KAPATIRAN (Para kay Karl Jonathan Dominguez)

40.9K 802 107
                                    

Author's Note: This poem is a work of fiction and a product of the author's imagination.

Copyright © ScribblerMia, 2012

Kapatiran

Kung matapang ka ay tawirin mo ang unang tulay

Tulay na makipot na gawa sa nabubulok na kahoy at manipis na lubid

Iyan ang hamon ko sa'yo upang matatakan ka ng letra ng samahan

Upang maabot ang ikalawa at dulong posisyon

Landasin mo ang aspalto ng patag na kalsada

Gamit ang nagbabagang tsinelas

Tumawid ka sa ilog gamit ang maliit na bangkang walang sagwan

Upang masukat ang sukdulan ng iyong pagtitiis

Iyan ang sa una’y tatambad sa iyo

Makalipas ang ilang Linggo

Sa ikalawang baitang naman ay di hamak na ginhawa

Tutulayin mo ang maluwang na tulay

Tulay na sementadong daanan at gawa sa bakal

Ngunit ngayo’y mayroong aakay

Lalandasin mo ngayon ang aspalto ng patag na kalsada

Gamit ang makapal at bagong sapatos na goma

May kadaupang palad at aalalay

Tatawirin mo ngayon ang ilog

Na gamit ang malaking bangkang ilan-ilan ang sagwan

May mga kaagapay na sasagwan

Kung sa paglalakad ay makatapak ka ng kasalubong na higante

Padanakin mo ang mapulang katas ng katapangan kung kinakailangan

Upang sa huli’y ituring mo itong kapangyarihan

Walang banig na nakalatag sa kwarto ng samahan

Para sa mga katawang nadudusong

Walang sapatos na kasukat ng mga paang paurong kung maglakad

Habang ang iba nama’y palusong

Alalahanin mong ito ang paaralan ng mga agilang naghahangad

Na matutong lumipad ng palusong sa gitna ng malalim na gabi ng digmaan

Sa huling pahina ng kabanata ng ating kapatiran

Tutungo ka sa tuktok ng matulis na bundok para tingalain

Sa tatak na iiwan mo na kilalang tagahatid ng mabagsik at nagbabagang apoy

Magbubunga ang iyong pagtitiis

Ito na ang tatambad sa iyo.

--

Nagulat kayong may tula akong pinost noh? Hahaha. Para 'yan sa mahal kong si KJ. Hahaha. Elegy ito for KJ. Chos. Haha

🎉 Tapos mo nang basahin ang KAPATIRAN (Para kay Karl Jonathan Dominguez) 🎉
KAPATIRAN (Para kay Karl Jonathan Dominguez)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon