Chapter 1: First Meting

123 1 1
                                    

Mary's POV
"Mary AYOKO NA! Bitawan mona ako! Pakawalan mona ako! HINDI NA KITA MAHAL" shit! Ang sakit pakingan ng mga salitang yan nalumalabas sa bibig ng taong Minahal at Minamahal ko ng sobra </3
"Steve hindi naba talaga pwde? WALA NABA TALAGANG PAG-ASA na magka ayos pa tayo? HANGGANG DITO NALANG BA TALAGA?" Siguro nga mukha na akong desperada, nilunok ko narin pride ko para lang mag makaawa sakanya. Ngumiti sya,isang pekeng ngiti saka nya sinabi ang huling katagang ayokong marinig galing sakanya "Mary WALA NG DAPAT PANG PAG-USAPAN! TINATAPOS KONA LAHAT! PAALAM!" Yung lang at tuluyan na nya kong iniwan </3 Sobrang sakit! Hindi naman ako nagkulang! Pero bakit ganon? Bat nagawa nya parin akong iwanan? Nasan na yung mga Matatamis nyang PANGAKO? Hanggang ALAALA nalang ba LAHAT ng pinagsamahan namin? </3
Hindi ko alam kung pano ako napadpad sa isang lugar na walang katao-tao inilibot ko ang paningin ko sa paligid upang mag hanap ng maaaring upuan, sa may di kalayuan mula sa tinatayuan ko may isang bench sa ilalim ng mangga dali-dali akong pumunta dun at nagsimulang alalahanin LAHAT ng pinagdaanan namin ni Steve LAHAT ng MASASAYA't MALULUNGKOT na alaala ay unti-unting bumabalik. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng tubig na nangagaling sa langit. Umuulan! Nakikisama ang panahon sa nararamdaman ko.

Black's POV
Bigla akong naalimpungatan ng may tubig na pumatak sa mata ko. Napadilat agad ako bigla, umuulan na pala. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para maghanap ng masisilungan. Agad akong tumakbo nung nakita ko ang isang bench na nasisilungan ng malaking puno ng mangga. May tao, may babaeng umiiyak. Nilapitan ko yung babae at saka niyugyog ang balikat "Miss gabing-gabi na anong ginagawa mo dito? Miss okay ka lang? Miss umiiyak kaba?" Hindi sya nagsasalita kaya naman nagulat ako nung bigla nya akong yakapin. "Miss bakit nandito kapa? At tyaka bakit ka umii--" Hindi kona natapos ang aking sasabihin ng bigla syang nagsalita. "Kuya kahit ngayon lang pwde wag mokong iwan? Sawa na kasi akong maiwan, pagod narin ako mag habol. Hindi ka naman masamang tao diba? Wala ka namang gagawing masama sakin diba? Hindi naman kayo parepareho diba? Diba diba?" Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nya, isa lang ang alam ko, NASASAKTAN sya. Maya-maya'y tumigil narin ang ulan at kasabay non ang pagtigil ng pag tulo ng mga luha nya. Tumayo sya agad at saka nagpaalam "Ok na ako, Salamat sa pag aksaya mo ng oras sa walang kwentang kagaya ko" Bago paman ako nakapag salita ay nagsimula na syang nag lakad, bago sya tuluyang nakalayo tinawag ko sya't tinanong ang pangalan "Mary, Mary Austero" Yun lang at tuluyan na syang Umalis.

Mary's POV
Pagkatapos ng nangyari kanina sa hindi ko alam kung anong lugar, dumeretso na ako sa bahay. Pag minamalas ka nga naman at ang kinaiinisan ko pang kapatid ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto -_- "At bakit ngayon kalang umuwi MARY GRAPES AUSTERO? Umulan na't lahat-lahat hindi kapa umuuwi! Umuwi ka nga pasado alas dyes na! Ano nanaman pinag gagagawa mo Maria?" Sermon kaagad sakin ng magaling kong ate -.- Hindi ko nalang sya pinansin at dumeretso na ako sa kusina para mag hanap ng pwdeng kainin. Napa face palm nalang ako ng makita kong MANOK NANAMAN ang ulam namin -.- Oo NANAMAN! Dahil halos araw-arawin na namin ang pag ulam ng MANOK -.- Kumuha nalang ako ng konting ice cream at saka dumeretso sa kwarto. Pagka pasok na pagkapasok ko tumalon agad ako sa kama Hayszxct  Bukas ko nalang iisipin na broken ako -.- Sa ngayon, kailangan ko munang kumain ng konte at saka matulog.

Pinaglandi Pero Hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon