Chapter 5 Worried Mother
Athena's POV
Kinaumagahan ginawa ko na ang morning routines ko. Pero dahil weekends dito lang ako sa bahay.
Natapos na akong maligo, nagtungo na ako sa dinning room upang mag almusal.
Habang kumakain iniisip ko pa rin yung necklace. Kanino kaya yun? Baka akin talaga? Hindi eh kasi Athena Jassiel lang pangalan ko. Ah baka nickname ko? Ay nako. Tanong ako ng tanong sa sarili hindi ko rin naman masasagot, psh! baliw.
Ano kayang pwedeng gawin? hays. Makapunta na nga lang sa kwarto.
Tumaas ako at pumunta sa kwarto ko, tinignan ko yung mga accounts ko like fb,twitter,instagram etc.
Nagtweet ako sa twitter ng 'Boring naman here, wtg?'
At ayun na nga daming naglike syempre puro taga other countries nakafollow sakin eh. Hahahaha! Ganda ko kasi.
Out of nowhere nakita kocyung necklace ko sa side table. Mako KO kala mo akin talaga eh noh hahaha.
Basta yun sinuot ko yun at tumingin sa salamin, ang ganda bagay na bahay sa akin. Mairampa nga! Pupunta ako ng park ngayon.
Nagpahatid ako sa driver namin dun sa park, out of curiousity bumili ako ng mga street foods.
Ang sasarap naman pala. Mukha lang talagang marumi, sorry to say pero ganun talaga.
Habang naglalakad lakad. May tumakbong bata sa harap ko.
"Ate ganda, may nagpapabigay po!" Sabay abot nung box at agad ng tumakbo.
Gusto ko mang tanungin kung sino kaya lang di ko na nahabol.
Binuksan ko yung box at may nakalagay na parang katulad sa reborn yung sa braso nila. Tas may nakasulat na 'Mafia Revolution' Ganern teh.
Maganda rin black na may kulay red na may out line na green.
Dami namang nagbibigay ngayon ng regalo ano bang okasyon birthday,pasko,bagong taon? Layo pa naman ng mga nyan eh.
Okay. Dahil na rin siguro sa pagod ay umuwi na ako. Nagtext na lang ako sa driver namin.
Habang nasa sasakyan di ko mapigilan magtanong kaya..
"Manong ano po bang ibig sabihin nito at binibigay sa akin?" Pinakita ko yung katulad sa reborn pati yung kwintas.
"a-ah a-ano po ammh hi-hindi k-ko rin alam hija"
Tas parang medyo namutla pa or guni guni ko lang."Ah sge po. Kay mommy ko na lang itatanong"
Nang nakarating na kami sa bahay. Nakita ko si mommy sa living room nanonood ng movie.
"Mommy!!" si ako~
"Oh. Bakit baby?" tanong ni mommy at humagikgik.Pinakita ko sa kanya yung kwintas at box. "My. Ano po ba ito? Binibigay po kasi sakin eh." Tanong ko
"SINONG NAGBIGAY SAYO NYAN?!" Napataas ang boses ni mommy. Sa bigla ko napaiyak ako.
Ngayon lang kasi ako nabulyawan ni mommy.
"Mo-mommy? b-bakit po? Hindi ko naman po kilala eh." napahikbi na ako.
Agad akong dinaluyan ni mommy. "Baby sorry nabigla lang si mommy. Diba sabi ko sayo wag kang tatanggap ng kahit na anong ibigay sayo. Sorry baby, akin na nga yan at itatabi ko." Sabi ni mommy bakas sa kanya ang pagkabalisa at pamumutla.
Agad na kinuha ni mommy ang kwintas at box. Umalis sya at pumunta siguro sa kanyang silid.
Nagtungo na rin ako sa ang kwarto dahil pagod na rin ako at gusto kong magpahinga.
Ipinikit ko ang mga mata ko hanggat sa hilahin na ako ng antok.
Andrea's POV (Athena's mom)
Takot na takot ako. Hindi ko alam kung saan na napunta to pero mas ikinatuwa ko yun tapos ipapakita pa nila sa anak ko.
Inilayo ko na sya. Ayokong madamay pa sya sa kaguluhang ito ayokong maging isa sya sa org. AYOKO! AYOKO!
*Beep, beep*
1 message
-Unknown Number-"Woaah. Worried mother huh? Maaalala't maaala nya ang lahat sya ang susunod."
Aaarggh!! Ayokong mapahamak ang anak ko.
ayoko. Sya ang nakatakda pero anong magagawa ko?Mababaliw ako. Napaiyak ako sa inis at alala para sa anak ko. Ayokong matulad sya sa kanyang ama.
Napalingon ako sa bintana at may nakita akong naka tingin doon at nakangisi. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil na rin sa dilim sa labas.
Sa ngisi nyang yun kinilabutan ako, may balak talaga sya may balak sila! Alam kong hindi sya nag iisa.
Third Person's POV
Nagising si athena sa kanyang kama. Pawis na pawis sya at hinihingal.
Napatingin sya sa orasan at 3:06 palang. Napag isip isip nyang bumaba at uminom ng tubig.
"Bakit ganun panaginip ba yun? or ah basta." bulong nya sa sarili
Hinugasan nya n ang baso sa sink at umakyat muli. Pilit nyang pinipikit ang kanya mga mata upang matulog ngunit nahihirapan na syang matulog ulot dahil narin siguro sa maaga syang natulog.
*Beep, beep*
1 message
-Unknown Number-"Memories will come back whether you like it or not. You cant do anything about it.
-Lady C
Napakunot noo sya." Sino naman kaya to" tanong nya sa isip.
Habang nag iisip sya. Biglang sumakit ang kanyang ulo at May mga pangyayari sa kanyang utak ang pumapasok.
Parang matitigas at matutulis na metal ang tumutusok sa kanyang ulo.
Hanggat sa hindi nya na kaya ang pagdaing ay ipinikit nya na lang ang kanyang mga mata.
Nakatulugan nya ang sakit ng kanyang ulo.
Itutuloy...
-----
A/NHi guys! New update here. Hahaha! Ewan ko ba kung may bumabasa ba nito pero sana meron. Salamat sa mga bumabasa nito sana ay nagugustuhan nyo! Still support this guyds.
FEEL FREE TO VOTE AND COMMENT! MUAH♥