Author's Note: This poem is a work of fiction and a product of the author's imagination.
Copyright © ScribblerMia, 2012
Kapatiran
Kung matapang ka ay tawirin mo ang unang tulay
Tulay na makipot na gawa sa nabubulok na kahoy at manipis na lubid
Iyan ang hamon ko sa'yo upang matatakan ka ng letra ng samahan
Upang maabot ang ikalawa at dulong posisyon
Landasin mo ang aspalto ng patag na kalsada
Gamit ang nagbabagang tsinelas
Tumawid ka sa ilog gamit ang maliit na bangkang walang sagwan
Upang masukat ang sukdulan ng iyong pagtitiis
Iyan ang sa una’y tatambad sa iyo
Makalipas ang ilang Linggo
Sa ikalawang baitang naman ay di hamak na ginhawa
Tutulayin mo ang maluwang na tulay
Tulay na sementadong daanan at gawa sa bakal
Ngunit ngayo’y mayroong aakay
Lalandasin mo ngayon ang aspalto ng patag na kalsada
Gamit ang makapal at bagong sapatos na goma
May kadaupang palad at aalalay
Tatawirin mo ngayon ang ilog
Na gamit ang malaking bangkang ilan-ilan ang sagwan
May mga kaagapay na sasagwan
Kung sa paglalakad ay makatapak ka ng kasalubong na higante
Padanakin mo ang mapulang katas ng katapangan kung kinakailangan
Upang sa huli’y ituring mo itong kapangyarihan
Walang banig na nakalatag sa kwarto ng samahan
Para sa mga katawang nadudusong
Walang sapatos na kasukat ng mga paang paurong kung maglakad
Habang ang iba nama’y palusong
Alalahanin mong ito ang paaralan ng mga agilang naghahangad
Na matutong lumipad ng palusong sa gitna ng malalim na gabi ng digmaan
Sa huling pahina ng kabanata ng ating kapatiran
Tutungo ka sa tuktok ng matulis na bundok para tingalain
Sa tatak na iiwan mo na kilalang tagahatid ng mabagsik at nagbabagang apoy
Magbubunga ang iyong pagtitiis
Ito na ang tatambad sa iyo.
--
Nagulat kayong may tula akong pinost noh? Hahaha. Para 'yan sa mahal kong si KJ. Hahaha. Elegy ito for KJ. Chos. Haha