*2*

33 2 0
                                    

Again, sinasabi ko po ulit. Hindi ito yung typical na istorya na kikiligin ka kasi naglalandian sila tapos may protagonist ba yon o antagonist yata.

Ito yung istorya na nangyayari sa pang-araw araw na buhay. Maaaring tumatalakay siya sa isang paksa o pangyayari na pupwede kang matuto.

Pupwede din namang magbigay ng opinyon upang mas maganda ang kalabasan at para may mas matutunan tayo. Hangga't maaari layas muna tayo sa Romance ek ek, Horro/Thriller/Mystery ek ek.

Itry nating gumawa ng bagong putahe na malay mo magustuhan ng karamihan. Para hindi paulit ulit at nakakasawa. Ang maganda dito sa bawat kabanata may matututunan ka na pupwede mong magamit sa pang araw araw mong buhay.

READ.ENJOY.VOTE.COMMENT

October 24, 2013 12:00 Midnight

Lisa's POV

Heto ako ngayon gising pa din. Time check 12:00mn. Aish! Ang buhay parang life nakakatamad! So ayon, di ako makatulog dahil iniisip ko nanaman kung bakit? Bakit kaya ganon no? Ang hirap kapag clueless ka sa mga nangyayari sa buhay mo.

Inlove ka ba? O Naglalandi ka lang? Di ba ang hirap i distinguish kung seryoso ka sa isang bagay. Naiisip mo kapag pinagpatuloy mo to. Ano kayang mangyayari? May patutunguhan ba?

Napapansin ko nga halos araw araw na yata tong tampuhan namin ni Dexter. Nakakasawa! Bestfriend ko yon pero ewan ko ba. Hahahaha nababaliw na yata ko.

Alam mo yung may gusto ka pang isa? Tapos di mo alam kung gusto mo din tong isa. Bagay na bagay na kanta sa akin "Sana Dalawa Ang Puso Ko".

Go with the flow na nga lang ang aking gagawin. Pero hindi ako makapag intay! Gusto ko na kagad malaman! Naaatat na ko! Ma text nga tong mokong na Brother na to. Actually, ang totoong pangalan talaga niyan ay Jester Bro Madrigal. Ang astig no! Cool!

Mabait naman siguro mapang-insulto lang talaga. Ang sarap banatan eh. "Oy unggoy na may malaking mata in other words Tarsier!" text ko sa kanya.

Lumipas ang mga minuto. Walang text. Aish! Sana sa text may seenzoned din no.

Mapunta nga tayo sa seenzoned na yan.

Yan yung usong usong word ngayon sa mga social networking sites eh. Kapag nakatanggap ka niyan lalo na sa gusto mo o crush mo. Grabe! Iyak ka na! Ang ibig sabihin lang non ayaw niya sayo o ayaw ka niyang kausap.

Saklap! NGA-NGA KA NA LANG SA ISANG TABI. Diyan ako bwisit na bwisit kay Dex eh. Palagi naneneenzoned akala niya nakakatuwa -_-. Palagi pa naman kaming mag kausap.

Hindi sa may namamagitan sa amin ah. Siyempre bestfriend ko yon tapos palagi pa kaming magkausap. Nakakainis lang kapag ganun, pwede naman kasing sabihin busy ako mamaya na lang.

That sentence edi tapos. I feel rejected kasi kapag ganon. Totoo naman yon diba? Parang ang labas, and so?! Manigas ka diyan. Ayaw kitang kausap. 

NGA-NGA!~ The 2nd

Kaya palagi kaming nag-aaway no'n eh. So yun nga, last time i check unti-unti na kong nagsasawa. Too much drama is annoying right?

Minsan nga gusto ko man lang malaman yung iniisip ng kumag na yon. Promise! Alam niya kasi may pagka moody yon. Dinaig pa babae! Tapos kapag inaantok nakakainis! Ayaw niya mag salita! Sinong matinong tao ang gagawa no'n diba?!

Kahit tango at titig wala! MANIGAS KA DIYAN! Yun ang mapapala at makukuha mong reaksyon.

NGA NGA~ THE 3RD TIME KA ULIT. Hahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stitching My MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon