Chapter 1

80 3 1
                                    


First Day

Ericka's POV

Alas kwatro pa lang ay gumising na ako. Maaga talaga akong gumising dahil first day ko ngayon sa bago kong school at nakakahiya naman kung malalate ako. Bumangon na ako at agad ng naligo.

'20 minutes later'

Natapos na akong maligo at magbihis, bumaba na ako ng dining room upang kumain. Mag-isa lang ako ngayon dito sa mansion dahil wala si mommy nasa bussiness trip sa hongkong. Puro maids at driver lang ang kasama ko.

Matapos kong kumain nagpahatid na ako sa school, malapit lang ang school ko sa village namin kaya wala pang 10 minutes na karating na kami. By the way magpapakilala muna ako.

Athena Ericka Jassiel G. Ho, 4th year high school. 17 yrs old. Half korean-Half filipino and also Half nerd/bitch. Back to reality~

'School'

Malawak ang ground, maraming buildings, may dalawang court, Malaki rin ang gymnasium at oval. Meron ding field. Parang resto naman ang cafeteria. Wow! Paano ko nalaman? Nagtataka siguro kayo noh dahil kakapasok ko pa lang alam ko na agad? Hahaha well, nakita ko sa poster nila.

Papunta na pala ako sa building kung saan ang klase ko, room 15. Naglalakad na ako sa corridor ng may mabilis na lalaking tumatakbo at nabangga ako.

" Kuya hindi playground to ah!" Sabi ko with matching irap. Takte irapan din daw ako. Ano sya bakla tsk! Kabanas, ang sakit tuloy ng pwet ko. At ayun na nga nandito na ako sa harap ng classroom ko.

*tok, tok, tok*
*Criiiikkk.... (A/N sensya na sa sound effect, pagbukas po iyan ng pinto)

"Ikaw ba yung transferee?" Tanong sa akin ng Gng. "Opo." Sagot ko.
"Come in and introduce your self."

Pag pasok ko pa lang lahat sila nakatingin sa akin at nagbubulungan. Nakakailang ang tingin nila parang mangangain. Hays, here we go.

"H-hi! Im Athena Ericka Jassiel G. Ho, 17 yrs old. Nice to meet you all."

Pagkatapos kong magpakilala naghanap agad ako ng mauupuan, may nakita akong upuan din sa dulo malapit sa bintana, dalawa ang bakanteng upuan pero pinili ko yung malapit sa bintana.

"Ehem! I am your adviser. Im teacher Anne Reyes"

Nagturo na si Ma'am Reyes. Habang nagdidiscuss sya biglang may pumasok na lalaki at dire-diretso lang sya sa upuan sa tabi ko. Paglingon nya sakin Nanlaki ang mata ko dahil sya yung hinayupak na bumangga sakin. Psh! Tumungo lang sya at... natulog? Tinuon ko na lang ang tingin ko sa harap at nakinig.

"Let's call it a day class, good bye!"

*fast forward

Krriiinnggggg...

*Breaktime

Naglakad na ako papuntang cafeteria. Medyo nakakapagod maglakad dito dahil malayo pa ng konti ito sa pinanggalingan ko. Nye!

'Cafeteria'

Andito na ako sa harap ng counter, oorder na ako ng food ko.
"Order mo miss?" Tanong sakin nung counter. (PS. Yung tao po "-")
"2 slice strawberry cake and pineapple juice." Gutom na ako.

"Paki hintay na lang po"
*10 minutes later..
"Here's your order"
"Thanks." Pagkatapos kong umorder naghanap na ako ng table at ayun sa bandang kaliwa.

Kain lang ako ng kain hangga't sa maubos. Ang sarap kasi favorite ko kasi to eh. Iinom na ako ng juice ng biglang may sumigaw.

"Anjan na ang The 5masters!"

Hindi masakit sa tenga teh! Letsugas ang tinis sobra ng boses kaazar,tsk. Sino ba yang 5masters na yan ng makonyatan kainis eh. Wait masters? Ano sila Hari, Artista, Prinsipe? Hays, wag ko na lang isipin kalerki lang sumasakit lang ang nerve cells ko sa utak makaalis na lang. Patayo na ako ng biglang may nagsalita.

"Can we sit here?" Gwapong lalaki lang naman. Gwapo ba kamo? Gusto nyo describe ko pa? Sge dahil mabait ako mehehehe \•-•/ makapal ang kilay, kaunting singkit ang mata, may pagkamatangos ang ilong, manipis ang labi at mapula. Sa tingin ko pilipino to pero sobrang puti eh tas makinis pa dinaig pa ko pakshet. Well basta gwapos sya tapos!
"Ummh miss?" Ay lokaret di ko tuloy nasagot kasi kayo eh pinadescribe nyo pa sakin, Tsk. "Ah sge. Tapos na rin naman ako hehe, bye." Tumango lang sya.

Palabas na ako ng cafeteria pero ang weird kasi pinagbubulungan nila ako at di ko alam kung bulong ba yun o sadyang pinaparinig nila sakin. Psh as if I care.

***
Nandito na ako sa classroom namin at hinihintay ang next subject namin. Maya-maya lang ay inanouce na may meeting daw sila kaya hindi daw makakapagturo. Naghiyawan naman sila sa tuwa.

Habang walang teacher naisipan kong matulog muna at para hintayin na rin ang uwian.

Pagkagising ko parang napansin kong nakatitig sakin yung katabi ko pero baka namamalikmata lang ako dahil kakagising ko lang. "Haaaahh." Hikab ko.

*kriiinnngggggg...

Lumabas na ako ng classroom at nandito na ako sa ground, habang naglalakad ako bigla akong natalisod sa malaking bato.

"Aaaaahhh!" *Boooggshh*

At ayun na sa katangahan ko ang sakit ng paa ki at mahapdi ang tuhod ko. Arrghh! Sh*t.

"Tanga." Di ko lang nakita yung bato tanga agad. Wait sino pala yun, oh my baka multo!! "Sino ka?" Para makasigurado.
"Hindi ako sinuka inire ako." Aba't pilosopong multo este tao. *tingin sa harap pataas* "ikaw?!" Kung sino pa makakakita sakin yung kaklase ko at partida katabi ko sa room for short yung bumangga sakin. Arrgh worst day ever.

Inilahad nya ang kamay nya ng hindi nagsasalita pero tinignan ko lang iyon. "Tinitingin- tingin mo? Ayaw pa?" Masungit na ani nya. "No thanks, I can manage myself" sabi ko.
"Kfine. Ikae na tinutulungan yaw mo pa." Tss sungit. "Pake ko? Sungit mo di naman kita kilala." Sabi ko.

Tumayo na ako at inayos ang gamit kong mga nalaglag. Maglalakad na sana ako ng hawakan ni Mr. Sungit yung braso ko at nagsalita.
"All of them know me except you!"

"And so? Transferee lang ako at hindi rin ako interesadong kilalanin ka." Simpleng saad ko.
"Clark Tristan G. Chua"
"Tinatanong ko ba?" Pang aasar ko
"Shit!" He cursed sabay walk out. Bwahahahhaha sarap tumawa. Maka uwi na nga. Tinext ko na ang driver ko at nagpasundo. Mabilis kaming na kauwi sa bahay. Pagkauwi ko nagtungo agad ako sa kwarto ko at natulog.

Good night world!
--------
A/N

Salamat sa pagbabasa! Subaybayan nyo po ang aking kwento hihihi. Sorry sa wrong typos and grammar hindi naman po kasi ako professional. Ayun lang salamat ulit and lovelots muah!

Just vote and comment kung nagustuhan nyo ang first chap.

"Love Or Trip"Where stories live. Discover now