Lorraine's POV
"Ang ganda naman ni baby Sam, kahit tulog ang cute cute!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong panggigilan ang anak nila Misty at Drake, napaka-ganda at napaka-cute!
"Hell yeah, pinahirapan naman ako sa panganganak." Misty rolled her eyes. Oo nga pala, caesarean nga pala si Misty. Pero natawa pa rin ako sa expression niya. She will never change I guess, the same cussing machine sa buhay ni Drake.
"Nasan ang anak mo Aine?" Tanong ni Drake.
"Nandun sila sa kwarto kasama si Seije."
Palaging magkasama ang dalawang iyon. Paggising sa umaga ang unang hinahanap ni Sean ay ang daddy niya. Tapos the whole day na silang magkasama.
Si Seije na rin ang nagtuturo sa kaniya ng kung anu-anong mga bagay, pati mga homewroks sa school. Ang galing nga eh, magkavibes talaga sila.Parang ako nalang nga yata ang dapat magtrabaho eh.
Nandito naman sa bahay sila Misty at Drake kasama ang baby nilang si Samantha. Halos magkasing-edad lang sila ni Sean. Madalas kaming magtipon tipon dito sa bahay para sa mga bata. Sayang nga at hindi makakapunta sila Tyler at Claire at ang anak nilang si Kim. Naku, isa pa ding napaka-gandang bata nun.
Naiinggit na nga ako dahil babae ang mga anak nila. Ang sabi naman ni Seije ay gumawa na daw kami ng panibagong baby para di daw ako naiinggit.Sira talaga ang lalaking yun.Although kinoconsider ko din naman yun pero parang natatakot na kasi akong manganak dahil nga nahirapan ako kay Sean noon.
"We should plan a reunion."
"Paano naman eh nasa Korea sila Bree."
Oo nga pala, after magpakasal nila Aubrey at Kysler ay nag-migrate sila sa Korea dahil sa business ng mga Ekelund. Medyo nagkakaroon yata sila ng problema kaya kailangan talagang tutukan ni Kysler. Nagbabakasyon din naman sila dito kapag walang pasok yung mga bata.
Sila Dianne at Brent pati ang anak nilang si Dylan ay pumapasyal din dito paminsan-minsan kapag hindi sila masyadong busy sa kumpanya nila. Magkaka-edad lang ang mga anak namin at talagang compatible sila sa isa't isa lalo na nga itong si Sam at ang anak ko.
Pumupunta pa din naman dito sila kuya Third at ate Reen kasama ang anak nilang sila Armie at Arkin. Kaso bihira lang din dahil nasa Korea sila. Doon naman talaga sila nakatira at isa pa, medyo maselan ang pamumuhay nila compared sa amin dahil kalakip nila ang mafia.
The Tayle Mafia is still active, I think that's for life. Ipinapasa kasi iyon from one generation to another. At ang susunod na maghahandle daw nun ay si Arkin. Ofcourse I won't allow it to be my son, I have felt all the sufferings from that organization and I don't want Sean to experience that.
*
"Ang gwapo talaga ng baby ko! Pakiss nga si mommy!" Nang akmang hahalikan ko na ito ay bigla naman nitong ibinaling ang ulo sa ibang direksyon.
"Mom, stop it okay? Matanda na ako, I don't think it's still appropriate." Pagsusungit nito. Nahagip naman ng mga mata ko ang pag-ismid sa amin ni Seije.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ng anak ko kahit na ang totoo ay grade six palang naman ito. Sigurado akong si Seije nanaman ang nagturo sa kaniya ng kalokohang iyan. Ano pa bang aasahan ko diba?
"Okay, baby. Napractice mo na ba yung mga sasabihin mo? Parinig naman si mommy." Presentation kasi nila today. At bilang mga mabuting magulang ay manonood kami ni Seije. Kaya lang ay hindi ko pa naman narinig ang speech niya dahil si Seije ang nagturo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Married to a Gangster[Dreame]
ActionNagsimula ang lahat sa isang gabing pagkakamali, one sinful night that led her to the dark mysterious passage to a gangster's past. How will she deal with guns if she can't run away from the bullets? How will she be able to create one good future if...