*1*

37 3 0
                                    

Support this if you want. If you don't like then don't ;)

ADVENTURE / NON-TEEN FICTION

READ.ENJOY.VOTE.COMMENT

October 23, 2013

Ang sakit-sakit! Iyan lang ang nararamdaman ko ngayon. Bakit?! Bakit kailangang may mag sinungaling? Kailangan ba palagi na lamang may niloloko?

Hindi ba darating yung pagkakataon na masaya na lang? Yung walang taong nasasaktan? "Oh Brother, anong ginagawa mo at nagmumukmok ka nanaman diyan?"

"Wala. Natulala lang ako. Napakaboring kaya! Tara gala tayo."

"Sige sige. Saan tayo pupunta?"

"Saan pa ba? Edi sa Mcdo." Sabay kunot ng noo ng bestfriend kong si Lisa. Opo babae siya may pagkaboyish lamang at ako naman kabaliktaran. "Wag ka ng choosy." Kaya ayun napilitan na din siyang tumayo at sumama sa akin.

Masaya? Minsan nakakasawa na ring magpanggap na masaya ka sa harap nila. Mahirap siya, oo pero ano nga ba ang magagawa ko? Mag drama ko sa harap nila. Wag na, lahat naman ng tao may problema. Makikisali pa ba ko doon.

"Para po!" At siyempre bumaba na rin kami, umorder ng pagkain at siyempre umupo.

 Pagkaupo namin unti-unting sumingkit ang mata niya at parang pinag-aaralan ang mukha ko. "Oh, alam ko may problema ka."

"Oo meron. Buti ka pa nalalaman mo isang tingin pa lang. Kahit nakangiti ako, alam mo mayroong kulang." Bumibigat nanaman yung pakiramdam ko. Ayoko nito. Ang hirap hirap! 

"Ano ka ba? Kapag malungkot ang isang tao, makikita mo sa mga mata nila kung masaya ba talaga sila o nagkukunyari lang. Sabi nga nila eyes is the windows of our soul, tama ba? Correct me if i'm wrong" Pero bakit yung ibang tao, hindi nila alam yon. Manhid lang ba sila? O wala lang talaga silang pakialam sa nararamdaman ko?

Andami kong katanungan. "Siguro nagtataka ka kung bakit yung ibang tao hindi alam yung nararamdaman mo. Kunot pa lang ng noo mo alam ko ng yun yung nasa isipan mo. Hindi naman sa wala silang paki alam sa'yo. Siguro ayaw na lang nila i-open yung topic na yon kasi nga baka ma-invade nila yung privacy mo, pupwede din namang ayaw nilang malungkot ka."

"Aish! O sige sabihin na nating yun nga per---" Bastusan pinutol pa yung pagsasalita ko. May sagot na yata kagad kahit di ko pa sinasabi. May sa manghuhula yata talaga to eh.

"Always take it to the brighter side kasi! Palagi mo na lang bang iisipin na kasi ganito, kasi ganyan. Madedepress ka lang which is bad." 

"Actually may point. Pero diba hindi naman maiiwasang mag-isip non? Siyempre gusto mong malaman yung totoo."

"Yes, that's true! Hindi talaga siya maiiwasan. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong malaman ang katotohanan. Matutong ibaling ang atensyon mo sa iba! Doon lang ba umiikot ang buhay mo? Sigurado naman ako meron kang pwedeng pagkabusyhan diyan." 

"So what can I say? Mukhang wala na yata kong masasabi! Salamat talaga ah!" Nagpatuloy na kami sa pagkain. Siyempre hindi pa rin mawawala yung lungkot pero kahit papaano anlaking tulong sa akin ng kaibigan. KAIBIGAN? Hmm?

"Kayo ni Dexter ah! Mukha na kayong nagkakadebelopan?" Sabi ko sa kanya. Paano ba naman ang sweet sweet! Magbestfriend din sila. Alam mo ba kapag nakita mong magkasama yan aakalain mong may relasyon. Grabe naman kasi! Dikit kung dikit!

"Siguro naman, maniniwala ka sa kin na bestfriend ko lang talaga yon. Di ko siya gusto at may iba akong gusto. Nagkataon lang na nabibigyan ng malisya. Kung ako maiilang edi ang pangit, sayang naman ang friendship diba? Sa kanya nga parang wala lang eh." Saad nito. 

Naniniwala naman ako sa sinasabi niya pero papaano naman ang ibang tao? Ano na lang iisipin nila? Kawawa naman siya kung ganon. "Eh paano ang ibang tao best?" tanong ko pa sa kanya.

"Hayaan mo sila! As long as may naniniwala sa akin i'll stick to the plan. Binalak ko naman siyang kausapin about doon. Mukhang ewan ko? Ayos lang yata sa kanya. Parang tanga yun eh pero i'm sure walang malisya lahat."

"Sabi mo yan best ah. Basta kapag may nangyari andito lang ako!" Tumayo na rin ako at pumunta ng CR. Aish! Nako! Bakit ikaw pa ang gusto ko?

****

Feel free to comment! Magbigay ng payo sa mga taong ito. Malay ninyo makatulong kayo. Hahahahaha. Mga gustong mag critic ayos lang din. Basta this is not the typical na istorya actually i'm not sure if this is a story. More of basta! Hahahaha. Basahin niyo na lamang yung Prolouge!

Binibigyan ko kayo ng chance para pumasok at magbigay ng payo sa mga buhay na to.

READ.ENJOY.VOTE.COMMENT

Stitching My MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon