Part 1A

32 1 0
                                    


"Sure ka na ba talaga sa desisyon mong yang hija? Baka naman, pwede pang magbago yang isip mo?"

"Nako Nanay Glo, buo na po ang desisyon ko. Matagal ko na din pong pinagi-isipan at pinagpa-planuhan 'to e. Ngayon ko lang po napagdesisyunan." Kausap ko si Nanay Glo ngayon, ang care taker/ mayordoma/ Nanay namin dito sa mansyon.

"Alam na ba ng Tita Sophie at Kuya Cholo mo yan?"

"Si Kuya po alam na. Pero si Tita Sophie po, hindi pa."

"Kailan mo naman balak sabihin?"

"Di ko pa po alam, pero sasabihin ko rin po yun sakanya, sa ngayon po, gusto ko muna, mag-ayos at mag-linis dito. Para naman po kapag iniwan ko, hindi madumi at papasok ang-"

"HAPPINESS!"

"Nakakagulat ka naman Ate Gina!"

"Nako! Bumabawi lang ako no. Mami-miss ko yang mga panggugulat mo sakin, tuwing naglalaba at nagluluto ako dito sa mansyon."­­­

"Ay ang sweet o! Payakap nga!" niyakap ko naman si Ate Gina, anak sya ni Nanay Glo, tumutulong din sya kay Nanay Glo sa pagaalaga ng bahay at syempre sa amin na mga nakatira dito.

"Hahaha! Ikaw talaga napakakulet mo talagang bata ka. Mamimiss talaga kita! Lalo na si Nanay at Buchoy."

"Syempre naman mamimiss ko din kayong lahat, kayo na ang pamilya ko dito. Wag kayo mag-alala di ko naman nakakalimutan mga bilin nyong-"

"Chocolates saka mga laruan?" singit ni Butchi, na anak ni Ate Gina

"Aba! Makapagrequest ka ha? Parang kamag-anak ha?" sita ni Ate Gina sa anak

"Hahaha! Ang cute cute mo talaga Butchi! Halika nga dito!" tawag ko sakanya

"Di naman po Butchi pangalan ko e. Ate Ching talaga."

"Hahaha! Ang cute cute mo talaga! Pakurot nga!"

"Mama o! Si Ate Ching o!"

"Pagbigyan mo na yan si Ate Ching mo, mamimiss mo rin kakulitan nyan."

"Ops ops! Tama na muna yan. Gina, ilabas mo muna yan si Butchi nang makakilos yang si Ching."

"Lola naman! Buchoy po."

"Nako, halika na nga muna, nakakagulo pa tayo dito. Baba muna kami Nay. Ching, ano gusto mong merienda?" tanong sa akin ni Ate Gina

"Yung alam mo na po Ate Gina. Hahaha!"

"Kung di kita kilala, maiinis ako sayo, dahil ginagawa mong manghuhula ang mga tao."

"Ano ba ihahanda mo Mama?" tanong ni Butchi

"E ano pa ba? Edi sylvannas at watermelon shake."

"Yuuun! Galing mo talaga Ate Gina e! Padala na lang po sa veranda, dun na lang ako kakain. Thank you!"

"Okay. Maiwan muna namin kayo ni Buchoy." Sabi ni Ate Gina

"Hija, san ka pala magu-umpisang mag-linis? Para maipalabas at maipahatid ko kay Tere yung mga gagamitin mong panglinis.

"Hmm.. Sa attic na lang po. Para di na mahirap mag-akyat baba."

"Osya sige. Sabihan ko na muna si Tere. Hintayin mo na lang yung mga panglinis mo."

"Opo. Salamat po Nay." Saka ko tumayo galing sa pagkakaupo ko sa sofa. Bago ako umakyat sa attic, kinuha ko muna yung IPod at earphones ko.

Mas masarap kasi kumilos ng may sounds kang naririnig habang kuikilos, nakakawala din ng pagod. Kumuha na din ako ng face towel para kapag pinawisan at pangtali ng buhok para hindi sagabal ang buhok ko sa pagkilos ko.

Tinali ko na ng mataas yung buhok ko at saka pinusod. Tapos dumiretso na ako sa attic. Oo may attic ang mansyon, makaluma kasi yung structure nito e, dahil mansyon pa ito ng mga kanuno-nunoan namin, parang haunted mansion.

