako tumayo at uminom ng shake.

"E kasi po, nakatulala kayo. May problema po ba?"

Isang malaking buntong hininga lang ang naisagot ko sakanya. Pinaligpit ko na lang kay Tere yung mga gamit at pinalagay sa loob ng kwarto ko.

Nakahiga na ako sa kama ko nang maisipan kong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.Habang kumukuha ako ng glass, may naririnig akong umiiyak.

Kaya itinigil ko yung ginagawa ko, dahan dahan akong humakbang papunta sa boses na naririnig ko. Kinakabahan ako, dahil makaluma na ang set up ng bahay at hindi din imposibleng may magparamdam dito.

Tinapangan ko ang sarili ko at tumapat sa pintuan papuntang dirty kitchen. Dun ko kasi naririnig yung boses, binuksan ko ng dahan dahan yun, lalong lumalakas yung iyak, kaya nag-sign of the cross na ako.

Hanggang sa makita kong bukas yung pinto sa dirty kitchen, daan yun papuntang garden. Naisip ko na b aka patibong lang yun at magnanakaw talaga yun.

Kaya kumuha ako ng kutsilyo, kahit kabado, unti unti akong lumapit sa bukas na pinto at saka sumigaw ng

"Huli ka! Tere?" oo si Tere, si Tere nga ang nakita ko, pulang pula ang mga mata nya at yung ilong nya parang kamatis. Na gulat na gulat ang itsura.

"Anong ginagawa mo dito ng gantong oras? At bakit ka umiiyak?"

"Ate, pwede po bang ibaba mo muna yung kutsilyo? Bakit ka po ba may hawak nyan?"

"Ah e, wala, maghihiwa lang sana ng fruits." Di ko na sinabi sakanya yung pagka-oa ko, baka akalain pa nya weirdo ako.

"Ganun po ba? Sige po, ako na po maghihiwa para sa inyo." Kinuha naman nya yung kutsilyo sa kamay ko.

"Ano po ba gusto nyong fruit?"

"Ah, apple na lang."

"Okay po. Dalhin ko na lang po sa kwarto nyo. May gusto pa po ba kayo?"

The Red SackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon