Sa buhay, nandiyan ang problema, ang hinagpis, ang sakit at kung anu-ano pa.
Pero para saan ba ito? Bakit may ganyan? Bakit may ganito? Bakit kailangan pang nalalagay tayo sa kapahamakan o sa problema?
Iyan ang tanong ng karamihan. Bakit nga ba?
Ngayon, tunghayan natin kung paano manalo, kung paano bumangon sa sakit, kung paano matuto. Pinapapasok ko kayo sa aking buhay.
Halika't tulungan ninyo ako kung paano bumangon at maging masaya. Papaano ba magtanim ng isang magandang alaala.
Samahan niyo ko sa hirap at ginhawa lalo na sa pagkasawi. Magbigay kayo ng payo na maaaring makatulong. Pupwedeng maiugnay ninyo ang bawat kwento sa buhay ninyo at matuto rin kayo.
Tahiin natin ang buhay ko ng sabay-sabay. Dito pa lamang ako ay nagpapasalamat na.
STITCHING MY MEMOIR