Habang paakyat ako sa attic, nagset na ako ng playlist para dire-diretso lang ang mga kanta. Naisip kong pakinggan ay ang idol ko na si Taylor Swift. Swifties kasi ako e, pero Lovatics at Selenators din. Pero trip ko si Taylor ngayon e. Kaya naman pinindot ko na ang play button.

Pagakyat ko sa attic, bumungad sa akin ang maalikabok at ang mga lumang gamit namin. Bawat isa sa mansyon may sari-sariling gamit dito. Naglakad lakad pa ako ng konti, nang makita ko yung lugar kung saan nakalagay yung mga gamit ko, agad na akong lumapit doon.

Nakasalansan lang sa gilid at pinakadulong part ng attic yung mga gamit ko, walang specific explanation kung bakit.

"Ay grabe ang dumi!" reklamo ko "Bakit nga pala ako nagrereklamo? E kagustuhan ko naman 'to. Carry ko 'to." habang inaalis sa pagkakasalansan yung mga gamit ko, nakita ko dun yung mga luma kong toys, like doll house, dolls, dresses, even mga shoes.

Natanggal ko na yung mga nakasalansan na gamit at may nakita akong maliit na cabinet.

Sa isip isip ko "Oo nga pala, may little cabinet ako dati, kaso nagpalit ng mga furnitures kaya inakyat na 'to dito. Ano na kayang mga laman nito? Mabuksan nga." nang akmang hahawakan ko na yung padlock ng cabinet, biglang may..

"Aaaaaaaaahhh!" sigaw ko.

"Sorry Ate Ching! Sorry po talaga! Ako lang po ito."

"Maygahd! Tere naman, bakit di ka man lang nagsalita muna bago humawak sa balikat ko? Papatayin mo ata ako sa takot e." habang nakahawak ako sa dibdib ko na ramdam na ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Nagsalita naman po ako, kumatok pa nga po ako e, kaso may nakalagay po pala sa tenga nyo kaya di nyo ako naririnig, kaya humawak na lang po ako sa balikat nyo. Sorry na po Ate Ching." Sambit ni Tere na nakayuko at halatang natatakot dahil nataasan ko sya ng boses.

"Hay! Ano ka ba, wag ka ngang matakot dyan. Nagulat lang naman ako. Relax!"

"Akala ko nagalit na kayo sa akin Ate e." di hamak na mas bata sa akin si Tere, kaya naiintindihan kong medyo natatakot sya sa akin, bagong pasok lang din sya kaya naman medyo ilang pa sa akin.

"Osya! Tama na. Basta sa susunod, wag ka nang manggugulat ha? Tulungan mo na lang ako sa paglilinis dito para mabilis ako matapos. Ayos ba yun?"

"Opo Ate. Ayos lang po. Dun na lang ako sa kabilang dulo magu-umpisa."

"Sure! Tara! Umpisahan na natin 'to." At nagumpisa na nga kami. Bumalik ulit ako sa ginagawa ko kanina at yun ay ang pagkalkal sa mga gamit kong nakasalansan. Isa na nga dun ang little cabinet na may padlock.

Sinipat ko yung lock at saka ko hinawakan, nangangalawang at maalikabok na 'to. Kailangan pang susian para bumukas pero di ko matandaan kung nasaan yung susi. Nag-isip pa ako ng kaunti at bigla na lang ako napasigaw

"Alam ko naaa!"

"Ang alin Ate?" nagtatakang tanong ni Tere.

"Ah e, yung susi nitong padlock, kanina ko pa kasi iniisip e. Ngayon ko lang naalala kung saan."

"Ay ganun po ba? Akala ko kung ano na. Nasaan po ba?"

"Nandito. Nandito sa ilalim ng kama sa loob ng life sized doll house ko. Sa 2nd floor." Inabot naman sa akin ni Tere ang susi.

"Talagang dito nyo pa po tinago ha?"

"Oo, para walang makakapagbukas bukod sakin." Hanggang sa nabuksan ko na nga ang little cabinet, alikabok ang sumalubong sa amin ni Tere at

"PULANG SAKO?"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Arielle's Note

First part of The Red Sack. Sa wakas napublish din. HIHI! Sana ay subaybayan nyo. Thaaaaaanks! May karugtong pa yan, kayaaaa ABANGAAAAN! :D


The Red SackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon